kwekwek: While reading this chapter, I recommend you listen to Yolee's "I Promise You." (https://youtu.be/7xwyO9MbT0U)
𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
Isang nakagigimbal na katotohanan ang aking narinig mula mismo sa bibig noong doktor. Hindi lang sa kaniya kun'di pati na rin sa mga pulis.
Si Luck. Ang lalaki sa kabilang silid. 'Yung taong tumulong sa akin.
Walang ganoong tao.
Hindi siya nag-eexist sa mundong ito.
Narinig daw ako nang maayos nung mga pulis na tinawagan ko noong araw na iyon. "May isang lalaki rin pong nakakulong sa kabilang silid."
Oo, si Luck 'yon. Siya ang tinutukoy ko noong araw na tumawag ako sa mga pulis. Akala niya siguro ay hindi ko mahahalata pero alam kong bilanggo lang din siya ro'n. Na ikinulong lang din siya. Kaya hindi niya ako matulungan physically dahil hindi rin siya makalabas mula sa silid na iyon.
Pero walang gano'ng istorya.
Noong gabing iyon daw ay pinasok din ng mga pulis ang silid na iyon dahil nga sa aking bilin. Pero noong naandoon na sila, wala silang nakitang kahit na ano. Hinalughog nila ang buong silid ngunit walang ibang senyales na may taong nakatira rito. Ayon din sa may ari ng building na walang nakatira diyon sa loob nang matagal na panahon na.
"Sa CCTV po! Siguro naman ay makikita siyang pumasok doon!" nangingiyak kong sabi sa kanila.
Hindi ako maniniwala. Alam kong totoo si Luck. Naandoon siya sa silid na iyon. Hindi maaring wala silang nakita!
Umiling-uling lang iyong mga pulis.
Nainis ako sa kanila. Sinigawan ko silang lahat na mga sinungaling.
Niloloko lang nila ako, hindi ba? Isu-surprise siguro ako ni Luck. Oo, tama! Isang surpresa!
Pero lumipas ang araw na iyon na wala na akong ibang narinig tungkol sa kaniya. Ni hindi ko man lang naririnig na pinag-uusapan ang pangalan niya. Para bang wala siya rito.
Hindi maari. Maghihintay ako sa surpresa niya.
-----
"Pero nakausap ko siya. Narinig ko!" daing ko sa aking Psychiatrist.Matapos ang mga ganap na iyon ay para akong nasiraan ng bait. Inintay ko siya sa bawat segundo ng buhay ko. Alam kong magpapakita siya pero hindi. Walang Luck na lumitaw kahit saan.
Lahat ng tao sa paligid ko ay sinasabing hindi siya totoo. Miski sina Mama na mismo ang nagsabi.
Walang Luck sa mundong ito.
"It's possible that you're hearing voices in your head, honey. Pwedeng ang tinig na narinig mo ay gawagawa lamang ng isipan mo."
"Pero may pangalan po siya!" Tama! Ang pangalan niya ay Luck! Pangalan na hindi ko makakalimutan. Pangalan na tatatak sa puso ko!
"Maybe that's a name you've always admired. Ikaw ang nagbigay ng pangalan na iyon sa lalaking nasa imahinasyon mo. Siguro ay pangalan iyon ng isang taong mahalaga sa 'yo."
Hindi! Wala akong ibang alam na taong gano'n ang pangalan. Siya lang ang nag-iisang Luck sa mundo ko!
"Or perhaps..." Tumingin siya aking lumolobong tiyan. "You'd like to give that name to someone special in your life."
Nakababaliw pero kailangang tanggapin. Mahirap pero kakayanin.
Kailangan kong tanggapin sa sarili ko na wala si Luck. Lahat ng mga sandaling pinagsamahan namin ay hindi totoo.
Sa loob ng mga dinanas ko sa silid na iyon, nagkaroon na pala ako ng sakit sa utak nang hindi ko man lang namamalayan. May schizophrenia ako at dahil dito, nalito ang utak ko sa totoo at hindi. Nakaranas ako ng mga delusions at hallucinations. Kaya pala nahihirapan akong mag-isip. Iyong sakit na iyon ang dahilan kung bakit nawawalan ako ng motivation.
So that was all simply a figment of my imagination? Siya ay gawa-gawa lang din ng utak ko?
Lahat ng mga oras na ginugol ko habang kausap ko siya, pader lang ang kaharap ko. Sa tuwing magkukuwentuhan kami, sarili ko lang ang kausap ko. Lahat iyon, ako lang ang may gawa.
It hurts na malamang gano'n pero mukhang iyon na nga ang totoo. At the end, ang taong tumulong sa akin ay ang akin ding sarili.
Iyong taong akala kong nagiging sanhi ng aking pag-asa ay sarili ko lang din pala. Dahil sa matagal na akong hindi nakakakita o nakikipag-usap sa mga tao, utak ko na ang gumawa ng sariling tao. Ako na ang tumulong sa sarili ko.
Ewan ko pero sobrang sakit lang malaman na imahinasyon ko lang siya. May mga plano pa sana ako sa paglabas namin sa aming mga nakakandadong pinto. Balak kong magpasalamat sa kaniya. Nais ko siyang mayakap ng mahigpit. Gusto ko siyang makasama.
Gusto kong awitan niya pa ako sa aking pagtulog.
Pero lahat ng iyon ay hindi ko na pala magagawa.
Sobrang sakit pero wala na akong magagawa. Kailangan kong kayanin ang masakit na katotohanan kaysa mamuhay sa magandang kasinungalingan. Kinaya ko nga ang buhay kay Calister, ito pa kaya? Para na lang sa sarili ko at para sa aking anak. Kakalimutan ko na ang lahat ng iyon.
"I'll be by your side at all times."
Muli kong narinig ang sinabi niya noong gabing iyon. Lagi niya iyong binabanggit sa akin sa tuwing panghihinaan ako ng loob. Na kasama ko pa siya at hindi ako nag-iisa.
Napakasinungaling mo! Hindi ba sabi ko, hindi mo ako iiwanan? Nasaan ka ngayon? Gusto kitang yakapin. Kailangan ko ang boses mo. Please?
Balik ka na, Luck.
Napayakap na lang ako sa aking tiyan at napangiti. Tatanggapin ko na ang lahat. Kakalimutan ko na ang mga bagay na dapat nang ibaon sa lupa. Kailangan ko ng bagong simula.
"Whether real or not... Thank you," bulong ko sa kalangitan. "I love you..."
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...