𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟐

38 7 0
                                    

𝙻𝚞𝚌𝚔'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang marinig ko ang mga kakaibang ingay mula sa kabilang silid. Parang ang bilis ng oras pero parang ang bagal din. Isipin mo 'yon, dalawang buwan na mula noong magsimula kaming mag-usap ng tao rito.

“Kumain ka na ba?” nag-aalala kong tanong sa babaeng nasa kabilang silid.

“Hindi pa. Pero okay lang. Hindi pa ako gutom... Sanay na ako,” pagsisinungaling niya.

Hindi ko alam kung ano ba ang problema ng lalaking gumagawa sa kaniya nito pero ang alam ko ay ugaling demonyo siya. Sinong matinong tao ang mangbubugbog sa isang tao at hindi man lang ito pag-iiwanan o bibigyan ng pagkain.

Ang sama ng ugali niya. Bakit hindi niya man lang iwanan ng pagkain 'yung tao? Wala ba siyang pero? Imposible. May condo pero walang pangbili ng pagkain? Balak niya sigurong gutumin ang kasama niya!

“Gusto mo bang dalahan kita diyan ng pagkain?”

Tila natawa siya dahil sa aking sinabi.

“Sige ba. Kung kaya mo.”

Hindi ako nakasagot sa kaniya. Alam ko namang hindi ko siya kayang dalhan ng pagkain pero kahit na. Gusto kong subukan. Ayoko naman magutom at manghina lang siya diyon.

Naiwan kaming tahimik nang ilang sandali. Sa tingin ko ay nakatulog na siya dahil sa pagod at gutom. Hinayaan ko siya. Nanatili lang akong nakahiga sa aking kama, iniintay na magsalita siyang muli.

Sa bawat pagtahimik niya ay ang kasayahan ko. Kasiyahan ko dahil magkagpapahinga na siya matapos ang napakahabang araw ngunit sa kabilang banda ay ang takot ko na baka isang araw ay hindi ko na muling marinig ang tinig niya. Pero hindi naman siguro 'di ba? Matatag siya e. Kailangan niya lang magpahinga. Mas matagal, mas mabuti.

“Gusto mo bang kantahan kita?” tanong ko makalipas makalipas ang isang oras.

Hindi siya sumagot.  Sa tingin ko ay tulog pa rin siya.

“Kantahan ulit kita, gusto mo?” muli kong tanong makalipas ang dalawang oras.

Hindi pa rin siya sumagot. Nag-alala na ako ngunit inisip ko na lang na baka napahimbing ang kaniyang tulog. Siguro ay pagod na pagod na talaga siya at kailangan niya lang magpahinga.

“Gusto mo bang kwentuhan kita?” tanong ko makalipas ang dalawang oras at kalahati mula noong tumahimik siya.

Muli akong sinagot ng katahimikan.

Biglang binalot ng kaba ang aking dibdib. Ayokong isipin na baka siya ay—

Hindi.

Alam kong hindi. Ano bang pumasok sa isip ko at iniisip ko iyon? Alam kong hindi iyon mangyayari aa kaniya. Sigurado ako. Pero... nakakakaba lang.

Umupo ako at agad na idinikit ang aking tainga sa pader upang pakinggan ang nangyayari sa kabila. Wala akong marinig na kahit ano. Napakatahimik. Kinatok ko ito ng tatlong beses.

Walang sumagot.

Wala akong marinig na kahit na ano.

Muli ko itong kinatok, mas malakas at mas mabilis. Nilalamon na ng kaba ang aking buong katawan noong wala talaga akong marinig na kahit ano dahil lagi naman kaagad siyang sumasagot. Lagi siyang nagbibigay ng senyales na ayos lang siya!

“H'wag mo naman akong biruin. Gusto mo bang kantahan kita?” Wala pa rin akong narinig na kahit ano. “Kwentuhan kita? O kaya ano... Ano... Ikaw na lang magkwento.”

Bigla akong nataranta. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil ngayon lang ito nangyari. Lagi niyang sinasabi sa akin na kantahan ko siya. Gusto niya na may nakakausap siya. Kung naririnig niya ako ay tiyak na sasagot siya at matutuwa pero bakit wala akong marinig na gano'n ngayon?

“Saglit lang. Dadalhan kita ng pagkain.”

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan pero agad akong nagtungo sa cabinet at kinuha ang mga pagkain dito. Pinili ko ang mga delatang alam kong mugugustuhan niya.

Hindi pa naman siya siguro—

“Saglit lang ha. A-Ano bang gusto mo?”

Hindi pa naman siya—

“Kapit ka lang. Kaya mo 'yan.”

Humihinga pa naman siya 'di ba?

Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko noong mabitawan ko at mahulog sa sahig ang isang lata ng pagkain.

Napatingin ako sa pader na may takot sa aking kamay. Nagsimulang manginig ang aking kamay at manglambot ang aking tuhod. Tumakbo ako papunta rito at muling inilagay ang aking tainga. Wala. Walang kahit na ano.

Naramdaman kong namasa ang aking mga mata.

“I'm sorry...” wika ko sa kaniya.

“Bakit ka naman nagso-sorry?”

Napatingala ako at napangiti dahil sa tinig na aking narinig.

“Anong kwento ba ang gusto mo?” muli niyang salita.

Nakahinga ako nang mapaya ng malaman kong siya ay buhay pa at humihinga. Pinunasan ko ang mga tubig sa aking mata at saka sumandal sa pader. Para akong nabunutan ng isang napakalaking tinik sa aking lalamunan. Buti na lang...

“Kahit ano... Iyong gusto at handa mo lang ikwento sa akin,” masaya kong sagot sa kaniya habang pinupunas ko paalis ang mga kuha sa aking mata.

Naramdaman kong umayos siya ng upo at sumandal din sa pader na aking sinasandalan.

Huminga siya ng malalim bago ako tanunging muli, “Gusto mo bang malaman ang kwento ko at ng taong kasama ko sa silid na ito?”

Nagulat ako dahil sa kaniyang tanong.

Sa loob ng dalawang buwan na pag-uusap namin ay hindi ko siya tinanong ukol sa personal na buhay niya. Hindi ko tinatanong kung sino siya, kung sino ang lalaking iyon at kung ano ang nangyari.

Ayokong magtanong ng mga bagay na hindi ko sigurado kung kaya niya bang sagutin. Mga bagay na hindi ko alam kung komportable ba siya o hindi. Gusto ko lang iparamdam sa kaniya na may kasama siya. Kahit hindi ko siya makilala ng lubos basta sasamahan ko siya. Kaya lubos akong nagulat noong itanong niya iyon.

“Sigurado ka?” tanong ko.

“Oo naman.”

Muli siyang huminga ng malalim bago niya simulan ang isang madilim na kwentong kahit na sino ay tiyak na hindi gugustohing maranasan. Isang nakakikilabot na storyang dinanas niya na sino man ay hindi nanaising maranas.

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon