Who Told You I'm Happy?

86K 2.3K 733
                                    

BloodyCrayons
Who Told You I'm Happy?
---------------------------------------------------

Kyle

"Ano ba Kyle, masyado kang tensed. Magrelax ka lang kasi wala pa namang nangyayaring masama." Sabi sakin ni April habang pinapalamanan yung tinapay gamit yung bread knife. "Tsaka sa kanilang lahat, tayo yung pinakasafe. Dalawa tayo remember."

Di ko lang alam kung bano ba talaga kami o talagang may sangkatangahan yung grupo namin. Alam naman na kasi namin na mali yung paghihiwa hiwalay pero tinuloy parin namin. Langya lang, nakakagago. Parang mas lalo lang naming binigyan ng advantage yung killer.

Nasa room 2 kami ngayon. Yung kwartong hindi inatake ng killer nuong minasssacre niya yung mga kasama namin. Dito narin namin balak hintayin yung susundo namin. Kung makakatagal kami ng labindalawa at kalahating araw.

"Mas mabuti ng safe tayo. Mamaya hagisan tayo ng sleeping gas eh." Sagot ko habang kinukuha yung isang tinapay na natapos niya ng palaman. Kinagatan ko yun tapos bumalik na ako dun sa inuupan ko malapit sa pintuan nung kwarto. "Naks, may talent ah. Sarap nitong tinapay, lasang bread."

"Baliw! Tsaka kung yung sleeping gas yung pinoproblema mo, meron naman na tayong pangontra diba?" sabi niya sabay tuktok dun sa balde na may lamang mga basang bimpo.

"Oo, alam kong may pangontra na tayo pero kahit na ganun mahirap parin yung papetiks petiks." Syempre basic precaution na yang basang bimpo pangontra sa mga usok. Kumbaga, halos lahat ng taong nagbabasa ng mystery o nanunuod ng bakbakan malalaman yan.

Kapag may nagpausok, gumamit ka raw ng basang bimpo pantakip sa ilong mo. Syempre haharangin nuon yung usok kaya di mo malalanghap. Pero kumbaga sa medicine, first aid lang yan. Kailangan parin naming lumabas sa kwarto. Tapos kunwari nagaabang pala yung killer sa labas.

Dedo kami agad.

Tsaka hindi yan sapat para magpapetiks petiks kami. Ilang beses na ba kaming nalagasan dahil sa katangahan namin?

"Bahala ka diyan. Masyado kang paranoid di mo bagay. Kyle the paranoid!" Pambubuska niya sakin.

"Di ako paranoid. Surist ako." Sagot ko habang tumatawa.

"Anong surist?" takang tanong niya.

"English ng segurista." Sabi ko na mas nilakasan ang tawa.

"Hala! Si manong, patawa." Bakit ganun ang mga tao? Nambabarag pero tumatawa naman. "Kyle," sabi ulit niya pero this time alam kong seryoso na siya. "Lalabas lang ako, may kailangan lang akong kunin sa bag kong naiwan sa baba."

Ano naman kayang importanteng bagay ang naiwan niya para ipahamak niya ang sarili niya sa pagbaba? "Diba naiakyat na natin ang lahat ng mga gamit mo? Lika, samahan na kita."

"Meron nga kasi akong naiwan dun eh. Tsaka wag na. Sa baba lang naman ako eh. Kaya ko na to." Sabi niya sakin sabay dampot dun sa kutsilyong nakalatag sa tabi ng higaan.

"Ano ba kasi yung laman ng bag na yun? Tsaka delikado, sasamahan na kita." Hindi ko maiwasang magalala para sa kanya.

"Hindi na nga sabi eh, wag na. Kaya ko na talaga ito." Sabi niya sakin sabay pinaikot niya yung kutsilyo sa mga daliri niya. Kung ano man yung laman nung bag na yun, ayaw niya talagang sabihin sakin. Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagtataka ko. Kaso alam kong wala na akong magagawa. Hindi ko siya mapipilit sabihin yun kung hindi niya gusto sabihin. Alam ko naman kasi na kung minsan mamisteryo yung mahal ko. Tsaka isa yun sa nagustuhan ko sa kanya. Sasabihin niya rin naman yun kapag ready na siya. Konting hintay lang. Di rin naman ako kayang tiisin niyan.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon