MATAPOS ang huli nilang pagkikita ni Andrew ay hindi na ulit ito nagparamdam sa kanya. It had been three days at gusto man niyang tanungin si lola Ana ay hindi niya magawa. Kauuwi lang niya galing sa trabaho nang maabutan siya ng matanda sa labas ng gate. Dahil nahihiya at halos isang araw daw itong naghintay sa kanya ay pinagbigyan niya ang paglalambing nitong mag-dinner sila.
"Really? He stayed for a few hours?"
Nangingislap ang mga mata nito sa tanong na iyon.
Nabanggit niya dito ang pagbabantay sa kanya ni Andrew at ang pagdala nito ng pagkain noong nabinat siya pati na rin ang bagong cell phone na ibinigay nito.
"Malakas po kasi 'yung ulan kaya siguro napilitan siyang mag-stay. Alam n'yo naman 'yung apo n'yo, may topak."
Umiling ito bago pinunasan ang mga labi gamit ang table napkin. Sa isang mamahaling restaurant siya nito dinala. Nakakapangliit ang suot niyang simpleng T-shirt na itim a tinernuhan niya lang ng kupas na jeans.
"His time is very precious, hija. He only spends it wisely at hindi siya mag-s-stay sa tabi mo kung hindi niya gusto. I think my apo is starting to like you. What do you think?"
Nginitian niya ang matanda.
"Imposible po. Imposible talaga. Mas posible pang magkaroon tayo ng presidenteng alien kaysa magustuhan ako no'n. Baka po kasi takot na mapalo n'yo kaya 'yun..."
Nagtawanan sila nito. Napansin niya ang dalawang nakaunipormeng lalaki na kasama ni Dante. Naghihintay ang mga ito sa kabilang mesa, bagaman naghahapunan ay alerto naman ang mga ito sa paligid.
"Lola, para saan po sila?"
Sinulyapan nito ang tinutukoy niya sabay ngiti. "They're my bodyguards, hija."
"Ah..."
"Alam mo naman ang apo ko, he cares for the people he loves." May patutsadang pasaring nito.
"Siya po ang nagdagdag ng security n'yo?"
Ikinumpas nito ang kamay sa ere. "Oh, he's just paranoid. Baka daw bigla akong manghina o baka kailangan akong dalhin sa ospital any moment. I think it's not necessary but he's stubborn. He rarely wins an argument against me but this time, I'm listening."
"May puso naman pala... 'kala ko wala."
She smiled at her. "He has a big heart, hija. At gagawin niya ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya."
Itinuon niya ang atensyon sa pagkain. Gagawin ni Andrew ang lahat para sa taong mahalaga dito?
Marami pa silang napagkuwentuhan ni lola Ana na hindi na niya namalayan ang oras. Nasa sasakyan na sila nang hawakan nito ang kamay niya.
"Hija, can I ask you a favor?" ani lola Ana na nangingislap ulit ang mga mata.
Nginitian niya ito. "Ano po 'yon?"
"Dante can you please take right on the next street?"
"Yes, Ma'am," sagot ni Dante sa amo.
Kinuha ng matanda ang isang cell phone mula sa bag nito at inilagay sa mga kamay niya sabay nginitian siya nito nang kay tamis. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang nasa isip nito.
"Would you mind giving it back to Andrew Nikolas? We will stop by Salba Corp and just ask the receptionist his office location. I gave her a head's up and she should escort you to the private elevator."
"Naiwan niya po ang cell phone niya?"
"Yes, he went to my office earlier and forgot it. Would you mind, hija?"
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...