Chapter Twenty Eight

824 31 3
                                    

After two weeks...

NAHULI na ang taong bumaril kay Maxene at iyon ang ibinalita sa kanya ng tauhan na siyang kanyang point of contact simula nang mangyari ang insidente. Nalaman niya na si Elaine ang sumugod sa asawa niya noong araw na iyon. He watched the CCTV footage. Nakita rin niyang ihinarang ni Maxene ang katawan nito para hindi masaktan si Nana Sinang at ito ang nagtamo ng dalawang tama ng baril. The nerve of Elaine to show her face in his house after what happened!

He had talked to Elaine, labis-labis ang paghingi nito ng tawad but for him, it would take a while to give her that forgiveness. Muntik nang mawala ang asawa niya sa kanya. Nagpalit na rin siya ng abogado. Naiintindihan ni Atty. Quiambao ang desisyon niya dahil pamangkin nito si Elaine. Any transaction with the old man would be quite difficult after all.

Natanaw niya sa may dalampasigan ang asawa, yakap nito ang sarili at walang kamalay-malay sa kanyang paglapit dito. Hinayaan niya itong bisitahin si Jeric at dahil gusto rin niyang makakita ito ng bagong paligid ay hinayaan niya itong magtungo sa Isla Pueblo. Isang beach resort iyon na pagmamay-ari ng pinsan niya.

"I'm starting to believe that you like it better here."

Lumingon ito. She was breathtaking in her white dress. Sinasayaw ng hangin ang ilang hibla ng buhok nito.

"Yes, I like it here. Pero mas masaya ako kung nasaan ka."

He smiled at what he heard. Nilapitan ito at akmang yayakapin nang umiwas ito.

"Explain."

Napaatras siya dahil sa lamig ng tono nito. "Huh?"

"Marami kang dapat na i-explain sa 'kin. Sa dalawang araw na narito ako, maraming tanong sa isip ko. Bakit sa restaurant ka no'n at kasama mo si Elaine at Atty. Quiambao?"

Nakatikwas ang isang kilay nito at kung hindi siya sasagot alam niyang hindi siya hahayaan nitong makalapit dito.

"I was planning to end my co-ownership with Elaine sa isang business venture. She was there because she needed to sign some papers."

He was dying to hold her kung alam lang nito!

"Totoo bang nagpaimbestiga sa 'kin si Elaine at nalaman niya kung sino ang mga magulang ko? That they're scam artists, human traffickers, drug users at saka sugarol?"

Umiling siya. "No, she was lying. Nauna ko nang ipinaimbestiga kung sino ang mga magulang mo, although you told me that you didn't want to know anymore. Unfortunately, they died ten years ago. Sa isang road accident sa Benguet."

Nakita niya ang pamumuo ng mga luha nito.

"I'm so sorry about that..." he said as he walked toward her. Umatras ito.

"Hindi pa tapos, Andrew Salbatierro." Nasa tinig nito ang babala.

"Baby? Akala ko, okay na tayo?"

"Nagrereklamo ka?" mataray na tanong nito.

Todo iling siya. "Of course not. Ask me anything."

"'Yung narinig ko sa ospital...ano 'yon?"

Nangunot ang noo niya. "What?"

"Kausap mo ang mama mo," paalala nito.

"Oh that? You're mistaken, Max, para iyon sa pagbalik ko ng lahat ng shares ng pamilya ni Elaine sa Salba Corp. I've studied their company's stance; in few years they will hit rock bottom. I didn't like the way their company is leading to at bago pa madamay ang Salba Corp, I had to cut ties."

"Iyon lang?"

Mabilis na lumapit siya dito. "Because I intend to keep my promise to lola Ana when she was...you know..."

MARRY ME, MAX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon