𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟒

28 8 0
                                    

𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Nanghihina man ang aking katawan ay pinilit ko pa ring bumangon mula sa aking pagkakasalpak sa sahig. Nangingig ang aking mga laman sa tuwing ipipilit ko ang paglalakad pero hindi ako tumigil. Ilang araw na ba akong hindi nakakakain? Gutom na ako.

Ipinagpatuloy ko ang mabagal kong paglalakad patungo sa bintana ng aking silid. Nang makarating ako rito ay agad kong inabot ang upuan.

Idinukdok ko ang aking sarili sa upuang iyon saka tinitigan ang bintana. Hindi gaanong nakapapasok sa loob nito ang sinag ng araw dahil sa mga kahoy na nakaharang dito. Inilagay iyon ni Calister upang hindi ako makatakas. Makatwiran bang dahilan iyon? Sa taas ng palapag na ito, sa tingin niya ay makakatakas ako mula roon?

Hinawakan ko ang kahoy na nakapako rito. Ginamit ko lahat ng aking pwersa upang sumilip sa maliit na siwang na tanging paraan ko upang muling masilip ang mundo.

Muli kong nakita ang mundo sa labas. Nakita ko rito ang isang mayabong na puno na may kulay berdeng mga dahon. Mga tanawin na dati-rati kong nilalakaran at ginagalawan, ngayon ay hanggang paningin ko. Iyong mga gusaling dati kong naaakyat, tinititigan ko na lang. Iyong mga sasakyan sa kalsada, ngayon naririnig ko na lang.

Kumusta na kaya sina Mama at Papa? Hinahanap pa rin kaya nila ang kanilang Unica Hija? Hindi pa rin kaya nila ako sinusukuan? Sana naman hindi. Alam kong hindi. Iyong kapatid ko kaya'y naalala pang may ate siya? Nami-miss niya rin kaya ako? Iyong mga pasalubong ko?

Iyong mga kaibigan ko... Sinasabi kaya nila sa isip nila na sana nakinig na lang ako sa kanila? Na sana nilayuan ko si Calister.

Inilayo ko ang aking mukha mula sa bintana. Muli kong inayos ang aking upo, itinakip ko ang aking kamay sa aking mukha saka ako humikbi. Malalakas na iyak ang yumanig sa aking katawan, bawat isa ay dumadating na parang alon, at sa bawat hikbi ay ang aking hinanakit.

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢'𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰.

Sana pala ay pinakinggan ko na lang ang mga sinasabi ng tao sa paligid ko. Sana ay hindi ako nabulag sa kagwapuhan ng dimonyong iyon. Sana nakita ko iyong tama. Dapat hindi ko na pinipilit pa siyang tulungan.

𝙎𝙖𝙣𝙖...

“Umiiyak ka ba ulit?”

I, once more, heard a gravelly calm voice. Kahit pa napakakalmado ng boses niya ay nararamdaman ko pa rin ang kaniyang pag-aalala. Para siyang iyong nakababata kong kapatid sa tuwing makikita ako nitong nakasimangot.

Itinigil ko ang aking pag-iyak at sinimulang punasan ang tubig sa aking mukha. Ayokong naririnig niya ang mga iyak ko. Hindi ko gustong maramdaman niya na nawawalan na ako ng pag-asa. Sinubukan kong maglakad papunta sa aking higaan upang dito mamahinga.

“Yeah. Medyo nalulungkot lang...” matapat kong sagot kay Luck.

“May magagawa ba ako para mapasaya ka? Kahit konting saya lang?” mabuti niyang tanong. Napakabait niya talaga. Handang gawin ang lahat mapasaya lang ako.

Napangiti ako saka siya sinagot, “Marinig ko lang ang boses mo, nararamdaman ko na 'yung tuwa.”

Biglang tumahimik noong sinabi ko iyon. Did I say something wrong?

“Nakakakilig naman 'yon...”

Naramdaman kong uminit ang aking pisngi dahil sa kaniyang sinabi at sa ginawa niyang pagtawa. Shit! Ano bang pumasok sa isip ko at sinabi ko 'yon? Pero totoo naman kasi, iyong boses niya ang nagpapatibay sa akin.

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon