"SO, I'll pick you up tomorrow?" Andrew said.
May balak ba itong puntahan nila? Gusto ba nitong magstay-over siya sa mansiyon ni lola Ana? Marahil ay bakas sa mukha niya ang mga nasa isip.
Nginitian niya ito. "Bakit mo 'ko susunduin bukas?"
"Dinner?" he asked.
"Oh, dinner. Saan?"
Isinuksok nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Aware kaya ito na mas lalo itong gumugwapo kapag ginagawa iyon? He had that appeal that cannot be resisted by anyone.
"I'll take you somewhere nice."
"Magde-dress ako?"
"Whatever makes you feel comfortable."
Tumango siya sabay humakbang ulit palayo dito, malapit na siya sa gate nang lingunin ito ulit. Hindi siya makapaniwala na tatlong tulog na lang at mapapangasawa na niya ito. Marahil ay gusto siya nitong mas makilala pa bago ang araw na iyon kaya niyaya siya mag-dinner? Ganoon ba iyon? She liked the idea, too.
"Hmmn...since ilang araw na lang ang kasal natin, makakarating ba ang mga La Cuesta?" tanong niya kapagkuwan.
Umiling ito bago isinandal ang katawan sa sasakyan. "I'm afraid not. They all flew to the States and will be back in two weeks. They'll understand."
Bagaman nakaramdam ng panghihinayang na hindi siya makikita ng mga kaibigan na ikakasal, she was somehow thankful. Hindi niya kailangang mailang dahil alam niya ang totoong rason ng pagpapakasal nila ni Andrew. It would be for the benefit of all, she thought.
"Okay. Hindi ba magtatampo ang mga iyon?" alanganing tanong niya.
Umiling ito. "They'll understand, that's for sure."
"Okay, sabi mo, eh."
"I'll see you tomorrow, Max." sabi nito sabay alis sa pagkakasandal sa sasakyan at pumasok na roon.
Nang makapasok sa loob ng kanyang silid ay saka lang siya nakahinga nang maluwag.
"Max!"
Muntik na siyang mapasigaw sa gulat sa narinig. Si Susie ay nakaupo sa may bintana. Itim na itim ang suot at parang nagluluksa. Itim rin ang lipstick nito. May hawak na kandila na nakasindi pa.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Papatayin mo ba 'ko sa gulat?"
Ngumisi ito. "Luka-luka!"
"Bakit ganyan ang suot mo?"
"Ipinagluluksa ko ang kamatayan ng pag-asa kong makakilala ng isang katulad ni Andrew Salbatierro."
Nailing siya. "Gaga."
Bumaba ito sa bintana. "Magkuwento ka, bruha, dali! Saan ka galing? Ang sabi lang ni Andrew safe ka at 'wag akong mag-alala. Nakita ko sa labas si guwapo. Shet, he looked really yummy. Kuwento na dali! Ano 'yon? Bakit ka hinatid no'n? Ano, okay na kayo ulit? Tuloy na ulit ang kasal?"
"Yes. Tuloy na."
Nagtitili ang kaibigan niya at niyakap pa siya nang mahigpit.
"Dahil mahal ka na niya?"
Umiling siya. "No. Dahil ako ang katuparan ng dying wish ni lola Ana. Balita ko'y nanghihina na siya but according to Andrew, sige pa rin ang trabaho ng lola. Sobrang nag-aalala ako. At sobrang natatakot ako na...kapag hindi ko ginawa 'to, pagsisisihan kong hindi ko natupad ang hiling niya."
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...