Chapter Twenty Seven

676 31 1
                                    


RAMDAM ni Maxene ang pagtaas halos ng lahat ng balahibo niya sa katawan sa takot. Then she heard two gunshots, napasigaw siya at nagtatakbo. Was it just an awful experience that lingered in her thoughts? Hindi na niya alam. Bakit naroon ang babaeng iyon? Was it her husband's way to let her know that it was Elaine that he chose?

"Maxene!" habol sa kanya ng asawa hanggang sa maabutan siya nito sa kanilang silid.

Taas-baba ang dibdib niya sa labis na takot. Agad na kinabig siya nito para sa isang mahigpit na yakap ngunit pilit niya itong itinutulak palayo. She had enough.

"Cut the crap, Andrew! Sabihin mo nang deretsa sa akin na balak mo akong hiwalayan, that you chose that woman! Why do you care so much about me kung inaasikaso mo nang mapawalang-bisa ang kasal natin? Are you still punishing me? How dare you hurt me like this?"

Pilit siyang kumakawala rito ngunit napakahigpit ng yakap nito sa kanya. One more move and she felt like passing out with so much fear and anger raging through her. Andrew cupped her face and made her look into his eyes.

"Hey, hey, hey...calm down. First of all, I'm glad to hear you talking, baby, sshh..." niyakap siya nitong muli saka siya masuyong hinahagod sa likod. "Calm down, please..."

Para siyang biglang nakalma sa ginagawa nito at nanatili sa loob ng mga bisig nito.

"Natatakot ako..." mahina niyang usal.

Iniupo siya nito sa gilid ng kama at tumabi ito sa kanya.

"Tell me about it, Max, narito ako para makinig. What are you scared about?"

She pressed her lips together as she was trying to control her tears. Bahagya nang bumagal ang kanyang paghinga. Andrew faced her, nasa mga mata nito ang tila pagsasabi na wala siyang dapat na ikabahala.

"Everything," she whispered.

"Why?"

Muli niyang kinontrol ang sarili na mapaluha.

"It's okay to cry. It's okay to be afraid and get scared. It's okay, baby...just let me know what's troubling you." Masuyong sabi nito.

"M-marami siyang sinabi sa akin noong araw na iyon...and it...it scares me..."

Napatitig siya sa mga mata ng asawa at nang kabigin siya nito para sa isang yakap ay hinayaan niya ang sariling damhin ang init na dulot niyon. She had been suppressing her emotions for the past few days and she couldn't take it anymore. Para siyang sasabog sa samu't saring emosyong nararamdaman.

Bahagya itong lumayo at iniangat ang kanyang mukha.

"I won't force you to tell me everything right now, okay?"

"B-bakit mo ginagawa 'to? You are leaving me anyway." May halong pagdaramdam ang kanyang tinig.

"What made you say that?"

"This is a five-year deal. At hindi lang iyon...you were filing for annulment...dahil sinabi mong kailangan mong linisin ang kalat na 'to as soon as possible. So I am that mess that you need to clean up." napakahirap para sa kanyang bigkasin ang mga salitang iyon.

Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya maintindihan. Hindi ba nito inaasahan na alam niya ang tungkol sa balak nitong pakikipaghiwalay sa kanya?

"Where did you get this nonsense?"

She looked straight into his eyes. "I shouldn't have fought for my life. Dapat ay...I should have died. Tama si Elaine. Wala naman akong babalikan dito...dapat ay namatay na lang ako..."

MARRY ME, MAX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon