ABALA sa paglilinis ng room eighty-seven sa hotel si Maxene nang hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nakita kahapon. Baka naman nagkakamali siya? Baka hindi naman ito si Andrew? But his side features were convincing her that it was really him.
Ekspertong nagpalit siya ng mga kubrekama, tatlong araw na niya itong hindi nakikita. Balita niya kay lola Ana ay abala ito sa trabaho dahil may malaking proyekto daw ang kompanya nito. Huwag daw siyang mag-alala at nag-hire na raw ito ng wedding planner para sa kasal.
She sighed. Tuloy pa rin pala ang kasal? Siya lang ba ang soon-to-be bride na hindi hands on sa mga preparasyon sa kasal? A-attend lang siya, gano'n? Habang nakatalikod ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Amy, may five minutes pa ako. Natapos ko nang linisin 'yung bathroom. Paki-push na lang 'yung cart sa kabilang kwar—"
"You really are this busy, huh? Hindi ba sinabi ng doktor sa 'yo to take it easy? Bakit napakatigas ng ulo mo? Inuubos mo talaga ang pasensiya ko?"
Nabitawan niya ang hawak na unan nang mabungaran si Andrew. Nakapamulsa ang isang kamay nito. Ang mga manggas ng polo ay nakatiklop hanggang sa mga siko. Ngayon ay hindi na siya namamalikmata.
"Naligaw ka yata?" dinampot niya ang unan.
"The doctor said you should rest for two weeks. Nabinat ka nga 'di ba? So, how was your three hours of sleep?"
Napanganga siya. Paano naman nito nalaman na three hours lang ang tulog niya?
"Sinusundan mo ba 'ko?"
"Don't flatter yourself, woman."
"Sayang 'yung absences ko." Napapailing na wika niya at hindi pinansin ang pang-iinsulto nito. "Pera din 'yon. Hirap kayang kumita ng pera ngayon, ay, hindi ka pala maka-relate. Different ka pala."
Balewalang ipinagpatuloy niya ang trabaho. Pakialam naman niya kung naroon ito. Wala sa schedule niya ang makipagkuwentuhan kahit na kanino.
"Ayoko lang magkaroon ng bad publicity ang pangalan ko. As you can see, my grandmother already announced our engagement."
Ibinaba nito sa kama nang walang anu-ano ang isang magazine. New issue iyon ng Business PH kung saan nasa headline ang announcement ni lola Ana tungkol sa nalalapit na kasal ng apo nito. Agad na dinampot niya iyon at mabilis na nagtungo sa pahina ng announcement article. She quickly scrolled throughout the three pages article and when she saw her name, her eyes widened.
"Narito ang pangalan ko! Why? Buti walang pictures! Oh, my God!"
"Why? Are you seriously asking why?! Are you that stupid?"
Nagtaas siya ng tingin sa lalaki. "Oh no..." tampal niya ang noo.
Ngayon lang nagsi-sink-in sa kanya kung sino ang mapapangasawa niya at kung anong klaseng pamilya mayroon ito.
"Ibig bang sabihin nito..." her voice trailed off as she sat down on the edge of the bed. "Wala nang atrasan... talaga bang ikaw ang mapapangasawa ko? Nakaka-stress naman."
Puno ng iritasyon ang mukha nito. "Unfortunately. They will soon be eager to know who you are. At ayokong makaladkad ang pangalan ng pamilya dahil lang hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap ang kapalaran mo. Can you please act decently?"
"What about you? Ikaw itong hindi nag-iingat at sa opisina mo pa ginagawa ang mga himala mo. Pati sa event kahapon hindi mo pinatawad. Dami mong chicks, ano?"
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
RomansaLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...