𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅
TULONG! muli akong sumigaw nang kay lakas. Huling pag-asa ko 'to dahil kung hindi, paniguradong tatapusin na ako ni Calister.
Agad niya namang kinuhang muli ang kumot at itinali niya ulit ito sa aking leeg. Kinaladkad niya ako papunta sa kama at doon niya ipinagpatuloy ang pagsakal sa akin. Hindi ko magawang makahingi ng tulong pero nakita kong parang hinahampas nila ang pintuan.
Dapat pinalabas mo na lang ako, Calister. Bakit ayaw mo ba akong pakawalan?
Napatingala ako at nakita ko si Calister. Umaagos ang mga luha sa kaniyang mata habang sinasakal niya ako. Nabigla ako. Bakit siya ang lumuluha gayong ako ang kaniyang sinasakal? Hindi ba ito ang gusto niya? Ang mawala ako sa mundong 'to.
I'm sorry.
....
I'm sorry, okay. I didn't mean to, paghingi sa akin nga paumanhin ni Calister.
Isang student kasi ang binugbog niya. Kung hindi lang ako umawat ay baka hindi lang bangas sa mukha ang makuha nung lalaking iyon. Napakalakas ba naman kasi ni Calister.
Sabi ko naman kasi sa 'yo na ayos lang ako. Hindi naman niya ako sinaktan! Napayuko na lang siya at nagmistulang tuta na kinagagalitan matapos ko siyang sigawan. Dapat pinalagpas mo na lang! Hindi mo na dapat siya sununtok!
Bakit gano'n? Bakit parang ako pa 'yung masama? Sino bang may sabing pwede ka niyang sipulan? Bakit? Bakit parang ako pa 'yung mali?!
Bigla niya akong bingga saka siya naglakad papalayo sa akin nang hindi ako tinitingnan.
Bakit nga ba? Hindi niya naman kasalanan ang lahat. Iyong lalaki naman talaga ang may gawa. Siya iyong kanina pa ako sinisipulan at tinitingnan ng malagkit. Bakit kay Calister ako nagagalit e tinulungan niya lang naman ako.
Mali ako! Dapat thankful pa ako na tinulungan niya ako!
Agad ko siyang hinabol. Tinawag ko siya sa pangalan niya ngunit hindi siya humihinto. Niyakap ko siya mula sa likod niya kaya napatigil siya sa paglalakad. Naramdaman ko na parang umiiyak siya.
Sorry, Calister. Nainis lang siguro ako ro'n—
Nagulat na lang ako noong tabigin niya ako gamit ang kaniyang siko. Na out of balance ako at napatumba sa sahig. Halatang nagulat din siya sa nagawa niya. Npaharap siya at agad na umupo papunta sa akin. Kita sa mata niya ang pag-aalala at kita rin dito ang mga luha.
I'm sorry, I didn't mean to!
...
I'm sorry... Napaluha na lang ako noong makita kong muli ang mukha na iyon na Calister.
Bakit siya nagso-sorry? Para saan?
The fuck am I sorry about? Haha! Biglang nagbago ang kaniyang histura. Bigla na lang siyang tumawa habang ako ay hirap na hirap na sa paghinga. Mas lalo niya itong hinigpitan.
Sinubukan kong tumingin sa aking gilid. Pilit kong inaabot ang ilalim ng higaan ngunit hindi ko ito maabot. Kaunting saglit na lang at alam kong hindi ko na kaya. Mamatay ako! Muli kong sinubukang abutin ang ilalim ng kama at sa wakas ay nakapa ko rito ang isang bagay.
Agad kong kinuha ang idinikit kong bubog ng basag na plato mula roon sa pagwawala ni Calister. Iwinasiway ko ito sa aking ulunan kahit hindi ko kita si Calister pero mukhang natamaan ko naman siya sa kaniyang paa dahil sumigaw siya nang napakalakas at ako'y muli niyang nabitawan.
Pang-ilang beses niya na ba akong muntik-muntikang mapatay?
Nang makita ko siyang nagsisigaw dahil sa sakit ng dumurugo niyang paa ay agad kong inihulog ang aking sarili mula sa kama.
BINABASA MO ANG
Room 147
Mystery / ThrillerLuck woke up from his deep sleep due to some startling sounds. He heard it coming from the room next to him. As he knocked on the white wall, he opened the door that would lead him to a one young lady. The lady had been locked up in that room for su...