𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
Sariwang-sariwa pa sa aking isipan kung papaano nagsimula ang lahat. Kung paanong ang maganda at mayabong na puno ay unti-unting nalanta at nawalan ng dahon. Malinaw pa kaysa salamin ang aking memorya.“Nagsimula ang lahat noong high school ako,” panimula ko sa kwentong ayoko na sanang balikan ngunit kailangan kong ilabas ang sama ng aking loob.
Alam kong mapagkakatiwalaan naman siya. Panatag na panatag at magaan nga ang loob ko sa kaniya e.
“Tuloy mo lang. Nakikinig ako,” wika ng lalaki sa kabilang silid.
Kagaya ng sinabi niya ay itinuloy ko nga ang aking istorya. Kung sino ako at sino ang lalaking kasama ko sa silid na ito.
“Ako si He—”
Bigla akong natigilan. Biglang sumara ang aking bibig. Hindi ko magawang bigkasin ang kahit na anong salita. Parang may kamay na humawak dito at pinipilit itong itikom. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o ano pero hindi lang ako makapagsalita.
“Ayos lang kung hindi mo pa kaya,” sabi ng lalaki.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at saka niyakap ang aking tuhod. Bakit hindi ko magawa? Sa tingin ko ay mabuti naman siya. Pero bakit gano'n?
“Ako nga pala si Luck.” Napatunghay ako nang banggitin ng lalaki sa kabilang silid ang kaniyang ngalan. “Okay lang kung ayaw mong magpakilala. Ayos lang kung hindi ka magkwento. Basta tandaan mo na naandito—”
“I'm Hazel,” pagpuputol ko sa kaniya habang nilalakasan ang aking loob. Napatitig ako sa aking tuhod bago ako huminga nang malalim. “At ang lalaking kasama ko ay si Calister.”
Humingang muli ako nang malalim bago banggitin ang salitang hindi ko alam kung angkop pa ba. Salitang labag sa aking kalooban na bigkasin pa.
“B-boyfriend ko.”
Ilang saglit akong tumahimik.
Kahit pa nasa kabilang silid si Luck at hindi ko siya nakikita ay nadarama ko pa rin ang galit at inis niya. Alam kong hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Na ang lalaking gumagawa sa akin nito, ang mga pagpapahirap ay mula sa sarili kong nobyo. Kahit naman siguro ay maiinis sa gano'ng sitwasyon. Miski ako.
“Una kami noong nagkakilala sa school...”
Grade 9 kami noong unang nagkakita. Mali. Grade 9 niya ako unang napansin. Kilala si Calister bilang isang perpektong tao sa aming paaralan. Nasa kaniya na ang lahat na maaring hilingin ng isang tao.
𝘒𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯.
𝘈𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘸𝘢𝘱𝘶𝘩𝘢𝘯.
𝘛𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰.
𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.
𝘗𝘢𝘣𝘰𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵.
𝘎𝘪𝘵𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘦𝘯𝘴𝘺𝘰𝘯.
𝘉𝘢𝘣𝘢𝘦.
Dahil kilala siya sa buong paaralan ay nakilala ko rin siya. Noong unang makita ko pa lang siya ay parang na love at first sight na ako. Not because of his good looks pero dahil sa... Dahil nga ba saan? Ayon na nga, hindi ko naiwasang mahulog para sa kaniya. Sino bang hindi kung taglay niya na ang ganoong kagwapuhan at talino. Oo, matalino talaga siya. Hindi mo nga aakalaing gano'n siya pero wala, gano'n na nga. Isang matalinong gwapo. Pwede na sana kaso nga lang alam kong hindi lang iyon ang taglay niya. Alam kong isa rin siyang pariwarang estudyante. Nagda-drugs, nagnanakaw kahit may sapat na pera, nangbu-bully ng ibang studyante, nangongolekta ng mga babae, at sumasali sa mga rambolan.
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...