Chapter One

1.5K 45 4
                                    


TATLONG buwan na ang mabilis na lumipas mula nang lumuwas sa Maynila si Rocio Maxene Rosales. Naging madali ang pagpapaalam niya sa among si Anthony La Cuesta. Hindi rin niya akalain na bibigyan siya nito ng malaking halaga bilang separation pay. Nakakatuwang higit pa iyon sa sapat para sa kanyang matrikula sa kolehiyo. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral at kahit na naudlot man iyon dahil beinte-kuwatro na siya ay hindi na siya magpapapigil pa. Mabuti na lamang at na-credit ang ilang subjects niya kaya naging third year irregular student siya agad.

Naisip niyang...kung patuloy siyang manunungkulan sa mga La Cuesta, hindi niya malalaman kung ano pa ang kaya niyang maabot sa buhay. Tatanda siyang kasambahay. Tatanda siyang mag-isa. She was all alone. Walang kakilala at ang tanging bitbit lang ay ang pangarap niya, tapang na magagawa niyang mamuhay nang maayos.

Alam niyang kahit na anong mangyari...may pamilya siyang uuwian sa piling ng mga ito kaya naman malakas rin ang loob niya. Susubok siya. Magbabakasakali. Gagawa siya ng sariling suwerte. And to be able to start a new life...she will start using her other name. Maxene. She wanted to be Maxene from now on.


****

Three years later...

"HINDI ka pa ba uuwi, Max? Aba, two weeks ka nang puro over time ah," ani Susie na kasamahan niya sa restaurant na pinagtatrabahuan. Halos dalawang taon na siya roon. Part time lamang si Susie doon at full time naman siya.

Kasama rin niya ito sa maliit na kwarto sa isang boardinghouse na tinutuluyan niya. Nasa unang palapag ng double deck ang kama niya at ito naman ang nasa itaas. Halos hindi na rin siya umuuwi roon dahil sa dami ng kanyang trabaho. Estudyante sa umaga, dishwasher at waitress naman sa gabi. Sa weekend naman ay sumaside-line din siya bilang room attendant sa isang five-star hotel na pagmamay-ari ni Ambrose La Cuesta—kapatid ng dati niyang amo na si Anthony La Cuesta. Hindi man nito alam na doon siya nagtatrabaho, malaki ang pasasalamat niya at nakapasok roon kahit walang tulong nito.

"Oo na, may tatapusin lang ako."

"Hoy! Aanhin mo ang kikitain mo kung magkakasakit ka naman?"

"Ano'ng akala mo sa 'kin? Kaya ko, Susie. Malakas pa ako sa kalabaw, okay? Sige na, umuwi ka na."

"Lukaret! Alagaan mo ang sarili mo. Kapag nagkasakit ka, sinong mag-aalaga sa 'yo?"

Napatigil siya sa pagpupunas ng counter sa narinig na iyon mula sa kaibigan. Sa ilang segundo niya sa pagtigil ay agad niyang naramdaman ang pananakit ng katawan. May exams pa siyang dapat na pag-review-han. May trabaho pa rin siya bukas at anim na oras na lang ang maitutulog niya.

Oo nga, kapag nagkasakit siya...sino ang mag-aalaga sa kanya?

"Rocio Maxene Rosales, okay lang na mapagod at okay lang din na magpahinga. Simula noong nagkakilala tayo hindi kita ni minsan nakita na nag day-off. Ikaw na ang pinakamasipag na nilalang na kilala ko. Kaya puwede ba? Time out ka na muna. Birthday mo rin bukas 'di ba? Puwede bang kahit isang araw lang, magpahinga ka naman? Remember, even God took a rest on the seventh day?"

"Birthday ko nga pala. Twenty-five na ako bukas. Pero may schedule ako dito kaya papasok pa rin ako, sayang naman ang kikitain ko. Then after that, sasaglit ako sa school kasi may exam ako. Tapos 'yung pinapatinda ni Ma'am Rose, idadaan ko muna sa hotel. Marami na akong kakilala do'n, sigurado maraming bibili lalo na at pay day ngayon. Teka, nakausap mo ba si Paul tungkol sa raket na ibibigay daw niya sa 'kin kasi ayaw mo?"

Si Paul ay waiter sa restaurant at kaibigan din nila.

Tumirik ang mga mata nito at napailing. "So, saan doon ang time out para naman kahit paano makapag-celebrate tayo ng birthday mo? 'Wag mong isipin ang raket ng mokong na iyon. Magpahinga ka! Aba, inaabuso mo ang katawan mo, Miss! Hindi ka mauubusan ng trabaho kaya magpahinga ka naman utang na loob!" kastigo nito sa kanya.

MARRY ME, MAX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon