A Ruleless Game

430K 6.9K 3.7K
                                    

Bloody Crayons
A Ruleless Game
-----------------------------------------------------------------------------------------------

 

John

Kung mayroong isang bagay na iniwan sakin ang yumaong lolo ko na natatandaan at naalala ko talaga, yung tipong may sense talaga, siguro yoon yung advice niya na ang buhay ay isang laro. Isang laro na walang definite rules. It's up to you on how you play the game. May punto naman siya eh. Nasa atin kung pano lalaruin itong ruleless game na 'to. May nakalimutan lang siyang idagdag. When playing a ruleless game, you are entitled to make your own rules.

Life is a game. A ruleless game. And what do we do with ruleless games? We play it with our own rules.

"Marie, malapit na ba tayo sa isla?" medyo naiinip na tanong ni Olivia. Napailing nalang ako nung narinig ko ang sinabi niya. Bakit ba hindi marunong makaintindi ang babaeng yan? Kita niya namang wala ni kahit isang pulo ang makita eh. Bakit ba kasi sa sobrang ruleless ng mundo na ito, pati common sense hindi pa naipakalat sa lahat ng tao?

"Don't worry Olivia. Mga ten minutes nalang at makakarating na tayo." Nakangiting sabi ni Marie. Sinabi ko na kanina. Life is a ruleless game and the only way to effectively play it is to play with your own rules. Lahat tayo players. Lahat tayo kasali. Marie is no exemption. And we all have our own playing style. At mukhang ang napili niyang paraan para laruin itong ruleless game na ito ay sa pagiging sobrang mabait sa ibang tao.  Halos lahat na nga kami sa barkada badtrip na badtrip diyan sa Olivia na yan tapos heto siya, nagpapakabait parin sa kanya. Ewan ko lang talaga kung may saanghel siya o magaling lang talaga siyang makipagplastikan.

"Mga ten minutes? Cut the BS Marie. Ni wala nga akong makita kahit isang isla tapos sasabihan mo ako ng mga ten minutes?" Nakakunot noong tanong ni Olivia. "Tell me, how is that even possible?"

Lalayuan ko na sana sila kasi naririndi na talaga ako sa boses ni Olivia kaso narinig ko yung boses na memoryadong memoryado ko na ang tono. That made me stop. "I find it amusing na kailangan mo pang itanong kung gaano pa katagal ang biyahe kung nakikita mo namang wala pang islang nagpapakita. And I find it even more amusing that you asked her a question but you didn't believe in her answer. Tell me Olivia, dense ka lang ba o talagang tanga ka?" I turned my head and saw a girl staring intensely at Olivia. Maliit lang siya. Barely five feet pero kung ano ang ikinaliit niya, binabawi niya naman sa taas ng lebel ng pagiisip niya. Siya yung patunay na kapag kulot daw ang isang tao, mas malaki raw yung tsansa na maging matalino ito.

Nung nakita kong medyo malapit ng ma stress si Marie, lumapit na ako sa kanila at niyakap siya mula sa likuran. "Woah! Chill ka lang babe. Wala rin lang naman tayong mahihita kung magaaway pa kayo ni Olivia." Di naman kasi tago na hindi talaga gusto ni Eunice si Olivia. Hindi lang naman si Olivia eh. Sabi ko nga halos lahat kami. Maiksi lang talaga ang pisi ni Eunice sa mga taong tanga kung magtanong. Mga taong walang common sense. Minsan nga sinabi niya sakin na curse daw ang pagkakaroon ng common sense kasi kailangan mong magtiis sa mga taong hindi nabiyayaan nito. "And Olivia, maghintay ka nalang kasi. Have some patience."

"At sinong nagbigay ng karapatan sayo na tawagin akong tanga Eunice?" Naiiritang sabi niya. Mainit narin yung tingin niya kay Eunice. Para silang mga bundok na gustong magumpugan. "Tsaka hello John? Are you forgetting na pinaggagagago tayo ni Marie? Ten minutes? Mga sampung minuto nalang? Oh please!" Sasagot pa sana pabalik si Eunice kaso pinigilan ko siya. I don't want to continue this bullshit anymore.

"Olivia, stop being a bitch pwede? Sana hindi ka nalang sumama. Kaunti nalang talaga makakatikim ka na." Nanggigigil na sabi ng isang lalake. Base sa pinanggalingan ng boses, nasa likuran ko siya. Si Justin. The boyfriend to the rescue. Di ko rin masisisi si Justin kung naasar na siya. Ako nga rin nagtitimpi kanina pa eh. Kung ibibitch talk niya rin si Eunice, di ko lang talaga sure kung makapagpigil pa ako. Kung di lang talaga masamang pumatay ng tao eh. Sarap ipatapon sa dagat.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon