TATLONG araw na sa Tagaytay si Andrew at ito ang nag-alaga sa kanya hanggang sa bumuti ang kanyang pakiramdam. Gayunpaman, mukhang galit pa rin ito. Lumabas siya ng silid para puntahan ito sa kabilang silid nang matigil sa may pinto. Bahagyang nakaawang iyon at kakatok sana nang mapag-alaman na may kausap ito.
"You mean, I can file for annulment in six months? Ang akala ko ba ay aabutin ng dalawang taon? This is news to me."
Para siyang nanigas sa narinig. Kausap ba nito sa telepono si Atty. Quiambao? Nahanapan ba ng butas ng abogado ang mga kondisyones ng yumaong si lola Ana? Tama ba ang pagkakarinig niya na maaari na itong mag-file ng annulment in six months? Ang akala niya...ang akala niya ay tatapusin nila ang limang taon na magkasama. O kaya ay two years man lang. Iyon pala ay hindi na ito makapaghintay na hiwalayan siya.
"Yes, of course. I'll arrange a meeting with you. Isa pa, may kailangan rin akong i-settle with her. Is it possible na mapabilis ang proseso? I am thinking to finalize it as soon as possible bago ako pumunta sa Melbourne. This is great news, Atty. I'll see you soon."
Parang may isang malaking kamay na dumakot sa kanyang puso at dinurog iyon nang pinong-pino. Wasak na wasak siya at hindi niya malaman ang gagawin. Mabilis na naglakad siya palayo. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin nito sa abogado na lalo lang magpapabigat sa kanyang nararamdaman. Dumeretso siya sa bodega kung saan alam niyang walang makakakita sa kanyang umiiyak. Sa tabi ng mga basket ng aning kape ay hinayaan niya ang mga luha sa malayang pagtulo.
She felt so stupid. So broken. Niyakap niya ang mga hita at umiyak nang umiyak. Sa pangalawang pagkakataon ay mawawala na naman ang pamilya niyang itinuturing. Talaga bang wala siyang paglalagyan sa mundo? Talaga bang...nakatadhana siyang mag-isa?
"Hindi ba ako kamahal-mahal?" aniya habang lumuluha. Wala na siyang maramdaman kundi puro sakit. Wala na siyang ibang maramdaman...
****
LUMABAS lamang sa bodega si Maxene nang masiguro niyang nasa labas na ng malaking gate ang sasakyan ni Jeric. Mabilis siyang sumakay sa passenger's seat nang makalapit dito. Ilang beses niyang tinawagan si Susie ngunit hindi niya ito makontak.
"Hey," anito nang makita siya.
Hindi pa man siya nakakabati dito ay humagulgol na siya ng iyak sa loob ng mga palad niya. Ang sama-sama ng loob niya. Ang akala niya dahil inaalagaan siya ng asawa ay may pag-asa na siya. Iyon pala...balak na talaga nitong tapusin na ang lahat sa kanila. She never wanted an annulment, ayaw niyang mawalay rito. She had never loved anyone more than her own life. Pero bakit gano'n? Bakit hindi pa rin sapat?
"You wanna talk about it?" Jeric asked her, his voice was consoling.
Umiling siya at naramdaman ang pag-alo nito sa kanya. Walang malisya ang paghagod ng kamay nito sa kanyang likuran, ramdam niyang isa itong mabuting kaibigan.
"Where would you want to go?"
"Kahit saan. Basta malayo. Gusto ko lang na...lumayo kahit sandali." Sagot niya sa pagitan ng mga paghikbi. "Please."
"Coffee?"
"Okay," sagot niya nang mahimasmasan.
Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating sila sa coffeeshop kung saan sila nito nagkausap noon. It felt nice to have a friend like him. Nakikinig lamang ito sa lahat ng mga sintemyento niya. She did not feel judged. Malaya niyang naibuhos ang lahat ng sama ng loob niya.
BINABASA MO ANG
MARRY ME, MAX (Completed)
Roman d'amourLabag man sa loob ni Andrew na bigyang katuparan ang dying wish ng kanyang pinakamamahal na lola ay wala na siyang magagawa. He wanted her to be happy on her remaining days at kung ang kahulugan niyon ay yayaing magpakasal ang isang babaeng hindi ma...