𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟓

24 7 0
                                    

𝙻𝚞𝚌𝚔'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Napakuom ang aking kamay at nanginig ang aking panga matapos kong marining ang kwento ni Hazel.

Hindi niya deserve lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon. She was just trying to help that jerk! Gusto niyo lang na mabago siya at maging better. Bakit ganito iginanti ng Calister na iyon sa kaniya? Bakit si Hazel pa ang napili niya? Nakakainis!

Kahit wala kaming physical interaction ni Hazel, kahit 'di ko siya nakakasama, alam kong malaki ang puso niyo. Isa siyang mabuting tao. Nararamdaman kong hindi siya gumagawa ng bagay na ikasasakit ng iba. Sa tingin ko nga'y kalagayan lagi ng iba ang kaniyang inuuna. Kaya paano nagagawa sa kaniya iyon ni Calister? Nasaan ang konsensya niya? Siguro ay wala na dahil hindi na makatao ang pinaggagagawa niya kay Hazel.

“L-Luck...N...No. Kahit anong marinig m-mo. Huwag na huwag kang magpaparinig sa kaniya. Hindi niya pwedeng malaman na may... kausap akong iba.”

Kahit na sinasaktan siya. Kahit na ginugutom siya. Kahit na hinahalay siya. Wala siyang ibang iniisip kun'di ang kapakanan ng ibang tao.

Ayaw niyang sumingit ako kung may maririnig man ako. Kahit daw maririnig kong naghihingalo, h'wag pa rin. Wala naman akong magawa. She have her reasons kay sinunod ko na lang siya. Pero kapag talaga sumubra na sa sobra pa si Hazel, hindi na ako magdadalawang isip pa.

“Tama na!” sigaw niya na napupuno ng sakit at hapdi.

Mariin akong napakapit sa aking kumot noong muli kong marinig ang kaniyang mga sigaw at ang patuloy na pang-aalipusto sa kaniya ng walang hiyang lalaking 'yon.

It pisses me off.

Gusto kong sumigaw. Sa sobrang galit ko ay gusto kong sirain ang pader sa pagitan namin at umalis kasama si Hazel. Gusto kong iparamdam kay Calister ang sakit na pinaparanas na kay Hazel. Kung pwede lang ay agad akong papasok sa loob at saka ko siya yayakapin.

Pero wala akong magawa.

I'm so stupid.

I can't even think of a way para tulungan siya. Natatakot ako na baka kapag nalaman ni Calister na may nakakausap si Hazel, mas lalo niya itong saktan o mas malala—he might end her.

I can't risk her on this. Kaunting pasensya lang. Nangangako ako.

𝗜 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝘀𝗲𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗳𝗿𝗲𝗲.

—————


“Anong gusto mong gawin ngayon?” tanong ko kay Hazel.

Apat na buwan na mula nang magising ako nang mag-isa mula sa silid na ito.

“Dunno...” Alam kong nahihirapan na siya dahil sa wala na rin kaming ibang magawa kun'di ang mag-usap lang. Siya kaya ay nagsasawa na rin sa akin?

“Sorry.” Hinawakan ko ang pader. “I'm sorry I couldn't do any help. Pasensya na wala akong—”

“Talking to me is a big help.”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Damn. Ang stupid ko talaga. Bakit ko inisip na bored na siya sa akin? Wala na ata ako sa tamang pag-iisip.

Hindi ko na kaya. This girl is too innocent. Hinding-hindi niya dapat maranasan ang lahat ng ito.

Nagsimulang magluha ang aking mata at sumikip ang aking dibdib.

This feeling. Ayoko sa pakiramdam na ito. Alam kong naramdaman ko na ito at hindi ko 'to gusto. Parang bang naiinis ako sa aking sarili. Tumataas ang temperatura ko sa tuwing nararamdaman kong wala akong silbi.

Nasa tabi mo lang siya pero wala kang magawa.

Nakakainis. Iyong gusto mo siyang tulungan pero wala kang maibigay na iba pang tulong. Fuck! Hindi ko kaya, masyado na akong naaawa sa kaniya.

