Epilogue

1K 35 24
                                    


ISA pang mahinang tulak ay lumayo na sa kanya ang asawa, kung hindi niya ito aawatin ay lalo ito male-late sa pagluwas sa Maynila. Nakabalik na sila sa Tagaytay at doon na permanenteng maninirahan. But Andrew wanted to keep the house in Antipolo, sa katunayan ay lingid sa kaalaman niyang ipina-tansfer nito sa pangalan niya ang titulo ng bahay at lupa.

He said, it was his gift to her. Ito raw ang katuparan ng pangarap niyang lote at bahay. She got mad, of course, ilang araw niyang hindi ito kinausap dahil hindi niya akalain na gagawin nito iyon.

Yumukod ito at inilapat ang tainga sa kanyang baby bump.

"Daddy's gonna be home for dinner, okay? 'Wag pahirapan ang mommy. And please tell mommy to not get mad at me anymore. Everything I own is hers too. She's just stubborn, don't you think?"

"Andrew...hindi ko lang kasi—"

Tinitigan siya nito sa mga mata. "That's your dream."

"Hindi gano'n kalaki ang pangarap kong lote at bahay."

"But it's yours now. Wala ka nang magagawa."

"Okay, then, kapag nagtrabaho na ako babayaran ko sa 'yo 'yon. How much is it?"

Napaisip ito sandali. Tila ineestima ang kabuuang halaga ng bahay at lote.

"Probably around one hundred thirty?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Diyos ko! One hundred thirty million? Paano ko mababaya—"

He kissed her lips and smiled at her. "Like I said, whatever I own is yours too. At ibibigay ko ang lahat sa iyo at sa mga anak natin."

"Inii-spoil mo na agad ang anak natin," aniya dito. Natatawang inayos niya ang kurbata nito. "I love you, ingat kamo si kuya Dante sa pagda-drive."

"He's a safe driver. No need to worry about it."

Nang mag-ring ang kanyang cell phone ay dinampot niya iyon.

"You're finally using that phone," ani Andrew bago siya niyakap mula sa likuran.

"Sshh...si Susie ang tumatawag," aniya sa asawa na ipinahinga ang ulo sa kanyang balikat.

Ni-loud speaker niya ang tawag.

"Hey um...may sasabihin sana ako...." sabi nito sa kabilang linya.

Nangunot ang noo niya sa narinig. "Susie? Are you okay?"

Nagkatinginan silang mag-asawa habang hinihintay si Susie na magsalita sa kabilang linya.

"Hindi na ako umaasa na makahanap pa ng matinong lalaki. Ang gusto ko lang ay makahanap ng sperm donor para magka-baby ako. Do you know anyone? 'Yung guwapo, ha? Gusto ko maganda ang lahi."

Nasapo niya ang noo sa narinig at napailing naman si Andrew.

"Kung may problema ka, nandito naman ako para makinig, Su." Sabi niya sa kaibigan.

Tumawa ito nang malakas sa kabilang linya.

"Seryoso ako! Hindi ako nababaliw, promise! Sa katunayan ay nag-research na nga ako about IVF at IUI. Pati home artificial insemination. Kailangan ko lang ng guwapong sperm donor talaga!"



***ABANGAN***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRY ME, MAX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon