Chapter Sixteen

508 29 1
                                    

NAGMAMANEHO na si Andrew nang sulyapan siya nito. Tahimik lang siya sa passenger's seat habang ninanamnam ang bawat segundo na kasama niya ito. Suot niya ang roba nito at nasa paperbag naman ang mga basa niyang damit. Sa magkahiwalay na silid sila nito natulog dahil gusto niyang mapag-isa.

"Si Elaine pala ang ex-fiancée ni Jeric..."

Tumango ang lalaki bilang tugon. Nakatuon lang ang buong atensiyon nito sa pagmamaneho.

"Sinabi ni Jeric na...nakipaghiwalay si Elaine sa kanya. Ibig bang sabihin..."

"No. I have nothing to do with them. Kung mayroon man siyang dahilan, wala na ako doon. Labas na ako sa kanila."

"Paano kapag...nakipagkita siya sa 'yo?" tanong niya.

He glanced at her. "I don't know. What do you want me to do?"

She looked outside the window. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan.

"May dapat ka bang gawin?"

"Nagseselos ka ba?" tanong nito.

Napabuga siya ng hangin sa narinig. "Asa ka."

Hindi ito kumibo at parang nangingiti. "Okay."

"Kung mayroon mang babae na magiging involve sa 'yo habang kasal tayo—"

"I don't wanna be involve with anyone else while I'm married to you. Kung sakali na pumayag ka na..."

Seryoso ba ito? Hindi ba at ito ang nagsabing maari silang makipagrelasyon sa iba habang kasal sila?

Tila nabasa nito ang nasa isip niya kung kaya nagpatuloy.

"Mapapatay ako ng lola."

Bahagya siyang natawa. "P-pero...paano kung..."

Sinulyapan siya nito. "Wala akong magagawa kung hindi ang magtiis. I mean, no sex for five years? That should be easy, right?"

"No."

"I know, who am I kidding?" he laughed softly. "But what can I do?"

She sighed. "Ano'ng tingin mo sa 'kin? I mean...I may not have the experience pero...gagampanan ko pa rin ang pagiging asawa sa 'yo and that includes...you know..."

Napansin niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito at hindi niya nagustuhan iyon. Naiinis na humalukipkip siya sa kanyang upuan.

"Hey! I was not teasing you or anything!" he said.

"Nakita ko sa ngiti mo! Nang-iinsulto ka! 'Di 'wag! I changed my mind!"

Nagpantig ang mga tainga niya nang tumawa ito nang malakas. She had never heard him laugh like that.

"Hey, I wasn't teasing you. I'm just...I'm just amused, that's all."

Naiinis na nagkakandahaba ang nguso niya. "Dapat hindi ko na lang sinabi. Bwisit ka!"

Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang buong katawan ng mga sandaling iyon.

"It almost happened three times, mind you." sambit nito, "Iyong pangalawang pagkakataon, it was really close. But I had to take an important call. Damn it."

"Kung sakali...are we going to use protection? Like...condom?"

Umiling ito sabay sulyap sa kanya na seryoso ang mga mata. "No, I would want you to feel everything, I want you to feel me. And I want to feel you...being inside you. I want to make it worth the wait, Max. I want you to have the best experience and I will make sure of it. Kung sakali nga na pumayag ka na."

MARRY ME, MAX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon