𝕰𝖕𝖎𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊

35 7 7
                                    

𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Matagumpay kong nailuwal ang bata sa aking sinapupunan. Napakagwapo niyang bata. Alam ko kung sino ang pinagmanahan niya ngunit inalis ko na iyon sa aking isipan. Ang batang ito ay iba sa kaniya, ang batang ito ay mahal ko at mahal ako.

“Hi, Baby.” Hinaplos ko ang kaniyang mukha. Namuo ang luha sa aking mata. “Hi, Luck...”

Siguro nga ay tama si Dokotora. Magandang pangalan nga iyon. Gusto kong taglayin iyon ng aking anak. Alam kong lalaki siyang isang mabuting bata.

LUCK. Ubod nang gandang pangalan. Swerte? Oo, swerte ako na nakilala ko siya kahit sa sarili ko lang na mundo. Nakilala ko ang lalaki ng aking imahiny.

Makalipas ang ilang buwan ay may isang bagay akong planong gawin na mahirap. Sa tingin ko nga ay hindi ko ito kayang gawin ngunit kailangan. Kailangan na tuluyan kong iwanan ang lahat sa aking nakaraan.

“Luck, behave with Lola, okay?” Hinalikan ko siya sa kaniya saka ako nagpaalam kina Mama.

Kaya ko 'to.

“Welcome, Miss!” bati sa akin ng guard sa isang gusaling aking pinuntahan.

Nginitian ko lang siya at saka pumasok sa loob. Inakyat ko ang mga palagpag at naglakad sa hallway na para bang kabisadong-kabisado ko kung saan ako papunta. Well, kabisado ko naman talaga. Hindi ko makakalimutan ang daanang ito.

Napahinto ako sa tapat ng isang silid na may mga tape na nakaharang.

Is it truly possible for me to do it?

Kinapitan ko nang mahigpit ang aking bag at saka huminga ng malalim. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata bago ako tuluyang tumawid sa pintuang iyon.

I lived a hell life in here. Sobrang sakit at dilim ng dinanas ko sa silid na ito. Mula sa higaang puno ng bahid ng dugo. Sa kusinang napakakalat. Sa banyong napakarumi. Sa salas na magulo at puno rin ng dugo.

Sa silid na ito ako nasaktan nang sobra-sobra.

Napatingin ako sa puting pader kung saan ko kinakausap ang lalaki sa aking isipan. Hinawakan ko ito at ngumiti. Biglang nanggilig ang mga luha sa aking mata pero akin itong pinunasan.

I wish you were real.

Bago ako tuluyang lumisan sa silid na iyon ay ngumiti muna ako. Handa na ako.

“Paalam,” wika ko rito. Hindi ko alam pero parang biglang umaliwalas ng kaunti iyon silid sa paningin ko. Bigla rin akong nakahinga ng maluwag.

Habang naglalakad palabas ng silid na iyon para sana umuwi na, napahinto ako. Biglang bumukas ang pintuan sa katabi nitong silid. Naglakad ako papalapit dito. May isang bagay na kumikinang dito. Hindi ko ito makita dahil sa gabok na nakabalot dito kaya akin itong pinunasan. Nagulat ako noong makita ko kung ano ang numero ng silid na iyon.

“ROOM 147!” masaya kong sigaw.

Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad itong pinasok pero agad din akong napahinto.

Anong ginagawa rito? Wala naman akong makikita rito. Wala naman siya rito. Wala namang Luck sa silid na ito.

Umaasa ba ako na makikita ko siyang nakaupo sa kaniyang higaan habang kumakanta kasabay ng kaniyang paggigitara?

Muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Parang may kumirot sa puso ko noong makita ko mismo kung ano ang nasa silid na iyon.

Wala.

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon