HINDI inaasahan ni Maxene na uulan kaya naman imbes na pagalitan ang sarili dahil nakalimutan niyang magdala ng payong ay huminto siya sa isang waiting shed. Pinagmasdan niya ang malakas na pagbagsak ng ulan. It had been a tough day for her, dalawang trabaho ang natapos niya at pagod na pagod siya. She moved to the side when a man also went inside the shed. Naka-business attire ito and it reminded her of someone she knew.
"I like the rain but it's annoying when the water gets inside your shoes," he said.
Hindi siya nagkomento sa narinig at hinayaan lang ang sariling pagmasdan ang pagbagsak ng ulan. It was almost eight p.m, and she was starving. Kung makakapara siya ng jeep o taxi ay makakauwi na siya agad.
Napasulyap siya sa estranghero at doon lang niya ito nakilala. "Jeric?"
"Yes! That's my name. I'm glad that you remembered me. Kumusta ka, Max?"
"I'm good. Ikaw?"
"I'm great. May coffeeshop sa malapit, do you mind if I treat you with some coffee? It's late but you can have a decaffeinated one."
Tinanaw niya ang coffeeshop na tinutukoy nito at ilang hakbang nga lang iyon mula sa waiting shed. Tinanguan niya lamang ang lalaki at dere-deretso na sila papunta doon.
*****
ANDREW was looking outside the glass door. Hindi pa ba titila ang ulan? Natapos na niya sa laptop ang ginagawang trabaho ay hindi pa rin iyon tumitila. Sumimsim siya sa kape, he was thinking of Max and how he would be able to talk to her again after she confessed her feelings toward him.
Narinig niya ang chime indikasyon na may bagong pasok sa coffeeshop. Naramdaman rin niya ang pag-upo ng dalawa sa bakanteng booth sa likuran niya.
"So, galing ka sa trabaho Max?"
That was Jeric. Hindi siya maaaring magkamali sa pagkakakilanlan sa boses nito. At sinong Max ang tinutukoy nito?
"Oo, sa restaurant at saka sa part time kong trabaho." Sagot ng babae. "Pauwi na 'ko no'ng nakita mo ko sa waiting shed."
It was wrong to listen to this conversation, he thought, but what can he do? He felt kind of trapped. Ngali-ngaling lingunin niya ang mga ito but he controlled himself. Magkatalikuran sila ni Max? Base sa tono nito...ito ang nasa likuran niya kaya marahil ay hindi siya napansin nito.
"So, kumusta ka? Bakit pala napadpad ka sa waiting shed?" tanong ni Maxene dito.
"Let's say I was at the right place at the right time." Jeric said.
Napangiwi siya sa narinig. What a jerk! Gusto na niyang humarap sa mga ito, hawakan ang kamay ng dalaga at ilabas sa coffeeshop na iyon. But he still controlled himself.
"Thank you, sa coffee and sandwich, sa totoo lang hindi pa ako nag-lunch."
Sinulyapan niya ang relong pambisig. Hindi pa ito nag-lunch gayong almost eight p.m na? She really needed to start taking care of herself! He made a mental note to make sure that she gets to eat on time.
"That's not right. I'll get you some soup as well, para mainitan ang sikmura mo," sabi ng lalaki.
"No, 'wag na. Okay na ako dito. Thank you so much, Jeric. Parang iba ka naman sa lalaking nakilala ko sa bar. You were rude and aggressive back then."
Narinig niya ang pagtawa ng lalaki. "I'm so sorry about that, Max. Nakainom lang talaga ako noon. I was in a bad shape. It was terrible. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...