Bloody Crayons
The Hell Inside
--------------------------------------------------------Kyle
"Nasa attic si Kyamii." Attic? Onga no, ang TACIT pag rinearrange mo yung mga letter magiging ATTIC. Pagdating sa logic, patterns and numbers magaling talaga si Jake.
"Attic? Sigurado ka diyan Jake?"
"Wag. Wag kayong pumunta." Narinig kong sabi ni Eunice. Oh come on, bakit nanaman ba ganito ang ugali ni Eunice? Parang yung ugali niya lang kahapon. Mabilis ba talagang mapressure yang babaeng yan?
"Wag kayong pumunta." Paguulit ni Eunice sa sinabi niya.
"Pwede ba Eunice, four minutes nalang ang natitira. Kung ayaw mo, ako nalang ang pupunta." Asar na sabi ni Jerard. "Marie nasaan ang attic?"
"Wag kayong pumunta." Ulit parin ni Eunice. "Baka patibong yan. Baka lahat tayo mamatay."
Patibong. What are the chances na may patibong sa taas? Kung tutuusin, malaki. Pero dapat ba talaga kaming maniwala kay Eunice?
Dapat ba naming isakripisyo ang buhay ni Kyamii para maligtas kami? O baka naman siya ang pumapatay? Hindi eh. Malabo. Kung totoo nga ang sinabi nilang hindi siya umalis dun sa game nila ng scrabble, air tight ang alibi niya. Walang butas at inosente siya.
Pano kung may ginawa siyang trick? Yung trick na sobrang hirap imaginin kaya hindi siya mapapagsuspetyahan?
Nagpatuloy pa sa pagdidiskusyon ang dalawa hanggang sa bumigay si Marie at tumakbo papuntang attic. At all this time, hindi tumigil sa pagdadada si Eunice na may patibong daw.
Alam kong apektado siya sa pagkamatay ni John kaya siya nagkakaganito. Pero kahit na parang nababaliw na siya, nararamdaman kong may sense parin ang mga sinasabi niya. Parang bait si Kyamii para papuntahin kami sa isang patibong. Para kaming mga daga na lumalapit sa isang pusa.
Kaso habang salita siya nang salita tungkol sa trap, may biglang pumasok sa isipan ko. Parang may napansin akong kakaiba sa inaakto niya. Parang gusto niya kaming idelay. Parang ayaw niya talagang makarating kami sa attic bago ang time limit.
Baka hindi niya na namamalayan na naging innermost wish niya na ang mamatay kaming lahat. It's just a feeling, pero I usually follow my instincts.
"Hindi niyo alam ang pinapasok niyo! May trap diyan sa loob!"
Habang napuntahan na namin ang pintuan ng Attic, tinignan ko yung oras dun sa orasan na nakasabit sa may pader.
9:44 Shit. Halos isang minuto nalang.
"May trap sa loob niyan!"
"Nakalock!"
"Pwersahin natin."
Habang patagal ng patagal, nauubos yung isang minuto. Nakailang balibag na kami sa pinto pero ayaw paring bumukas. Napamura nanaman ako. Ang daya ng killer. Bakit niya pa kasi inilock ang pinto?
Isang buwelta pa at sa wakas bumukas narin yung pintuan. Kaso nung tinignan ko yung orasan, napuno ako ng kaba. Halos wala ng sampung segundo ang natitira.
Madilim yung attic pero dahil nakabukas yung malaking bintana sa dulo, para naring may ilaw na nakasindi. Maalikabok yung sahig at may isang pares ng mga footprint ang nakabakat dito. Papunta at pabalik. Markang iniwan ng killer? Kung ganun nga, ibig sabihin pwede naming malaman kung sino ang killer gamit yung pattern dun sa swelas ng sapatos.
9, 10, 11, 12, 13, 14. Fourteen na pares ng hakbang. Para talagang ginagago niya kami. Nakakainit lang ng ulo kung titignan mo yung distance in between ng mga footprint na iniwan niya. Normal lang yung mga ginawang hakbang ng killer. Gusto niya bang iparating samin na hindi siya natatakot o nagmamadali noong nilagay niya si Kyamii rito sa attic?
BINABASA MO ANG
Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)
Mystery / ThrillerThe real you is the monster inside you.