BloodyCrayons
It Feels Really Empty At The Top
---------------------------------------------------Eunice
Strange...
Meron yung pakiramdam na malinis 'tong kwartong ito.
Alam kong magulo at makalat siya kasi naghalughog si Jerard dito pero meron talaga yung pakiramdam na wala kaming mahihita na kahit isang bagay.
Yung para bang tinanggal na nung killer yung mga importanteng ebidensiya. Kung ano man yung hinahanap at nahanap ni Jerard, nakuha na ito ng killer. And I just can't shake off the feeling na isang napaka importanteng bagay yun. Na dahil dun, nasolve ni Jerard ang mystery. Na nalaman niya kung sino ang killer.
Lumuhod ako at sinalat ko yung balat ni Jerard. Mainit init parin. Shit, kahit ayaw ko nagbago ulit yung deductions ko.
Judging from his temperature tsaka liquid parin yung dugong nakakalat sa kwarto malalaman mo agad na bago palang siya namatay. So makakapagformulate ako ng hypothesis na pinatay siya nung time span na naghiwa hiwalay kami.
Why?
The time that it takes for blood to coagulate.
Normally, blood clots in 15-20 minutes, in some cases naman pwedeng 10 minutes. Judging from the fact na nagmeet kami ulit sa sala after ten minutes or more tapos nagtalo pa kami ng mga ilang minuto and still hindi parin nanigas yung blood ni Jerard.
I just can't help thinking na isa sa aming anim ang killer. Pero meron parin akong pakiramdam na hindi siya isa samin. It's hard to explain. The situation that we are in is hard to explain.
"Guys, tignan niyo tong nakasulat o." Pukaw ni Kyle sa atensiyon ko.
"CRAB?" sabay sabay naming tanong. Ano ba ang ibig sabihin ng crab na yan? Acronym? Acrostic? Or yung talangka? Kung yung talangka, I can formulate a hypothesis.
I still remember na kahapon, may pangyayari regarding sa talangka. Humiyaw si Olivia, pinatay ni April at naawa si Marie. Kung ang gusto saming iparating ni Jerard na ang killer ay may kinalaman sa talangka kahapon. Ibig sabihin...
April Marie Olivia
Isa sa kanilang tatlo ang killer.
Pero wala akong supporting facts. Tsaka malay ko ba kung mali pala yung pagkakainterpret ko. For all I know baka acronym yan. At pag acronym nga yan, mas lalong hihirap idecode. It could mean lots of things, for example: Color Red At Blue.
Masyadong broad pati ako naguguluhan na.
"Ano kayang ibig sabihin niyan?" tanong ni April.
"Ewan ko! Pero mas mabuti pang umalis na tayo rito kasi wala narin tayong mahihita." Bingo. Mukhang may matalino parin naman pala sa grupo namin kasi may nakapansin din dun sa napansin ko kanina.
"Sangayon ako kay Kyle, mas mabuti pang dalhin nalang natin si Jerard sa basement at magusap usap tayo sa sala." Segunda naman ni Jake.
Humans are really amazing. Kung may isang adjective akong gagamitin samin ngayon, siguro resilient. Hindi na kami yung tulad kahapon o kanina na masyadong madaling madepress. Oo nga at nalulungkot parin kami at natatakot pero kaya na naming kontrolin ang mga nararamdaman ngayon. We are better, stronger.
à à Ã
Pagkatapos naming ihatid yung bangkay ni Jerard sa baba, umupo kami sa sala para magusap usap. Pangalawang araw palang ng pananatili namin dito sa isla at ni hindi pa nga nagtatanghali pero nabawasan na kami ng sobra sa kalahati. Kung gusto talaga naming magsurvive, we better stop and think things through. Masyado na kaming nadadala sa mga pangyayari. Yun nga lang, sana pagusapan namin 'to nang mahinahon. Kinakabahan kasi ako dahil kanina pa ako kinukutuban na may masamang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)
Mystery / ThrillerThe real you is the monster inside you.