After one week...
PERSONAL na iniabot ni Maxene and resignation niya sa kanyang hotel supervisor at nang matapos ang kanyang exit interview ay naglakad na siya sa lobby patungong main entrance. Naudlot ang kanyang pagliko nang makasalubong si Andrew.
Isang linggo niya itong hindi kinausap kahit ilang beses siya nitong tinatawagan. She avoided him at ngayon ay wala na siyang ligtas para iwasan ito.
"Hey," anito.
"Naligaw ka..." walang kaemo-emosyong sagot niya.
"I just talked to Marco." Sabi nito na tukoy ang best friend. Si Marco La Cuesta ang kapatid ng may-ari ng hotel na si Ambrose La Cuesta.
"Are you back to work now?" He asked.
Umiling siya. "Nagpasa ako ng resignation kasi tanggap na ako sa store bilang supervisor."
Naglakad siya palabas at sinundan siya nito. As if on cue, the rain pours. Nakakainis. Hinila siya nito palapit sa sasakyan nitong nakapark sa di-kalayuan. Pagkapasok sa passenger's seat ay napahinga siya nang malalim. She always loved the rain pero hindi maganda ang timing nito ngayon!
"You're avoiding me."
"Kinailangan ko lang ng oras para makapag-isip-isip." Mahina niyang wika.
Mas lalong lumakas ang ulan at hindi niya maipaliwanag ang biglang init na dumaloy sa kanyang katawan dahil nasa malapit si Andrew. Ang galit niya na naramdaman nang malaman ang tungkol sa nangyari sa London ay isang patunay lamang kung gaano niya ito kamahal dahil labis siyang nasaktan.
"I'm sorry..."
Napatitig siya dito. Nagso-sorry sa kanya ang isang Andrew Salbatierro?
"Why? Because I love you and you don't feel the same?" she asked.
May inabot ito sa backseat, isang paper bag at inilapag sa kandungan niya. Nagtatakang binuksan niya iyon at gustong matawa nang makita ang isang maliit na kahon, there was a round chocolate cake in it at may nakasulat na 'I'm sorry' in white lettering sa ibabaw niyon.
Mula sa cake ay napatingin siya dito. Nakatitig ito sa kanya na para bang naghihintay ng kanyang tugon.
"Andrew, hindi mo kaila—"
"Let's get married, Max. Please...I found out na nanghihina na ang lola at ilang beses niya akong tinanong kung...kung ginagawa ko ang lahat para..."
"Bigla akong nalungkot sa narinig ko...pero hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon."
Lumatay ang kalungkutan sa mga mata nito bago binuhay ang makina ng sasakyan. Nagdrive ito at itinuon ang pansin sa daan.
"I want you to know that I'm not giving up. I will prove to you that...this is worth a try. Para kay lola Ana."
Para kay lola Ana. That was exactly it, para kay lola Ana ang ginagawa nitong iyon at hindi para sa sarili nito. Itinuon niya ang tingin sa daan at hindi siya nagtanong nang mapansing hindi patungo sa boardinghouse ang tinatahak nilang ruta. Are they going to his house in Antipolo? Ipinikit niya ang mga mata. Pagod na pagod siya at gusto niyang maidlip.
Nagising si Max nang maramdaman ang paghawak sa kanyang kamay. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasaan siya? Nakabukas na ang pinto ng sasakyan, nakakalas na rin ang seatbelt niya at hawak ni Andrew ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...