“No. Don't cry.” Mukhang narinig niya ang mahina kong pagsinghot. “Luck... Please don't. D-Don't pity me...” Rinig ko ang mga hikbi niya sa aking tabi.

Gusto ko siyang yakapin.  Maiparamdam sa kaniya ang init ng pagmamahal ang nais ko. Masyado siyang mabuti para hindi mahalin. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit gano'n ang turing sa kaniya ni Calister. Anong mali kay Hazel? Wala. Ang mali ay na kay Calister.

Muli sana akong hihingi ng paumanhin sa kaniya but she cutted me off, saying that there was nothing I should be sorry about. Na wala naman akong ginawang masama. Hindi naman daw ako ang may kasalanan kung bakit siya nakakulong sa silid na iyon.

Hindi naman ako humihingi ng paumanhin para doon. Ang akin lang, gusto ko siyang matulungan nang husto.

“Luck,” tawag niya sa pangalan ko.

“Hmm?”

“Do you think... I'm stupid?”

“What? No. Never,” nalilito kong tanong sa kaniya. “Why?”

Why would she even think that? Hindi naman siya stupid. Anong part sa kaniya ang stupid? Hindi ko makita.

“Nothing. Sa tingin ko lang if makakaharap ko ngayon mga kaibigan ko, sasabihan nila ako ng: Tanga mo e, sana nakinig ka na lang.”

Bakit?

Bakit parang sinisisi niya ang sarili niya?  Hindi dapat siya ang nag-iisip ng ganon. Sabi niya sa akin ay h'wag ko sisihin ang sarili ko pero bakit iyon ang ginagawa niya sa sarili niya? Wala rin naman siyang kasalanan.

“Hazel,” pagputol ko sa kaniya. “Hazel, alam mong hindi totoo 'yan. Hindi ko kilala mga kaibigan mo pero alam na alam kong hindi iyan ang sasabihin nila. Sa malamang baka sinisisi rin nila ang sarili nila dahil hindi ka nila pinigilan ng husto—which is hindi rin tama.”

Muli kong narinig ang mga hikbi niya ngunit hindi hikbi ng sakit. Para bang gumaan iyong pakiramdam niya. Sa tuwing mangyayari 'yon ay natutuwa rin ako. Para kasing kahit papaano e nagagawa ko na bigyang liwanag ang loob niya.

“Kung mayroon mang dapat sisihin dito... Iyon ay ang gagong lalaking iyon. Siya ang puno't dulo ng lahat kaya itigil mo na 'yan, Hazel. You should not blame someone's shit onto yourself.

—————


Time flies so fast. Isang linggo ang nakalipas. Muli kong kinakantahan si Hazel. Nakatutuwa lang na iyong mga kantang pinakakanta at pinatutugtog niya sa akin ay katulad noong mga kinakanta sa akin ng isang taong aking kakilala. Ewan ko pero same taste ata sila. Nakatutuwa lang. Dahil din doon sa mga 'yon ay mas lalo ko ring nakikilala ang aking sarili. Parang nabubuksan iyong mga pinto ng alalaala sa utak ko.

“Are you not tired of hearing my voice?” I curiously asked.

“Never. Kahit sa ibang universe, boses mo lang ang hahanapin ko. Boses mo lang ang magpapalambot sa puso ko.”

I was so touched.

She's just like someone I knew. Someone from my past that taught me a very... Very important lesson.

“Hazel...”

“Yeah?”

“Since narinig ko na story mo and you haven't asked anything in return... I think dapat ko ring ikwento side ko.”

Naramdaman kong umayos siya ng upo saka tumapat sa pader na para bang magkaharap lang kami. Mukhang matagal niya na rin akong gustong makilala nang husto pero hinihintay niya lang ako na mag-open up. Nakatutuwa lang malaman na interesado rin siya sa akin.

“Sure.”

I closed my eyes and heaved a deep sigh before speaking. Pinilit kong kolektahin ang mga memorya kong nagkalat sa isang mahamog na kabundukan. Pagsasamahin ko silang lahat upang masabi at maibahagi ito kay Hazel.

“There was this girl I knew... Not just a girl.” I smiled as my treasured sweet memories came flashing in my head. “My Lady.”

Room 147Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon