𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
Isang malakas na suntok ang tumama sa aking pisngi. Sa sobrang lakas nito ay biglang nanlambot ang buo kong katawan. Nawalan ako ng balanse at diretsuhang napasalpak sa sahig. Ang sakit! Sinubukan kong tumayo ngunit bigla na lang umikot ang aking paligid. Ang lahat ay naging malabo at paikot-ikot.
“Tu...long...” nanghihingalo kong sabi sa lalaking papalapit sa akin.
Binalot ulit ako ng takot noong makita kong tinatanggal niya ang sinturon ng kaniyang pantalon. Iyon ang huli kong nakita bago tuluyang bumigay ang aking mga talukap.
—————
“Anong problema? Bakit umuuwi siya nang mas maaga?” nalilitong tanong ni Luck.Sa nakalipas na mga araw ay mas maagang umuuwi rito si Calister. Hindi niya na iniintay na lumubog ang araw at dahil doon, mas lalong humaba ang buhay impyerno ko at mas lalong umigsi ang oras na nakahihinga ako nang maluwag. Ano nga ba ang dahil niya? Isa lang ang alam kong posibleng sanhi non.
“May nasabi ba siyang kahit ano na pwedeng maging dahilan non?” muli niyang tanong. Halata mong nag-aalala talaga siya para sa kalagayan ko.
Muli kong inalala ang mga nagdaang araw.
Nagising ako noon ng isang madaling araw dahil sa malakas na mga sigaw ni Calister. Nakabibingi ito sa tainga. Naririnig din kayo ito ni Luck? Noong napatingin ako sa kaniya ay agad na napapikit ang aking mga mata noong makita ko ang nanlilisik niyang paningin. Iba ang tingin sa kaniyang mga mata. He was so frustrated that he could do anything. Nakakatakot! Kapag gumawa ako ng kahit anong ingay ay tiyak kong mas malala pa ang gagawin niya sa akin kaysa normal niyang ginagawa.
May hindi tama rito. Nararamdaman ko iyon. Sobrang kakaiba ang aura niya. Mas malakas at mas madilim. Anong meron?
Muli kong idinilat nang bahagya ang aking mata upang masilip siya.
“Dad! No, you can't do that to me! Anak mo rin ako! You can't just leav—” hindi niya na natapos ang kaniyang pananalita dahil sa pinagpatayan na ata siya ng telepono.
Kausap niya ang kaniyang ama sa telepono. Sa wari ko'y binabaan ng kaniyang ama ang perang ipadadala niya kay Calister dahil mas kailangan ng kaniyang kapatid ang pera. Mukhang ipinaliwanag naman nang maayos sa kaniya ng kaniyang ama ang sitwasyon ng kapatid niya pero hindi niya ito pinakinggan ng ayos. Tila ba wala siyang paki.
Dahil sa sobrang galit ni Calister ay ibinato niya sa pader ang phone at ito'y lumagpak sa sahig. Napaigtad ako noong maranig kong inihulog niya ang mga maruruming kasangkapan sa lamesa. Rinig na rinig sa buong silid ang mga sigaw niya at pagwawala. Binalot ako ng takot dahil sa mga tunog nang nababasag na plato at baso, idagdag mo pa ang nakikilabot niyang boses.
Ipinikit kong mariin ang aking mga mata at sinubukang kontrolin ang aking paghinga noong naaninag ko ang imahe niya na nagsimulang maglakad. Narinig ko ang mga yabag niya. Ito ay papalapit sa akin nang papalapit sa akin. Dumaloy sa aking buong kayawan ang kaba at napuno ako ng pawis, mas lalo ring bumilis ang tibok ng puso ko. Huminto siya sa paglalakad, ilang segundo. Alam kong nakatingin siya sa akin dahil kahit titig niya lang ay ramdam na ramdam ko na. Mas lalo kong pinilit na magkunwaring tulog. Ilang segundo niya akong pinanlilisikan ng mata bago niya muling ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad ngunit papalayo. Isang malakas na kalabog na lang ang aking narinig.
Agad na napadilat ang aking mata at kasabay noon ay ang pag-iyak ko. Hindi ko maitago ang takot at kaba na para bang kinaharap mo na si kamatayan. Sobrang nanginginig lahat ng laman sa aking katawa. Pakiramdam ko ay dinig sa buong silid ang malalakas na dagundong sa aking puso.
Kahit pala sa panahon ngayon ay takot pa rin ako sa kamatayan. Hindi pa rin ako handa.
“Pinilit ko ring pakinggan ang buong pag-uusap nila at dahil doo'y nalaman ko kung bakit kailangan ng kapatid niya ng pera. Iyon ay dahil naaksidente ito at nasa kritikal na sitwasyon ngayon sa ospital,” pagtatapos ko sa aking mga nalalaman.
“Wait...” wika ni Luck na para bang may iniisip siya. “Pwedeng pakiulit 'yung sinabi mo?”
Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Mayroon ba siyang hindi naiintindihan sa aking kwento? Maayos naman ang pagkakasabi ko a. O baka hindi ko ito nasabi nang ayos dahil sa takot ko noong balikan ko ito sa akin alaala.
“Iyong kapatid niya ay naaksidente—”
“No, no. Before that.”
Napakunot ang aking noo. Ano ba ang gusto niya ulit marinig mula sa paliwanag ko? Hindi ba klaro ang pagkakasabi ko o may importante ba siyang narini—
Nanlaki ang aking mga mata noong mapagtanto ko kung ano ang gusto muling marinig ni Luck.
Tila may kaunting dugo sa aking katawan ang nagkaroon ng kaunting pag-asa. Parang kahit papano ay may parte ulit ako sa aking katawan na nagsasabing lumaban lang ako. Biglang napangiti ang aking mga nanunuyong labi. Masakit pero kusa itong ngumiti.
“...” sagot ko sa kaniyang katanungan.
“Tama iyon na nga!” masayang sigaw ni Luck.
Masayang-masaya.
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...