Back To Where We Started

80.3K 2.3K 1K
                                    

BloodyCrayons
Back To Where We Started
-------------------------------------------------

Jake

"Wait." Pigil samin ni Kenly nung aalis na sana kami. "Para mas madali maghiwa hiwalay nalang tayo."

"Nope. I don't think that's a great idea." Pigil rin samin ni Marie nung maghihiwa hiwalay na kami. "Delikado kung maghihiwa hiwalay tayo. Mas madali tayong mapupuntirya ng killer. I think we should stick together and search as a group."

"Tama si Marie, malaki parin ang possibility na isa sa ating anim ang killer. So delikado ang paghihiwa hiwalay." Segunda naman ni Eunice.

"Maybe. But think about this, kunwari nga na hindi isa satin yung killer. At kunwaring nasa panganib na si Jerard, hindi ba mas malaki ang tsansa na mahanap at mailigtas natin siya kung maghihiwa hiwalay tayo?" kontra naman ni April.

"Yun nga rin yung gusto kong sabihin. Mas madali nating mahahanap si Jerard pag naghiwa hiwalay tayo. Tsaka bakit ba tayo nagtatalo talo dito? Nagsasayang lang tayo ng oras." Nagmamadaling sabi ni Kenly.

Ano nga ba ang susundin namin? Kung tutuusin tama yung sinasabi ni Eunice at Marie. Pero hindi ko rin pwedeng sabihing mali si Kenly at April.

Delikado nga kung maghihiwalay kami pero kung totoo nga yung sinabi ni April na baka nasa panganib yung buhay ni Jerard, dapat maghiwa hiwalay talaga kami.

"Nope, stay put. Wag tayong padalos dalos. Siguradong plinano ng killer ang mga pangyayari kaya magingat tayo." Plinano nga ba? Minsan ang pakiramdam ko inooveranalyze namin yung mga simpleng gawain ng killer. Yung kahit konting pangyayari iniisip na namin na plinano ng killer ang ganito at ganyan.

Sa math, delikado ang pagooveranalyze sa isang problem. Minsan kasi nakuha mo na yung sagot pero di ka sigurado kaya uulitin mo uli. Tapos kapag naman napalabas mo yung isang answer gamit ang isang formula na sigurado ka, yun at yun ang ilalagay mong sagot. Most of the time kasi kapag hindi ka naman talaga ganoon kagaling sa math, yung tamang sagot pala ay yung sagot na hindi ka sure.

Parang ganon din ang nangyayari samin ngayon.

Hindi kami ganon kagaling sa pagsosolve ng mysteries. Sa umpisa meron kaming mga suspetsa pero habang tumatagal napapalitan kasi may mga ebidensiyang siguradong tumutukoy at nagtuturo sa kanya.

Ano nga ba talaga? Ito ang mahirap kapag hindi math ang sinasagot ko eh. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. At kung di ba naman talaga nananadya, probability ang pinakamababa sa number abilities ko.

"Nope, kailangan na nating magdesisyon ngayon Eunice. Habang tumatagal, mas lalong nanganganib ang buhay ni Jerard." Pilit ni Kenly.

"Ni hindi pa nga tayo sigurado na delikado ang buhay ni Jerard eh." Pigil ulit ni Eunice.

"Guys, sa tingin ko kailangan talaga nating maghiwalay. Ang priority natin ay ang wag tayong maubos kaya dapat nating iligtas si Jerard. Dun ako sa maghihiwa hiwalay tayo."

"Sang ayon ako kay Kyle. Pipito nalang tayo kaya dapat tayong maghiwa hiwalay." Ayaw ko nang magisip pa. Basta dun nalang ako sa tingin ko ay tama, at sa tingin ko, dapat kaming maghiwa hiwalay.

"No! Wag tayong maghiwa hiwalay. Alam niyo naman siguro yung saying na united we stand, divided we fall! Wag kayong padalos dalos." Pinagpipilitan parin ni Eunice yung una niyang desisyon.

"Nope. We split. Outnumbered kayo sa botohan Eunice. Give up." Patapos na sabi ni April.

"No! Hindi niyo alam! Ahhhh! Whatever!" Frustrated na sabi ni Eunice. Habang tinitignan ko siya, ewan ko pero parang gusto kong bawiin yung desisyon kong maghiwa hiwalay kami. Kasi nung huling winarningan kami ni Eunice na may trap, nagkatotoo. "Bahala kayo kung ano ang gusto niyo. Basta pag may narinig kayong sumigaw, dapat puntahan niyo agad."

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon