Take Me High

99.8K 2.5K 1K
                                    

BloodyCrayons
Take Me High
-----------------------------------------------------------------------------

Jake

"Pre, gising na." sabi ko habang niyuyugyog si Kyle. Ang weird nga eh. Hindi naman ako mantika kung matulog pero ito yung first time na tinanghali ako ng gising. Tapos yung iba ko pang kasama ganun din. Alam ko nakakapagod yung nangyari samin kahapon pero yung sabay sabay kaming tinanghali ng gising... Weird.

"Ang aga naman ata pre, anong oras na ba?"

"Anong maaga ka diyan, alas nuwebe na kaya. Gising na!" Ang normal na gising ko ay 5:00. Morning person ako eh. Kaya ang weird talaga. Tapos nung nagising pa ako, groggy yung pakiramdam ko at meron din yung parang amoy mabaho. Parang...

Sleeping gas.

My father is the tactical commander of Special Weapons And Tactics kaya familiar na sakin ang amoy ng sleeping gas. At sigurado ako na ang naamoy ko ay trace smell nito. Mukhang binomba kami kagabi. Kaso may isang malaking tanong na naiiwan sa utak ko.

Bakit walang nasaktan sa amin?

Kasi kung tinapunan nga talaga kami ng sleeping gas, isa lang ang posibleng may motibo na gumawa nun. Yung killer. At isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya kailangang bombahin kami ng sleeping gas. Para hindi kami makapanlaban kapag umatake na siya.

Pero bakit walang nasaktan samin?

At ano ang ibig sabihin ng sleeping gas? Bakit niya kami binomba kung hindi naman pala niya kami kakantiin? Warning ba 'to na masyado kaming defenseless? O gusto lang ipakita ng killer na kontrolado niya ang sitwasyon? Kung tutuosin, pwedeng pwede yung dalawa. Masyado nga kaming naïve, masyadong defenseless. Siguro kasi inisip namin na hindi agad agad pwedeng umaksyon ang killer.

Nang ginising namin yung mga kasama namin sa kwarto, napataunayan kong tama nga yung hinala ko. Lahat groggy. Sigurado na talaga ako na nasleeping gas kami. Pinakitaan ako dati ng dad ko ng footage ng epekto ng sleeping gas pati na kung ano ang itsura ng taong naexpose rito kapag gumising. At kahit ayaw kong tanggapin, parehas na parehas ang mga itsura ng kasama ko dun sa lalakeng nasa footage.

Kaya bumabalik ako dun sa una kong tanong. Bakit walang nasaktan samin?

Warning nga lang ba o show of power? Alam kong hindi fickle minded ang pumapatay samin. Lahat ng aksiyon niya ay parte ng isa pang mas malaking aksiyon.

Planado.

Alam ko ring matalino yung killer. Pero napagisipan ko kagabi na hindi yun yung pinaka delikado sa kanya. Meron pa dapat kaming pagingatan. Something na hindi mo aakalaing nakakamatay dahil most of the time, positive asset siya.

Magaling siyang mag adlib, mag adapt. He's very resourceful.

Kung isang killer lang na planado to the smallest detail ang kalaban namin, pwede naming sirain ang mga plano niya kung magbabago kami ng plano in the last minute. Do something insane and unexpected. Pero ramdam kong iba siya. May framework at strategy ang mga plano niya pero at the same time, flexible rin. Na kahit on the last minute, pwede niyang baguhin para sa ikabubuti niya.

Oo nga at nagplano siya ng mga bagay bagay bago pa man kami pumunta rito sa isla, pero maraming bagay din ang nangyari na hindi niya kayang ipredict.

Isa pang bagay na napansin ko ay kaya niyang imanipulate ang mga pangyayari. Kaya niyang magtago. Kaya niyang umakting. Tatlo ang suspects sa pagpatay kay Olivia. Si Kyle, Kenly at April. At alam ko rin na may pangapat. Si Marie.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon