NAGISING si Maxene na wala na si Andrew sa tabi niya. Nang bumaba siya sa kusina at maabutan ang mag-asawang nag-aalmusal ay nalaman niyang lumuwas ng Maynila ang asawa. Hindi pa man ito nakaka-isang linggo doon ay lumuwas na agad ito? But why?
"Nakausap 'yung abogado sa telepono tapos nagmadali nang lumuwas. Ayos lang ba kayo, anak? Parang nag-aalala ang mukha niya nang makita ko."
Hindi siya nagkomento sa narinig na iyon mula kay Nana Sinang at bumalik siya sa silid. Paroon at parito siya. Pinuntahan ba nito si Atty. Quiambao? Pero bakit? Isa lang ang dahilan...itutuloy nito ang pakikipaghiwalay sa kanya.
Naupo siya sa gilid ng kama. Napansin niya ang kaunting mantsa ng dugo roon at napabuntonghininga. Walang halaga dito matapos malaman na ito ang unang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Hindi pa rin niya mababago ang isip nito. Wala ritong halaga ang lahat ng namagitan sa kanila! She thought he felt something special for her lalo na nang ilang beses silang magtalik nito. Even this morning was too special. He made love to her gently and passionately.
Bakit nga ba gusto niyang baguhin ang isip nito? She felt pathetic. Natampal niya ang noo at nagpalakad-lakad. Ano ang gagawin niya?
Nag-ring ang kanyang cell phone na nasa bedside table at agad na sinagot iyon.
"Best?"
"Yes, Susie?"
"Nasa Tagaytay ka, ano?"
"Oo. Bakit?" sagot niya.
"Nagtataka lang ako. Nasa restaurant ngayon ang asawa mo at may kausap na matandang lalaki."
Tumango-tango siya. Si Atty. Quiambao marahil ang nakita ng kaibigan niyang kausap ng asawa.
"Ah...si attorney."
"Naalala mo 'yung babae na nakita ko sa condominium building noon?"
Kinabahan siya sa narinig. "Oo, si Elaine Suarez iyon sabi ni lola Ana noon. Bakit?"
Binundol ng kaba ang dibdib niya nang hindi nakasagot agad ang kaibigan.
"Kasama rin siya ni Andrew ngayon. Kausap nila 'yung matandang kalbo. May mga papeles ring tinitingnan. Ano ba 'yon? Bakit hindi ka kasama?"
Halos mabitawan niya ang hawak na cell phone sa narinig. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit ngunit kinalma niya ang sarili.
"Okay. Mag-usap na lang tayo ulit, mamaya."
Nagpaalam na siya sa kaibigan at nagpalakad-lakad. Hindi siya iiyak. Hindi siya magpapakapraning sa narinig. Imposibleng may ibig sabihin iyon, hindi ba? Ngunit kahit anong dahilan ang isipin niya kung bakit magkakasama ang mga ito ay iisa lang ang nabubuo niyang konklusyon—they will be annulled soon. At marahil ay isinama ni Andrew ang babae bilang patunay sa intensiyon nitong tapusin na ang pagsasama nila.
She looked around. Mapakla ang ngiti sa kanyang mga labi. Ginamit lang siya nito. Nang makuha na nito ang kailangan sa kanya ay parang basura na siya sa paningin nito. Her hands clenched in anger.
"I want her to be happy on her last days with us. Kung ang magpakasal nang labag sa loob ko ang magpapasaya sa kanya...I'll do it in a heartbeat."
Napailing siya sa naalalang iyon. Oo nga pala, umpisa pa lang ay labag na sa loob nito ang lahat. She was a fool to believe that there was something between them. Napakatanga niya!
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...