𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟏

65 10 0
                                    

𝙻𝚞𝚌𝚔'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Mga huni ng ibong nagkakantahan sa mga puno ang unang bagay kong narinig. Idinilat ko ang aking mata kayat nasilaw ako dahil sa liwanag na nagmumula sa labas.

Kunusot-kusot ko ang aking mata upang luminaw ang aking paningin. Puro puti. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid.

Pader at kisameng kasing puti nang niyebe. Isang cabinet na may frames sa ibabaw at sa gilid nito ay ang isang bintana na nahaharangan ng kulay asul na kurtina.

Bumangon ako at saka naglakad patungo sa liwanag na nanggagaling sa bintana.

"Nasa langit ba ako?" tanong ko sa aking sariling isipan.

Hinawakan ng magkabila kong kamay ang kurtina. "O impyerno ito?" Nagsipasukan lahat ng liwanag sa apat na sulok ng aking silid matapos ko itong hawiin.

Isang malaking puno ang bumungad sa akin. Ang mga dahon nito ay kulay ay malulisog at luntian, may mga bulaklak din itong pasibol pa lang. Sa sa sanga nito'y may dalawang asul na ibon ang kumakanta. Sa kalayuan ay kita ang nagtataasang mga gusali. Binuksan ko ang bintana na naging dahilan ng pagkagulat at paglipad papalayo nung mga ibon. Hinayaan kong dampian ng liwanag ng araw ang aking balat habang pinagmamasdan ang dalawang ibon na masayang lumilipad sa himpapawid.

Malaya at malayo sa problema.

Kasabay ng aking pagpikit at paghinga ng malalim ay ang pagsimoy ng maginhawang hangin...

THUD!

Ako'y biglang napadilat.

Isang kalabog ang aking narinig.

Tumingin ako sa aking likuran at sa buong silid. Wala akong nakitang ibang tao. Ang buong silid ay payapa at simple. Walang ibang tao rito kun'di ako. Walang gumagalaw na bagay o ano man na nahulog.

Nagtaka ako. Saan galing ang-

THUD!

Muli akong nakarinig ng isang pang kalabog. Ito ay malakas at sa tingin ko ay malapit lang sa akin.

Biglang dumilim ang buong silid. Nang silipin ko ang bintana ay kadiliman na lang ang naandito at ang buwan.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Nilinawan ko pa ang aking pandinig upang malaman ang pinagmumulan ng mga ingay na iyon. Dahan-dahan kong inilakad ang aking paa tungo sa aking higaan kung saan ko ito naririnig.

Palakas nang palakas.

Palapit nang palapit.

Nang makasampa ako sa lumalangitngut na kama ay saka ko hinawakan ang puting pader na nagsisilbing harang sa dalawang silid. Manipis lang ito ngunit gawa sa bato. Isang ingay ulit ang aking narinig kayat bahagya akong napa-urong.

Napatitig ang aking mata sa pader dahil bigla na lang nawala ang mga ingay. Saan kaya iyon nagmumula?

Muli akong lumapit sa pader at dahan-dahang inilagay ang aking tainga rito upang malaman kung anong meron sa kabila, kung ano ang pinagmumulan ng ingay na iyon.

Nanlaki ang aking mata dahil sa aking narinig.

Isang boses ng babaeng tumatangis at ang pagbukas ng pinto.

"Subukan mo lang talaga! Makikita mong hinahanap mo!" sigaw ng isang lalaking boses na sa tingin ko'y mga labing walong anyos na dahil sa lagong nito. Sunod kong narinig ng malakas na pagsara ng pinto.

Mas lalong lumakas ang iyak ng babae. Parang pinakawalan niya ang mga hinagpis niya na pilit niyang pinipigilang lumabas. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nasasaktan siya. Ramdam ko sa bawat pagtangis niya ang sakit.

Ikinuom ko ang aking kamay upang katukin sana ang pader pero ako ay napahinto.

Napayuko na lang ako habang inaalis ang aking tainga sa pader.

