𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞

76 10 0
                                    

Isang hikbi ng babae ang gabi-gabing nanggigising sa akin. Sa kabilang pader ng silid ay ang mga nakakikilabot na ingay at sigawan. Tila ba isang babae ang pinarurusahan sa impyerno. Hinila ako ng aking kyuryosidad upang katukin ang pader. Tatlong katok na nagbukas ng isang pintuang ngayon ko lang nakita.

Kada tao ay may isang susi at dalawang pinto; isang dapat mabuksan, isang dapat hindi. Susi mo... desisyon mo.

***

Si Luck ay nagising mula sa kaniyang mahimbing na tulog dahil sa mga nakakikilabot na tunog. Narinig niyang nagmumula ito sa katabi niyang silid. Sa pagkatok niya sa puting pader ay binuksan niya ang pintuan upang makilala niya ang isang babae. Ang babaeng matagal nang nakabilango sa silid na iyon.

Naging pursigido si Luck upang tulungan ang babaeng iyon na maging malaya. Makakamit kaya nilang dalawa ang kanilang goal na buksan ang nga tamang pintuan?

We all have two doors but only one key. Your key, your choice.

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon