Let Your Demons Dance

85.9K 2.4K 496
                                    

BloodyCrayons
Let Your Demons Dance
---------------------------------------------------------------

Jerard

I was so close. Kaunti nalang eh. Ang lapit lapit ko na sa kanya. Kaunting galaw nalang, kaunting hakbang nalang at nailigtas ko na sana siya.

Sana.

Pero bakit ganon? Parang pinaglalaruan kami ng tadhana. Kung kailan nasa harap ko na siya saka pa siya mawawala?

Destiny's a bitch.

Sabi nila lahat tayo may kanya kanyang destiny. Lahat tayo may nakaplanong kwento. Wala kang magagawa para baguhin ito dahil yuon ang nakatakda. Bullshit.

Gusto kong lumaban. Gusto kong ipakita na hindi hawak ng tadhana ang lahat ng bagay. Gusto kong ipakita na hindi palaging nagwawagi ito. I want to prove that I can write my own destiny.

Pero wala eh. Wala rin akong nagawa. In the end, I'm just a cocky guy thinking big of himself. In the end I'm powerless. In the end, everything that I wanted to do was just an impossible dream.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko nanaman naprotektahan ang isa sa mga babaeng importante sa buhay ko. Déjà vu? Siguro.

"Shit. Kyamii! Wag kang mamatay please!" Minsan may panahon sa buhay natin na magtatanong tayo ng bakit ako? Bakit siya? Pwede namang iba. Siguro isa na ito sa mga panahon na yon.

Life was unfair with me. Life was also unfair with Kyamii. Pinanganak nga kami sa mayayamang pamilya pero hindi iyon sapat na rason para mangyari saming dalawa ang trahedya na dinanas namin.

We both saw our mothers die in front of us.

Kung pwede lang ibigay ang lahat ng ariarian namin ni Dad para lang maibalik ang oras. Ginawa na sana namin. Pero ganun talaga siguro ang kalakalan ng tadhana. Kung oras mo na, oras mo na. Kaso, ako dapat ang namatay hindi ang mom ko. Oras ko na dapat yun at hindi siya. Sana buhay pa siya ngayon at masaya kapiling ng Dad ko. Ako nalang sana ang namatay. Tutal wala naman talaga akong silbi.

"Kyamii, please! Lumaban ka. Lumaban ka." Saan ko na nga ba narinig yang katunog ng linyang yan? Biglang lumitaw yung imahe ng isang lalake na may hawak na duguang babae sa mga braso niya. Ahh, sa Dad ko nga pala. Ganyan din ang sinabi niya kay mommy nung nadatnan niya ito. At ako? Nanduon lang sa isang sulok at umiiyak. Walang nagawa. Walang kwenta. Walang silbi.

Bakit kung sino pa ang dapat manatili sa mundong ito, siya pa ang dapat mawala ng maaga? Life is so unfair. At nagiging unfair nanaman ulit ito ngayon. Ang dami nang mga hindi magandang pangyayari sa buhay ni Kyamii eh. Ang dami nang mga bagay na pinagdaanan niya. Her mother was killed in front of her. Killed by the same criminal that slaughtered my mother. Nakakatawa nga talaga ang mga paraang ginagamit ng tadhana. Dahil sa pagiimbistiga naming dalawa kaya kami nagkakilala.

Last year. Last year lang namin nasagot yung mystery kung sino ang pumatay sa kanila. Right at this same date. It was a hard case. Sampung taon ang inabot bago pa man nasolve ang kaso, at kung wala kami baka hindi na nasagot ito ng tuluyan. Minsan kailangan talaga ng mga pulis ng mga pakelamerong highschoolers para mas madaling masolve ang isang case.

"Jerard. Patingin ng tama ni Kyamii." Biglang naputol yung memoryang nagpaflashback sa utak ko ng marinig ko ang boses ni Eunice? Saan nga ba tinamaan si Kyamii? Sa tiyan? Biglang nawala yung bigat sa dibdib ko, may pagaasa pang mabuhay si Kyamii. She's a fighter, she can survive this.

"This is bad. Oh my god..." kung ano man ang gustong tukuyin ni Eunice, hindi ko maintindihan. "This is really bad."

"E-Eunice, anong ginagawa mo?" narinig kong sabi ni Marie. Kung nagulat siya sa ginawa ni Eunice, mas lalo ako.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon