Show Me That Dazzling Smile

87.2K 2.4K 1.2K
                                    

BloodyCrayons
Show Me That Dazzling Smile
-------------------------------------------------

Jake

"Guys, we have a problem." Napatigil kaming lahat nang narinig namin si Eunice na nagsalita. "Nawawala yung bangkay ni Olivia."

Nawawala ang bangkay ni Olivia. Kung titignan natin ang sitwasyon logically, may dalawang papasok na idea sa utak ng mga kasama ko.

Una, tinago ng killer ang bangkay. Balak niyang gawing panggulo o kaya naman ay isa nanamang laro na kailangan naming laruin.

Pangalawa, si Olivia ang killer at nagpanggap siyang patay na para mas magkaroon siya ng free access at oportunidad na gawin ang pagpatay samin.

Kung yoong una ang pagtutuunan natin ng pansin, masasabi nating malaki nga ang tsansa na ito nga talaga ang nangyari. Mas walang komplikasyon, mas kakaunti ang effort na nagamit. Kungbaga, napakaconvenient nito sa killer dahil wala siya halos gagawin kundi damputin at buhatin ang bangkay ni Olivia.

At itago ito sa kung saan.

Pero ganyan nga ba ang gawain ng killer? Base sa analysis ko sa kung ano ang pattern ng mga movements niya, mas pinapanigan niya ang mga tricky circumstances. Yung kailangan naming magisip kung pano ang ganito at ganyan. Yung parang nangyari kay Kyamii.

Granted na madali lang ang puzzle. Pero nastall niya parin kami to the point na hindi na namin nailigtas si Kyamii.

Pero hindi ba't isa naring trick ito? Kasi ngayon, pinagiisip niya kami kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng nawawalang bangkay ni Olivia.

"Pano nangyari yon? Sino ang may gawa?" nagugulumihanang tanong ni April.

"Gawain ito ng killer. Kinuha niya ang bangkay ni Olivia at tinago niya ito sa kung saan para isipin nating si Olivia ang killer." takot na sabi ni Marie.

"I agree with Marie. Isa nanaman to sa mga mind games ng killer. Ginagawa niya ito para mas malito tayo." Segunda ni Kenly.

Out of habit, tinabulate ko ang mga idea nila. Kenly at Marie, sa idea number one. 2 out of 6.

"Sangayon din ako sa sinabi mo Marie, plano lang lahat ito ng killer para malito tayo." Pahabol na sabi ni Kyle. 3 out of 6.

Kung tutuusin, hindi ako kasali sa allocation ng stats dahil yung dalawa ang naisip ko kaya 3 out 5 ang standing. Majority. Kung titignan mo ngayon ang percentage ng possibility na makapagisip isip si April, masasabi nating nasa 30% lang ang tsansa dahil nalilito siya. 3 out of 4.

Kung tama ang hula ko, si Eunice ay nasa idea number 2. Si Olivia ang killer.

Pero sabi ko nga, maraming inconsistencies ang ideyang ito. Maraming bagay na kulang. Maraming bagay na kailangang isipin kung paano naisagawa ng killer, ni Olivia, na magpanggap na patay na siya. Pero sabi ko nga, ayon sa data, nasa character ng killer ang pagiging tricky.

"Marie, pano mo nasabing tinago lang ng killer ang bangkay?" nakangiting tanong ni Eunice. Uh-oh, kapag ganyan ang itsura niya...

"Simple. Kung talagang si Olivia nga ang pumapatay at nagpanggap lang siyang patay na, pano niya nagawang pekein ang mga sugat niya. Tsaka pano niya nagawang pekein ang pagkakatarak ng crayon sa noo niya?"

"O-oo nga. Pano niya nagawa yun? Parang napakaimposible naman ata nun." tama nga yung sabi ko. 30% lang ang tsansang makapagisip si April ng idea ngayon. Litong lito siya, posibleng katulad ko siyang dalawa ang iniisip. Pero ang kaibahan, ang chances para sa kanya na yoon nga ang nangyari ay fifty fifty.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon