TAHIMIK ang buong paligid na naghihintay si Andrew sa harap ng pari. Katabi niya si Marco na kanyang best friend at best man. Wala pa itong tulog dahil mula sa airport galing sa Amerika ay dumeretso ito sa seremonya ng kasal niya. Nasa isang pribadong opisina sila at doon gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib ni Maxene. Nag-aalala ang mukha ng kanyang lola nang tingnan niya ito, nakaupo ito sa isa sa mga silya roon. The room was decorated with white flowers. Halos matakpan ang mga konkretong pader, ang kisame, maging ang sahig kung saan nag-iwan lamang ng espasyo sa lalakaran ng bride at maging sa kinauupuan ng mga bisita.
"You didn't tell me that—"
"It's not the right time to explain, Marco," agap niya sa sasabihin ng kaibigan nang malaman nito kung sino ang bride niya.
Bagaman naroon pa rin ang pagtataka sa mukha nito ay tinapik siya nito sa braso. "Can't believe that you're really getting married. It's not you, bro. But I'm happy. Akalain mo 'yun? Napilit ka ng lola Ana?"
"Will you shut up?" mahinang angil niya dito.
Tumawa ito sabay tapik ulit sa balikat niya. "My brothers won't believe me if I tell them that you got married today and with Rocio."
Wala siyang isinagot roon dahil parang nalulunod ang dibdib niya sa kaba. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa paligid. Sa gitna ay ang trail ng red rose petals. Doon lalakad si Maxene. Siniguro ng kanyang abuela na maganda at perpekto ang lahat. He was tense, hindi niya malaman kung saan nagmumula ang kaba at tila pananabik sa kanyang sistema. Halos limang minuto na silang naghihintay lahat at nakita niyang napapatingin na sa kanya ang kanyang ina.
"She's coming, don't you worry, hijo," ani lola Ana.
It wouldn't be his problem anymore if she decided to back out on the last minute. Iyon nga lang ay labis na masasaktan ang matanda. Dapat ay sinabi sa kanya ni Maxene kahapon na nagdadalawang-isip ito ulit! Dapat ay tinapat siya nitong...he clenched his fists, mapapabilang ba siya sa mga lalaking hindi sinipot ng bride sa araw ng kasal? Damn it.
Narinig niya ang pagtikhim ng pari. Napatayo ang kanyang abuela at akmang lalapit sa kanya nang marinig niya si Nana Sinang na pumasok sa silid.
"Narito na siya, anak!" sigaw nito at masayang-masaya. "Napakaganda niya!"
He was relieved. Pakiramdam niya ay nakahinga na siya nang maluwang. And when he finally saw his bride, his jaw dropped.
She was wearing a sleek, sensual and effortlessly elegant white dress. It was strapless and had a deep sweetheart neckline and narrow center plunge which offers a hint of sexiness. Her hair was pushed back in a clean low styled bun with fresh little white flowers tucked in them. Tanging pares ng maliit na hikaw ang suot nito, obviously accentuating her beautiful shoulders and arms. She was a dream slowly walking amidst the bed of red roses with her one arm tucked in his father's arm. Hindi niya malaman ang sasabihin nang makalapit ito sa kanya.
*****
KITANG-KITA ni Maxene kung paanong natulala ang kanyang guwapong-guwapong groom na si Andrew. Kung hindi pa ito tinapik sa braso ni Marco La Cuesta ay baka hindi pa rin nito nahamig ang sarili. He was a match with her looks wearing black suit. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok habang naglalakad siya sa napakagandang aisle. The room itself was full of beautiful flowers. Para siyang nasa isang hardin. Para siyang nasa isang magandang panaginip.
Nakita niya kung paanong napaluha si lola Ana katabi ang mayordoma na si Nana Sinang at asawang si Tatay Ikong. Ganoon rin sa kabilang panig ang mga magulang ni Andrew. Sa isang panig naman ay ang kanyang best friend na si Susie katabi si Paul bilang date nito. Maganda at guwapo ang mga ito na talagang pinaghandaan ang okasyon. Maging siya ay hindi makapaniwala kanina nang makita ang repleksiyon sa salamin. Ito ang unang beses na makapagsuot siya ng isang mamahalin at eleganteng damit na ipinasadya pa ni lola Ana sa isang batikang international designer.
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...