𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
[FLASHBACK]
Tumawag noon 'yung Dad niya ata. Parang pinutulan siya ng koneksyon sa pera o binabaan lang ang ipadadala sa kaniya, kwento ko sa aking mga narinig noong araw na biglang nagwala si Calister.
Dahil doon ay nagalit si Calister at sobrang kitang-kita mo 'yon sa kaniya. Nanggagalaiti iyong mga mata niya na para bang hinihiling niya na dapat namatay na lang 'yung kapatid niya. Ewan ko pero sobrang galit talaga siya. Ibinato niya nga 'yung phone niya sa pader nang sobrang lakas. Hindi pa siya tumigil no'n, lahat ng gamit sa lamesa, 'yung mga plato at baso—lahat, ibinato niya. Lahat nagsipagbagsakan sa sahig.
Muli kong naalala kung ano ang pakiramdam ng makita siyang ganon kagalit. Parang gusto niyang pumatay ng tao. Sobra nangatog ako noon sa takot. Sino namang hindi e nakakapangilabot naman talag ang kaniyang hitsura.
Wait... wika ni Luck na para bang may iniisip siya. Pwedeng pakiulit 'yung sinabi mo?
Napakunot ang aking noo. Ano ba ang gusto niya ulit marinig mula sa paliwanag ko? Hindi ba klaro ang pagkakasabi ko o may importante ba siyang narini—
Nanlaki ang aking mga mata noong mapagtanto ko kung ano ang gusto muling marinig ni Luck.
Tila may kaunting dugo sa aking katawan ang nagkaroon ng kaunting pag-asa. Parang kahit papano ay may parte ulit ako sa aking katawan na nagsasabing lumaban lang ako. Napakagaling niya talaga kahit kailan!
Binato niya 'yung phone niya! sagot ko.
Tama iyon na nga! masayang sigaw ni Luck. Go, check it!
Pagkasabing-pagkasabi ni Luck ay agad akong lumukso paalis sa aking higaan. Agad akong pumunta sa lugar kung saan nagsikalatan ang mga basag na plato at baso. Maingat akong naglakad papunta roon dahil sa mga nagkalatang mga bubog. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar kung saan maaaring tumalsik ang phone niya.
Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? Kung hindi dahil kay Luck ay malamang na hindi ko iyon maalala.
Thank you, Luck. Thank you!
Napangiti ako noong makita ko ang isang itim na bagay sa may ilalim ng lamesa. Iyon ang ngiti ng pag-asa. Dahil sa tuwa ay agad akong nagtungo ro'n at saka kinuha ang phone.
—————
Paano nga kaya? muling naglakad nang pabalik-balik sa Calister at noong naisip niya na ang kasagutan ay muli siyang ngumiti.
AHA! Noong tumawag si Dad! Nanginig ako sa takot noong simulan niyang maglakad papalapit sa akin. Sabi na, nagtutulog-tulugan ka no'n e.
Tila nablanko ang mata noong bumalik sa aking ang histura niya sa araw na iyon. Bigla na naman akong napako sa aking kinauupuan. Naramdaman ko ang biglang pagsikip ng aking dibdib at ang pagpatak ng aking mga luha.
Napaurong ang ulo ko noong inilapit niya sa aking mukha ang kamay niya. Naramdaman niya atang nanginginig ako. Ngumiti siya sa akin saka niya inabot ang aking pisngi. Pinunasan niya ang aking mga luha.
Ano bang problema niya? Paluluhain niya ako tapos papahirin niya ito. Hindi ba siya ang may gawa non?
Takot ka naman pala. Bakit naisipan mo pang pumalag?
Napapikit ako sa sakit noong hilahin niya ang aking buhok patalikod.
Ang genius mo nga pero at the same time, stupid! Sa Pizza Hut? Are you fucking serious? A fucking pizzeria? Muli na naman siyang tumawa nang nakababaliw. Pakiwari niya ay ang kitid ng aking utak.
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...