𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟏𝟑

19 6 2
                                    

𝙷𝚊𝚣𝚎𝚕'𝚜 𝙿𝙾𝚅

“DON'T LEAVE ME!”

Agad kong inalis sa aking isipan ang alaalang iyon. Hindi na rapat ako magpadala rito, hindi ba? Ito ang tama.

Ipinagpatuloy ko ang paggapang ko patungo sa pinto. Unting-onti na lang at maaabot ko na ang pintuan. Ilang gapang na lang. Muli akong napatingin kay Calister na iika-ikang naglalakad papalapit sa akin. Nasa kamay niya na iyong bubog na kanina'y nakatarak sa kaniyang paa.

Hindi pwede! Sige pa! Malapit na!

Nadama na ng aking kamay ang door knob. Sinubukan kong hilahin ang aking sarili upang buksan ang pinto.

Sa Calister ay sobrang lapit na rin sa akin. Puno na ng dugo ang sahig ng aming silid dahil sa kaniyang paa.

Nang makapa ko ang malamig na bakal sa pinto ay agad ko itong pinihit. Napangiti ako noong magbukas ito.

Nakita ko ang mga tao sa labas at nakita rin nila ako. Halata sa mukha nila ang gulat at takot dahil para bang napako sila sa kanilang kinatatayuan.

“Please. Tulungan niyo ako!” nangingiyak kong hiling sa kanila.

Sa wakas ay ligtas na ako—

“I SAID—” Napatingin ako sa aking likuran at ganoon na lang ang aking kilabot noong makita kong nakaamba na sa aking ulo ang bubog na hawak niya. Parang bumagal ang oras. Wala akong ibang nagawa kun'di ang ipikit ang aking mata.

Palpak nga ako.

Pasensya na, baby. Hindi mo na masisilayan ang mundong ito. Pasensya na dahil hindi ko matutupad ang pangako kong ilalabas pa kita sa silid na ito. Kaunting gapang na lang sana, nailabas na kita. At least hindi ka lalaki sa loob nito. Magkakasama pa rin naman tayo, 'di ba, baby?

Pasensya na rin, Luck. I failed you. Thank you for everything. Hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo para sa akin.

Mabagal kong idinilat ang aking mata. Tanggap ko na ang aking kapalaran, ang mamatay sa kamay ng demonyong iyon.

“AHH!”

Nanlaki ang aking mga mata noong may nakita akong isang lalaki sa aking harap. Naka-cap at mask siya na itim. Nakapaibabaw siya sa akin at sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakatingin lang sa akin ang mata niya. Hindi ko makita ang mukha niya pero alam kong isa siyang delivery man.

Lumapit siya sa aking mukha—sa aking tenga. May ibinulong siya rito ngunit hindi ko ito narinig nang maayos dahil sa nabingi ang taingang ito noong sampalin ako ni Calister.

Napaigtad na lang ako noong sumigaw ulit siya ng dahil sa sakit.

“TAKBO!”

Sinunod ko ang sigaw niya. Agad kong ginamit ang lakas ko upang lumabas sa silid na iyon. Mabilis akong tinulungan noong mga delivery man sa labas. Napaiyak na lang ako dahil sa saya. Pakiramdam ko ay ligtas na ako. Nakita ko na rin sa may dulo ng hall ang mga pulis. Papalapit na sila sa amin.

Malaya na ako, Luck. Nakalabas ako!

Muli akong napatingin sa silid na aking pinagmulan. Sa silid kung saan nakatira ang isang demonyo.

Nabigla ako noong makita ko ang delivery man na nakaitim na sumbrero't mask. Puno siya ng dugo mula sa kaniyang likod. Napasinghap ako sa hangin noong makita kong nakatarak sa likod niya iyong bubog.

Sinalag niya ba iyon saksak kanina ni Calister?!

“SA LIKOD MO!” napasigaw na lang ako noong nakita kong papalapit sa kaniya si Calister.

“Ano bang ginagawa niyo?! Tulungan niyo siya!” Halatang nagulat iyong mga delivery man na may hawak sa akin dahil sa ginagawa kong pagsigaw. Hindi nila ako sinunod. Masyado pang malayo ang mga pulis para tulungan 'yung lalaki sa loob! Hindi sila aabot!

Muli akong napatingin sa silid. Ang bubog ay naiwan sa pintuan ng silid. Ang delivery man na tumulong sa akin ay nakahandusay na sa sahig habang sinasakal siya ni Calister.

No! No! No!

Hindi! Ayoko nang may madamay pang iba! Ayoko nang may mamatay pa nang dahil sa akin! Hindi ko na hahayaang mangyari 'yon!

Agad akong kumalas sa pagkakahawak sa aking ng mga delivery man. Dinampot ko ang bubog sa sahig at agad na tumakbo papalapit kina Calister. Hindi ako napansin ni Calister dahil busy siya sa pagsakal sa delivery man. Agad kong itinutok ang bubog sa kaniyang likod ngunit bigla akong napahinto noong makita ko ang imahe niya.

“I love you,” wika niya habang nakatingin sa akin ng malalim.

Ipinikit ko ang aking mata upang hindi na ako mabulag ng mga pekeng alaala na iyon.

“AHH!” Sigaw ko saka ko isinaksak sa likod ni Calister ang bubog. Ramdam na ramdam ko ang paglubog nito sa kaniyang balat. Tumalsik sa aking mukha ang maiinit at mapupula niyang dugo.

Bigla na lang akong nahilo. Biglang umikot ang buong paligid. Natumba na lang ako sa sahig at nakita kong natumba rin sa Calister sa harap ko. May mga dugong lumalabas sa kaniyang bibig. Naghihingalo na siya.

Sa huling pagkakataon ay muli kong nakita ang mga luha na pumapatak sa kaniyang mukha. Inabot ng dumudugo at nanginginig niyang kamay ang aking mukha. Akala ko'y sasaktan niya pa rin ako ngunit isang malamyang haplos ang ginawa niya sa aking pisngi. Tila ba pinunas niya ang aking mga luha.

“I'm sorry,” seryoso niyang saad habang nakangiting pilit sa akin. Patuloy lang sa pag-agos ang dugo sa kaniyang bibig.“I love you.”

Iyon ang huling salitang narinig ko bago tuluyang magdilim ang aking paningin.

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon