𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
[FLASHBACK]
"Calister, please." Lumuhod ako sa sahig ng CR habang nagmamakaawa. "Please, please, please! I won't tell anyone. Hayaan mo lang akong makaalis! Lalayo ako at hindi na magpapakita sa 'yo."
Patuloy sa panginginig ang aking buong katawan at ang pag-agos ng aking mga luha. Ngayon ay ang pang-isang linggong pagkakakulong ko sa silid na ito. Masahol pa sa hayop si Calister! Ano ba ang nagawa ko para gawin niya sa akin 'to?
Tumingin sa akin si Calister. Nginitian ko siya upang makuha ang kaniyang tiwala. Wala naman talaga akong pagsasabihan kung sakaling palalabasin niya ako. Mas gugustohin ko pang manahimik at magpanggap na hindi lahat nangyari ang mga ito kaysa naman makulong ako rito nang habang buhay.
Itinigil niya ang pagsisipilyo sa kaniyang ngipin. Napahawak ang dalawa niyang kamay sa lababo saka siya nag-lean forward sa salamin. Tinitigan niya ang kaniyang mukha saka siya tumingin sa akin.
"Ang pogi ko, 'no?"
Nalito ako dahil sa kaniyang ginawang pagngiti na parang hindi niya nakikita ang aking nakaaawang pagdurusa. Para bang may paki pa ako sa kagwapuhan niya ngayon.
Pinilit ko na lang ngumit sa kaniya at tumango. Natuwa na rin ako dahil siya ay nasa kaniyang magandang aura. "Trust me. Hindi ko babanggitin sa kahit kanino ang pangalan mo."
Inalis niya sa kaniyang bibig ang toothbrush. Kitang-kita ang mga bula sa palibot ng kaniyang bibig. Para siyang isang bata na hindi naturuan ng kaniyang ina. Sinimulan niya ang paglalakad papalapit sa akin at saka siya nakabukakang umupo sa aking harapan. "Talaga? Can I trust you?"
Pinunasan ko ang aking pisngi at saka nakangiting tumango-tango bilang sagot. Alam mong kaya mo ako pagkatiwalaan. Kilala mo ako, Calister.
"Just do me a favor," nakangiti niyang hiling na parang isang bata.
"S-Sure! Anything!"
Handa akong gawin ang lahat, makalabas lang dito. Ayokong dito mabulok! Kakayanin ako kahit ano mang...
Muli siyang ngumiti pero ngayon ito ay nakaloloko. Itinuro niya ang kaniyang bibig na puno ng bula dahil sa kaniyang pagsisipilyo.
"Open your mouth." Napatigil ako dahil sa kaniyang utos. "Drink this and I will trust you."
Kumupas ang ngiti sa aking labi habang tumitingin ako sa kaniyang bibig. Napalunok ako ng laway.
Madali lang naman iyon hindi ba? Hindi naman ako mamamatay. Mas madali lang ito kung ikukumpara sa sitwasyon ko ngayon. Kaya ko 'yon! Sige! Gagawin ko. Iyon lang naman, kaya ko 'to!
Ipinikit ko ang aking mata bago ko dahan-dahang ibinuka ang aking bibig. Ayokong makita ang kaniyang gagawin dahil baka hindi kayanin ng aking sikmura.
Nagulat ako noong bigla niyang hawakan ang aking baba. Ipinwesto niya ang aking ulo sa kung saan niya maiiluwa ang nga bula sa kaniyang bibig. Ipinikit ko lang nang mariin ang aking mata.
"Damn. You won't look at me? Hindi na ba ako gwapo pa sa 'yo?" Pagmamaktol niya. Biglang humigpit ang kaniyang hawak sa aking pisngi. "Buksan mo rin mata mo." Simple lang ang pagkakasabi niya sa akin pero may authority.
Hindi ko iyon ginawa. Ayoko.
Napakuom na lang ang aking kamay at napapikit ako nang mas mariin noong maramdaman ko ang malapot at mainit na likidong pumupuno sa aking bibig. Kadiri!
Hindi ko kaya!
Muntik ko nang mailuwa ang mga ito ngunit pinilit ko pa ring lunukin. Ito na lang ang tanging paraang ko, hindi ako pwedeng pumalpak. Idinilat ko ang aking mata upang silipin ang si Calister. Narinig ko kasi ang ginawa niyang pagdahak. Tuluyan akong napaluha noong makita ko ang berdeng likido na iniluluwa ni Calister papunta sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...