Since marami pa rin talaga ang team EunLy kahit na pinatay ko na ang dalawa, I decided to make a crossover chapter kung saan ieexplain ni Sora kung ano nga ba talaga ang nangyari sa attraction between Eunice and Kenly.
BC Special #5
It Wasn't Technically Love
----------------------------------------------------Sora
"Ang bilis nung mga pangyayari. Basta naramdaman ko nalang na may nagbuhat sakin paalis sa basement. Habang unti unting nagaadjust yung mga mata ko nakita ko kung sino yung nagbubuhat sakin.Si Kenly.
I don't understand. Pagkatapos nung mga pinagsasasabi ko sa kanya kanina nandirito parin siya para tulungan ako.
I just can't understand.
Diba dapat galit siya ngayon sakin? Pero bakit niya ako tinutulungan?
"Put me down." Mahina kong sabi sa kanya pero para siyang walang narinig. Sinubukan kong ulitin yung sinabi ko, this time medyo malakas. "I said put me down!"
"Shut up." Yun lang yung sinabi niya pero napatigil ako. For the first time merong isang taong nakapagpatigil sakin. May isang taong nakabara sakin.
Pero bakit parang hindi ako tumututol? Bakit parang mas gusto kong magpatuloy itong piggy back ride ko sa likod niya? Don't tell me...
Attracted ako sa kanya.
No. It can't be. Not this fast."
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang mga nakasulat sa itaas. Kanina ko pa binabasa itong diary na nakita ko sa isang sulok ng library namin. Kaso, medyo nagdududa na ako kung diary nga ba talaga 'to. Masyadong masalinuot ang buhay nang nagsulat kaya parang hindi totoo.
Binalik kong muli ang tingin ko sa ilalim ng pahina para basahin ang mga katagang nagpakunot ng noo ko.
'Attracted ako sa kanya. No. It can't be. Not this fast.'
Hindi talaga. That's not love. Speaking in psychological terms, what happened was just a misattribution of arousal.
In layman's terms, The Suspension Bridge Effect.
The suspension bridge effect happens kapag napagkamalan natin yung other emotions natin na sign of attraction and love.
Kumbaga, may isang babae ang pinipilit ang sarili tumawid sa isang suspension bridge. Sobra sobra na ang kaba niya dahil natatakot siyang baka mahulog. Nakakabingi na ang tibok ng kanyang puso at kanina pa nanginginig ang kamay niya.
Pagkalagpas niya sa tulay, makakakita siya ng isang tao. At nung nagtama yung tingin nila, mapapansin ng babae na ang bilis ng tibok ng puso niya. Na hindi siya makahinga ng matino.
Is this attraction? Is this love?
No. Just the suspension bridge effect.
Hindi nga kailangan ng tulay para gumana 'to e.
Kunin natin yung isa sa mga gasgas na na damoves na napapanood o nababasa natin as an example. Yung kokontratahin mo yung mga pinsan o kabarkada mo para tambangan yung crush mo. Tapos kapag malapit na siyang mawalan ng pagasa, mapapadaan ka at maiisipang ipagtanggol siya. Siyempre kaya mo silang lahat. Tapos pag nataboy mo na sila, magpapakilala ka.
Aside sa may utang na loob na sayo si crush, magkakaroon pa ng suspension bridge effect kung saan maaaring mapagkamalan ng taong iniligtas mo ang nararamdaman niya bilang attraction para sa'yo. Kasi halos parehas lang yung reaction ng katawan natin sa attraction at panganib. Yung interpretation lang ng utak natin sa sitwasyon ang nagsosort out kung ano ang dapat nating maramdaman.
At ganun nga ang nangyari kay Eunice. Imposible namang mainlove talaga siya kay Kenly. Kamamatay lang ni John.
Napapailing na lang ako habang pinagpapatuloy ang pagbabasa. Sana di mamatay si Eunice. Siya pa naman ang nakakarelate talaga ako ng sobra.
Eunice...
Teka-- Parang pamilyar sa akin 'tong personality ng babaeng to.
Wag mo sabihing...
[End]
P.S. Sora is a character from Pyre.
BINABASA MO ANG
Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)
Mystery / ThrillerThe real you is the monster inside you.