NAGISING na si Maxene matapos ang halos dalawang araw ngunit hindi niya magawang imulat ang mga mata. There were people talking around her. Buhay pa rin siya? Gusto man niyang imulat ang mga mata ay tila kay bigat ng mga iyon. Para bang nanggaling siya sa isang malaking laban. Sa sobrang sakit ng kanyang katawan ay halos namamanhid siya.
"Nakausap mo na ba si Atty. Quiambao, hijo? What's your plan?"
Nakilala niya ang nagsalita. Boses iyon ng ina ni Andrew. Si Mrs. Sylvia Salbatierro.
"I'm still figuring out what to do. I guess, I'll have to submit the papers to Atty. Quiambao as soon as possible. It should be effective immediately, though. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang kontrata. I should be free from her soon. Iyon ang dapat kong gawin."
Hindi siya makapaniwala sa mga narinig sa asawa. Totoo nga ang sinabi ni Elaine sa kanya.
"Halos isang buwan na lang ay maga-grant na ang annulment ninyo. My ninong—who is also Andrew's lawyer is expediting the process. And in no time, you'll be out of here. Masuwerte ka nga at may makukuha ka pang pera sa kabila ng lahat."
"Makakaapekto 'to sa Salba Corp, hijo, alam mo 'yan." Paalala ng ina nito.
"I know. But I'm working on it. Hindi ko hahayaan na makaladkad ang pangalan ko dahil lang dito. I'll clean up this mess as soon as I'm able to." Determinadong wika ng asawa. "For the company's sake, hindi ko hahayaan na madungisan ang pangalan ng lola."
Sa mga narinig ay ayaw nang imulat pa ni Maxene ang mga mata. Ayaw na niyang magising pa. Ayaw niyang masaktan kapag narinig niya mismo sa bibig nitong tinatapos na nito ang lahat sa kanila. She just wanted to run away from everything.
Sana ay hindi na lang siya nabuhay. Sana ay hindi na lang siya lumaban... she should have just given up dahil wala na siyang babalikan. She was better off dead.
"You should go home and rest, anak. Si Nana Sinang na muna ang bahala kay Maxene. Kami ng dad mo ay kailangan habulin ang flight namin pa-US. I really want to stay hanggang sa magkamalay siya but you know that we really need to go."
"I understand, Mom. She's safe now, iyon ang importante. You guys should go, babalitan ko kayo kapag nagkamalay na siya. I'll head home for a few hours and I'll be back. Gusto kong magkausap kami pagbalik ko."
Ilang sandali pa ay bumukas at sumara ang pinto. Wala na siyang narinig pang mga boses sa kanyang paligid nang pilitin ni Maxene na imulat ang mga mata. She could feel the terrible pain all over her body. Para bang kaunting kilos lang ay iindahin na niya. She wanted to leave the room, but she was so weak. Ayaw niyang maabutan siya doon ng asawa pero kahit pilitin niya ang sariling maupo manlang ay hindi niya magawa.
Tears rolled down her cheeks. Malinaw na malinaw sa pandinig niya ang sinabi nito sa ina. Hindi na ito makapaghintay na matapos na ang kasal nila. That he will submit the papers to the lawyer as soon as possible. Ayaw iyong tanggapin ng puso niya but her mind was already convinced that it was all over for them.
Muli niyang hinayaan ang sarili na makatulog at muli na lamang siya nagising nang may humahaplos sa kanyang pisngi. She opened her eyes.
"Hey..." ani Andrew na bakas sa mukha ang kasiyahan.
She was just staring at him with no emotions. She wasn't glad that she was still alive.
"How are you feeling? I'm glad you're awake." He said.
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
Lãng mạnLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...