ITINAPAT ni Maxene ang kanyang sarili sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. She felt relaxed. Hindi niya akalain na napapayag siya ng lalaking iyon na sumama dito sa isang hotel. And he was becoming nice to her, too. Sa ganitong paraan ba nito napapaamo ang isang babae? Nagsabon siya at nag-shampoo ng buhok. She spent almost thirty minutes inside the bathroom. Nang mapansin ang isa pang toothbrush na hindi pa nagagamit sa tabi ng sink ay ginamit niya iyon.
Now she felt sleepy. Ganoon ba kapagod ang katawan niya at kaunting pampering lang ay parang gusto nang mahiga sa kama at matulog? She remembered her bed and how it gave her back pain for many years. Dapat na siguro niyang palitan iyon. She made a mental note to save money for a new mattress.
Lumabas siya ng banyo at naaktuhan ang lalaking nagsasalin ng wine sa dalawang mahahabang baso. He handed her a glass, and she instantly took a sip of it. Nalasahan pa niya ang toothpaste sa bibig.
"When was the last time you relaxed like this?" he asked her.
Naupo ito sa silyang naroon at siya naman ay sumampa sa kama. Ipinahinga niya ang likod sa headboard. She closed her eyes. Ilang kama na ang naayos niya sa hotel na pinagtatrabahuan at ngayon lang niya naranasan kung ano ang pakiramdam nang mahiga roon. The bed was so soft, she felt as if she was beginning to fall asleep. Nagmulat siya ng mga mata at muling sumimsim sa wine.
"Ngayon lang. Hindi ako sanay sa ganito. Nakakahiya." Mahina niyang tugon na nakatitig sa likido sa kanyang baso. "Hindi bagay sa 'kin... kahit na may suot akong malambot at puting roba, hindi pa rin bagay..." mula sa hawak na baso na may wine ay napatingin siya dito.
"You'll get used to it."
Umiling siya. "Hindi naman dapat na masanay ako. I backed out already. At saka tama ka, hindi ako kabilang sa mundong ginagalawan mo. Mahihirapan ka lang sa 'kin. I wouldn't be the wife you deserve. Marami namang iba d'yan, Andrew, someone that is worth it."
She could feel the warmth of her own body, narealize niyang wala siyang suot sa ilalim ng malaking roba at tila tuksong bumalik sa alaala niya ang mainit na tagpong namagitan sa kanila nito. Kung natuloy kaya ang--ano kaya ang pakiramdam no'n? She wondered.
"It's you that she wanted for me."
Ikaw? Ako rin ba ang gusto mo para sa 'yo? Sa loob-loob niya. Hinayaan niya ang sariling damhin ang lahat-lahat. The wine was helping her relax and she smiled at the thought that ran in her mind.
"Hindi ko alam na...gano'n pala ang pakiramdam..."
Tinitigan siya nito. His stare could give her body a different kind of warmth.
"What do you mean?" he asked.
Tinitigan niya ang likido sa kanyang wineglass.
"Kagabi, pakiramdam ko ang ganda ko...na babaeng-babae ako. Pakiramdam ko...wala nang mas importante pa sa mundo. I understood my need. Hindi ko alam na...kaya kong makaramdam ng gano'n. But then, I had to stop it. I think I need to apologize. I'm sorry, Andrew... dahil...ngayon ko lang naisip na kung mahirap sa 'kin ang lahat ng ito, mas mahirap ang kalagayan mo. You are force to marry someone you disfavor. You must be feeling trapped and helpless. Kung may magagawa lang ako para baguhin talaga ang isip ng lola, gagawin ko. I want to set you free..."
*****
ANDREW concentrated his eyes on the woman in the middle of the cozy bed. She could speak her mind freely. She was becoming more at ease with him. Hindi niya akalain na sa hinagap ay makakapag-usap sila nang malumanay. They were always fighting, barking at each other, and now...he could only feel that she was letting him see the real her.
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomanceLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...