Chapter Ten

568 29 6
                                    

ALAM ni Maxene na lasing na siya dahil wala nang preno ang bibig niya. She knew exactly what she was saying but she couldn't filter her words. Ganoon ba kapag nakainom? She had all the courage in the world to be brutally honest? Para bang may sariling isip ang kanyang bibig at dere-deretso sa pagsasalita. Kinuha niya ulit ang baso at muling nagsalin ng wine doon but when she was about to drink, Andrew snatched the glass away from her.

She groaned in protest.

"That's enough." He was dead serious. "Lasinggera ka ba?"

She pressed her lips in disappointment. "Last drink na lang. Hindi na kita makikita bukas. Last na 'to. 'Akin na! Don't be so mean, please..."

"What's that supposed to mean?"

"I'm backing out. Ayoko na. Exit na ako. Gets?"

"You can't back out anymore. I told you, there's no way out of it. Magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo."

Inagaw niya ang wineglass rito at nang makuha iyon ay agad na tinungga niya ang laman. Nangalahati iyon bago nito muling naagaw iyon sa kanya. His eyes could shoot fireballs. Galit ang mga mata nito at seryoso ang anyo. Bakit parang mas interesado ito ngayon na magpakasal na sila. Oh well, si lola Ana nga pala ang dahilan, he loved her too much kahit sarili nitong kaligayahan kaya nitong itaya.

"You're stubborn." His voice was so cold. "Hindi ka talaga marunong makinig."

"Stubborn. That's how you see me, huh? Just one speck of a stubborn dust in your world. Ano ba? Okay lang ako...hindi ako lasing."

"Fool yourself."

She laughed as she remembered something. "That girl...in your office...gano'n ba ang mga tipo mo, Drew? Mukhang anghel? Mukhang manika? Shit, napagkamalan pa akong janitress." Napailing siya sa mga naiisip. "Or that girl in the hotel room. Maganda rin. Magandang-maganda. Ibinandera pa ang katawan sa 'kin. Huh! Mas sexy naman ako."

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya nang maupo ulit. She looked at him. Seryoso ang anyo nito at titig na titig sa kanya. He was too hot in her eyes. Nakakapanghinayang na walang katulad nito sa mundong ginagalawan niya. Naiinis siyang isipin na kay lapit nito sa kanya ngunit kay layo naman sa pakiramdam. Ganoon pala ang langit at lupa.

"Oops, sorry, Andrew nga pala..." aniya, napangiti sabay tutop sa bibig. "Not Drew. But Andrew...kasi nga hindi tayo close...tama ba? Oh, I remember the day you said that," natawa siya sabay lunok. "You were so cold, I could turn into an ice cube. Bakit napakainit ng dugo mo sa 'kin? Bakit parang gusto mong lagi akong nasasaktan?"

"Lasing ka na nga."

"I am more than what you think of me. Hindi mo lang kayang makita 'yon kasi...natatakpan ng galit ang puso mo. And I know that you are more than this cold, heartless man."

Wala itong sinabi at nanatili lang nakatitig sa kanya. He looked so dreamy. Kahit sinong babae ay mapapaamo nito, kahit sinong babae ay gugustuhing mapunta sa lugar niya. Andrew could make any woman fall in love with him and the thought just gave a pang in her chest. She had no right to feel such thing. Disaster lang ang aabutin niya. Sapat nang humahanga lang siya rito.

At kung hanggang dito na lang ang kaya niyang gampanan sa pagpapanggap nila, puwede kayang sumobra siya nang kaunti? She wanted to take something special with her when this was all over. And a memory of a kiss was the best way to seal the deal.

"Back out na ako, ha?"

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" seryosong tanong nito, nasa mga mata niya ang tingin.

MARRY ME, MAX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon