PAGBABA pa lang ngsasakyan ay sinalubong na sila ng kanyang abuela na kanina pa excited sa hapunang ipinahanda nito. Sa tabi nito ay ang kanyang mga magulang at sa di-kalayuan ay ang mga kasambahay na naghihintay lamang ng utos. Bumaba ng sasakyan ang dalaga at sinalubong ito ng yakap ng matanda. She was also properly introduced to his parents.
"It's finally nice to meet you, hija. Feel at home, okay?" masuyong bati ng mama Sylvia niya dito.
"Nakakahiya naman po," sabi lang nito.
Umabrisete sa kanya ang ina nang mauna na sa loob si Lola Ana kasama ang babae.
"Hijo, why don't you shop her new clothes?"
"She dresses like that."
"It's just different from the girls you got involved with before."
"Well, what can I say?"
"Let's get inside."
The woman did not even bother to look at him from the moment she saw him earlier until right now. Hindi niya inaasahan ang mainit nilang pagtatalo kanina. They exchanged hurtful words at ang nakapagtataka ay kung bakit naramdaman niya ang epekto ng mga salitang iyon.
Nakaupo na sila na magkatabi sa hapag nang mag-umpisang magkuwento ang kanyang abuela tungkol sa kung ano-ano.
"Talaga po? Hindi po ba kayo nahirapan sa States lalo at nakaka-miss ang Filipino foods?" interesadong tanong ng dalaga nang malamang lumaki sa Amerika ang kanyang abuela.
Tahimik lamang siyang nakikinig habang kumakain. Samantalang buong atensiyon ring nakikinig ang mga magulang niya sa mga kuwento.
"There were a lot of Asian stores in our area, hija. But you know? Iba pa rin ang fresh talaga. Kaya nga noong umuwi ako one time, I made sure to eat the freshest vegetables here. Sobrang na-miss ko."
"Naku, lalo na po kapag bagong pitas ang gulay, manamis-namis pa! Bagoong lang ang ka-partner okay na. Iba nga po talaga ang fresh."
Hindi niya akalain na ganoon kakomportable makipag-usap ito sa kanyang abuela. No wonder why his grandmother instantly liked her, she was full of things to talk about. Wala itong topic na hindi pinapalagpas ng matanda maging ng kanyang mga magulang. They were into the conversation, napadpad na ang topic sa mga uri ng laro na naranasan ng mga magulang niya noong kabataan ng mga ito.
"I know! Alam mo bang lagi akong champion noon sa patintero?" natutuwang sabi ng kanyang ama.
"Me too! At kapag umulan na, hindi pa kami uuwi niyan. We would stay outside and play with frogs. Tapos, naranasan ko ring manguha ng mga talbos ng kangkong. Noong umapaw ang ilog, naku! Nagsi-apaw ang mga fish ponds namin at ang dami mong makikita na bangus na nagkalat." Wika ng mama niya tila nagbabalik-tanaw.
Napapitik sa hangin ang dalaga. "May kangkong na po kayo at bangus, sigurado nag-sinigang kayo noong araw na 'yon, 'no?"
Nagtawanan ang lahat pati na rin ang mga kasambahay. It was his first time to see this side of her, bubbly, full of joy and extremely funny. He reached for the plate of rice.
"You want some more rice?" he asked her, out of courtesy.
She smiled at him. "No, baby, thank you," anito sabay baling sa kanyang abuela at ipinagpatuloy ang kuwento.
Baby?
Nakita niya ang nanunuksong ngiti sa kanya ng kanyang mga magulang sabay buong atensiyon uling nakipagtagisan ng kuwento sa dalaga at sa matanda. Their dinner lasted for three hours. Ang tipikal na thirty minutes na hapunan ay umabot nang ganoon katagal? But he did not even feel it. The night was full of laughter, endless stories, and smiles. Naroon lang siya at nakikinig at panaka-nakang tumatango. Hindi nakakapagtakang nagustuhan ito agad ng kanyang mga magulang at giliw na giliw ang mga ito sa dalaga.
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomantizmLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...