Hindi ko rapat pakialaman ang problema nila.

Gayon nga aking aking ginawa, hindi ko siya (o sila) pinansin.

Hindi maaaring dumaan ang isang linggo na wala akong naririnig na ingay mula sa silid na iyon. Bawat araw ay may ingay na umalingawngaw mula roon.

Kung minsan-minsa'y idinidikit ko pa rin ang tainga upang mas marinig ang pinag-uusapan nila. At kung minsan nama'y hindi na kailangan pa dahil sapat na ang lakas ng kanilang sigawan upang marinig ko.

Gabi ang pinaka-ayokong oras.

Sa pagtungtong ng dilim ay hudyat para sa aking pagtulog at pamamahinga. Hihiga ako sa aking higaan at pipilitin matulog ngunit tunog ng kamang lumalangitngit at humahampas sa pader ang naririnig ko.

Sinong makakatulog sa gano'n?

Makalipas ang isang buwan ay muli kong nakita ang aking sarili na naka-upo sa aking higaan habang nakadikit sa puting pader. Pinakikinggan ang pagtangis ng isang babaeng nasa tabi ko lang kung wala ang pader na ito.

Isang malakas na pagsarang muli ng pinto ang aking narinig, senyales na nakaalis na iyong lalaki. Tuwing umaga siya ay umaalis, siguro ay pumapasok pa siya sa eskwelahan. Ngunit ang babaeng iyon ay maiiwang mag-isa. Hindi na ba siya nag-aaral? Pero parang dalaga pa lang siya.

Hinawakan ko ang aking gitara na nakita ko sa salas. May mga sira na ito na para bang ginulungan ito ng sasakyan. Mukha na rin itong luma pero naakit nito ang aking interes. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko tanda pero maganda pa ang tunog nito na para bang bago.

Isa... Dalawa... Tatlo...

Tatlong mababagal at mahihinang katok ang narinig ko mula sa pader.

Napangiti ako bago ko simulang mag-strum sa gitara.

Muli kong kinanta ang kantang paulit-ulit kong inaawit kahit pa hindi ko alam kung saan ito nagmula. Isang awitin na laging tumatakbo sa aking isipan at laging nagpapasaya sa akin at sa parehong oras... nagpapalungkot.

"Pasensya na
'Wag ka nang mag-alala
Ginawa naman ang lahat
Pero 'di naging... sapat"

Ibinaba ko ang aking gitara at saka sumandal sa pader matapos kong kumanta.

"You okay?" nag-aalala kong tanong.

"Y-yeah... Thank y...you..." nanginginig na sagot ng isang babae na naging dahilan sa nagpaigting ng aking panga.

Nagsinungaling ako.

Hindi ko kayang tiisin lang at pakinggan ang kaniyang mga iyak. Hindi kakayanin ng puso ko ang ganon. May humila sa akin upang katukin ang pader at kumustahin siya noong unang beses na marinig ko siya. Nakaramdam ako ng takot noong gagawin ko na 'yon pero naisip ko... Natatakot din kaya siya?

Noong una'y hindi niya ako sinasagot sa tuwing magsasalita ako o tatanungin ko kung ayos lang siya. Alam kong naririnig niya ako ngunit natatakot siya kayat hinayaan ko lang iyon. Hindi iyon naging dahilan para tumigil ako. Deep inside ay alam kong gusto ng kausap... kailangan niya.

Noong makita ko ang gitarang iyon ay saka lang siya nagsalita. Noong marinig niya ang musika nito at ang tinig ko. Parang iyon ang naging susi upang buksan niya ang pintuan sa aming dalawa.

"Isa pa..." hiling niya matapos kong tapusin ang kantang iyon.

Hindi ako nagsalita bilang tugon sa unang beses niyang pagkausap sa akin. Ngumiti na lang ako at saka sinimulang patugtoging muli ang gitara.

"Pagpikit ng mga mata
Maaalala ang salita
Hindi ka na mag-iisa"

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon