BloodyCrayons
You Understood Me When Nobody Couldn't
----------------------------------------------------------------Marie
Shit! Napamura ako nang maramdaman ko ang pagsaksak ng kutsilyo sa balikat ko. I miscalculated. Hindi ko inakalang aatakehin niya agad ako pagpasok na pagpasok ko sa attic.
Napaatras ako sa gulat habang hawak hawak ang braso ko para maampat ang pagdurugo. Kahit na sobrang sakit at hapdi na ang nararanasan ko dahil sa sugat, hindi ako gumawa ng ingay. Hinding hindi ako gagawa ng ingay. It's up to me to protect the killer. That's the least that I can do to thank my savior.
Nakakatawa nga eh. Hindi ko inakalang mapupunta ako sa sitwasyong ito. Hindi ko inakalang madedehado ako. Hindi ko inakalang hindi ko makakamit yung paghihiganti na inaasam ko gamit ang sarili kong mga kamay.
Inisip ko na ako ang magkokontrol ng mga pangyayari. Inakala ko na ako ang maghahawak ng mga magaganap sa isla. I imagined myself to be the scriptwriter.
Kaso minsan kasi makakahanap ka ng isang taong mas magaling sayo. At wala kang ibang magagawa kundi tumahimik na lang at panuorin siya. Na hayaan siya dahil di hamak na mas maganda ang plano niya kaysa sayo.
Dinala ko ang mga kasama ko rito sa isla para patayin sila. Pero in the end, wala man lang ako napatay kahit isa. Hanggang supporting role lang pala talaga ako sa kwento naming magkakaibigan.
Kwentong isinulat ko na itinuloy ng iba.
Masyadong madilim.
Masyadong madilim ngayon dito sa attic. At ang masama pa, nakaputi ako. Isa akong exposed target. Madaling makita, madaling atakehin. Madaling patayin. Na hindi naman talaga importante. Alam ko naman na ang mangyayari sakin simula ng sinaksak niya ako. Tapos na ang role ko.
Hindi naman talaga ako nagtagal doon sa kwarto kasama si Olivia. Iniwan ko kaagad siya. Simpleng aspirin lang yung pinainom ko sa kanya nung mga panahong yun. Palusot lang lahat yun para makawala ako sa nakakasulasok na 'pagkakaibigan' nila.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na may mamatay agad nung gabing yun. Balak ko lang silang takutin. Balak ko lang silang sindakin. Kaya ko nga sinira yung telepono at pinutol yung tali ng speedboat eh.
Yun lang dapat yung nangyari nung gabing yun. Yun lang dapat ang nangyari kagabi. Pero meron pa palang isang taong nagbabalak ng masama katulad ko.
At mas magaling siya.
Di hamak na mas magaling siya. Ni hindi ko nga naisip na maglaro ng death game. Balak ko lang silang sindakin. Na takutin. Ang tanging exciting lang siguro na naisip ko ay yung dagdagan yung nakaukit kong pangalan ng That's me :)
Kung sino man ang makakakita nun malalaman agad na ako ang pumapatay. Pero siyempre ang inisip ko, chance lang na makita nila yun. At kung may makakita man, alam ko namang hindi nila basta basta magegets yun. Maliban nalang kung matalino ang makakakita.
Kung ako sana ang naging killer at hindi siya. Baka matagal na akong nahuli. Pero ang isang to, iba siya. Di hamak na mas pinagisipan niya ng mabuti ang gagawin niya. At parehas lang kami ng gustong mangyari.
Ang mamatay kaming lahat dito sa isla.
Sa umpisa nagalit ako. Naasar ako sa sarili ko. Naasar ako sa katangahan ko. Dahil sa kabobohan ko, naagaw sa akin ang titulo bilang isang killer. Sobrang laki ng poot na nararamdaman ko noon. Alam kong naramdaman ni Kenly na gusto kong pumatay kagabi. At alam kong natakot siya sakin.
BINABASA MO ANG
Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)
Mystery / ThrillerThe real you is the monster inside you.