NAUPO si Maxene sa isa sa mga bakanteng bench sa food court ng mall. Katatapos lang ng interview niya sa isang department store. Sa kabila ng dalawang trabaho at mga sidelines ay nakuha pa niyang mag-apply doon. Hindi niya alam kung patuloy siyang magtatrabaho sa hotel kung saan niya unang nakita ulit ang binata at ngayon naman, ito rin ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan niya. What as small world! Kapag nagkataon na kailangan niyang bitawan ang isa sa mga trabaho niya, kailangan ay may back up siya agad.
Napabuntonghininga siya nang tingnan ang sariling repleksiyon sa monitor ng kanyang cell phone. It was an old Samsung model, may cracks na rin ang screen at two to three times a day niya kung i-charge dahil palaging nagloloko ang battery.
"Your phone badly needs an upgrade."
Napatingin siya sa matandang nakaupo sa tabi niya. Nginitian siya nito at ganoon rin siya dito. Nahihiyang ibinalik niya ang cell phone sa kanyang bag.
"Pag-iipunan ko pa ho, lola," aniya. "Mahirap po ang buhay, tsaka alam ko po ang difference ng want at need."
Mas lalong ngumiti sa kanya ang matanda. She looked like a loving grandmother. Nakakulay pink na loose dress ito na hanggang tuhod, malinis na nakapusod ang buhok at may kaunting make up ang mukha. Sopistikada ang bawat galaw at kahit pagngiti ito.
"Baka bumigay na 'yan bago ka pa makaipon. And you need it for work so...it's not just a want, hija."
Napangiti siya dito sabay sulyap sa kanyang bag. "Tama po kayo. Kaso ang hirap po ng buhay. Alam n'yo ba? May job interview ako kanina. Kaya lang..." bakas sa kanyang tinig ang kalungkutan. "Sa tingin ko, hindi naman nila ako tatawagan. Naramdaman ko noong last part na ng interview. Masipag po ako, lola. Iyon nga lang...sablay ako sa mga job interviews. Kung sana may chance na ma-prove ko sa kanila kung gaano ako kasipag siguro i-o-over look na lang nila 'yung job interview ko."
She smiled bitterly.
"How are you so sure? You seemed like a really nice girl."
"Thank you po."
"First job mo ba ito?"
"Naku, hindi po. Actually, may dalawang trabaho na po ako. Sa isang restaurant tsaka sa hotel. Sa restaurant po, helper ako, minsan serbidora minsan naman tumutulong sa kitchen pero most of the time, tagahugas ng plato. Sa hotel naman po, room service personnel naman ako pero weekends lang. Tagalinis ng mga rooms para sa mga guests. Tapos po, may mga extra raket din ako."
The old woman looked amused. "You are so hard working."
Nahihiyang ngumiti siya dito. "Kailangan ko po, eh. Kailangan para sa pangarap."
"What's your dream?"
Natahimik siya nang marinig ang tanong na iyon. Ano nga ba ang pangarap niya? Gusto ba niyang maging doktor? Maging engineer? Maging manager? Ano nga ba ang pangarap niya? If she was to look into the core of her heart, she only dreamed of one thing.
"Kung iba po ang magtatanong, sasabihin kong maging isang hotel manager. Sa totoo lang po, pangarap ko pong makahanap ng mabuting asawa. Makabili po ng lote para maipatayo ko po 'yung dream house ko na maliit lang naman, tapos may space para sa mga gulay, mahilig kasi akong magtanim, lola. But of course, mukhang hindi 'yon matutupad. Wala pang nagkakamali sa 'kin na manligaw. Wala nga akong oras sa sarili ko, magkaboyfriend pa kaya."
She smiled sweetly at her. "That is such a beautiful dream. At ngayon lang ako nakarinig ng ganyang pangarap mula sa isang babae na kasing edad mo. Everybody else would want a high position in their fields, some people dream of becoming famous or getting lots of money or travel abroad. You're different."
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...