𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
“Hazel...”
Napadilat ako noong may nagsalita. Alam kong ako 'yung tinatawag niya.
“Hazel.”
Muli kong narinig ang tinig ng isang lalaki. Para siyang naghihingalo. Humihingi siya ng tulong sa akin. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niya pero parang ibang ngalan iyon.
Sinimulan kong maglakad-lakad sa bakanteng kalsada. Walang kahit na iisang sasakyan o tao akong nakikita. Nasaan kaya ang taong iyon?
“HAZEL!”
Napa-igtad ako sa gulat noong biglang lumakas ang pagtawag niya sa pangalan ko. Tumingin ako sa aking kaliwa dahil mukhang doon nanggagaling ang boses niya. May nakita akong isang maliit na iskenita rito kaya sinimulan ko agad ang paglalakad dito. Sumilip ako at nakita na may liwanag sa kabilang dulo ng iskenita.
“HAZEL!”
Mas lalong lumakas ang boses niya. Parang nahihirapan siya at nasasaktan. Maghintay ka lang. Malapit na ako. Ilang hakbang pa ang aking ginawa saka ako nasilaw ng nakabubulag na liwanag. Tinakpan ko ang liwanag gamit ang aking kamay.
Napalibot ang paningin ko sa harapan. Isang parke ang naandito, napakaganda. Pero wala pa rin akong natatanaw na tao, kahit isa.
“HAZEL!”
Bigla akong napatingin sa aking paanan. Biglang nanlamig ang katawan ko at namutla ang aking balat dahil sa aking nakita. Isang lalaki ang nakahandusay at duguan sa gitna ng kalsada.
Lumapit ako sa kaniya at saka umupo. Inabot ko ang sumbrerong suot niya upang malaman kung sino siya.
“HAZEL!”
Parang tumigil ang tibok ng puso ko noong hawakan niyang bigla ang kamay ko pero ang mas nakatatakot diyon ay ang katotohanan na mukha iyon ni Calister.
Hindi! Kailangan kong umalis! Ayoko na rito! Kailangan kong tumakas!
“Let me go!” nagpupumiglas ako sa kaniya pero hindi ko magawa. Unti-unting nagdilim ang paligid. Malakas at paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko, nakabibingi!
“LET ME GO! LET ME GO! LET ME GO!”
“HAZEL, WAKE UP!”
Isang bangungot.
Napasinghap ako sa hangin noong marinig ko ang isang pamilyar na boses. Narinig ko na ang tinig na iyon ngunit hindi ko maalala kung saan—kung kanino. Agad kong idinilat ang aking mga mata. Hindi ako maaaring magkamali, si Mama ang narinig ko.
Pagdilat ng aking mata, ako ay nasilaw. Maliwanag ngayon ang aking silid ngunit ang una pa ring bumungad sa akin ang puting kisame.
Panaginip lang pala ang lahat, akala ko'y nakawala na ako sa kamay ni Calister. Mukhang naandito pa rin ako sa silid namin, nakakulong sa kamay ni Calister.
“B-Baby? Baby, are you okay?”
Muli kong narinig ang boses ni Mama. Nabibingi na ba ako? Kinusot ko ang aking mata at agad muli itong idinilat . May mga aparatos sa aking paligid at ako'y nakaasul na damit.
“Baby!”
May nanginginig na kamay ang humawak sa aking pisngi. Tiningnan ko kung kanino ito nanggagaling. Napaluha at napaayos ako ng upo noong makita ko ang pamilyar na mukha na kay tagal kong hindi nakita.
Nababaliw na ba ako? O patay na ba ako?
“M-Mama?” Tawag ko sa kaniya na sinagot niya naman ng isang tango. “Mama, ikaw ba 'yan?”
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...