Bloody CrayonsWe Are Not That Powerless---------------------------------------------------
April
Ano ba ginagawa ko sa labas? Di ba dapat bumalik na ako sa room namin ni Kyle? Nakakaasar kasi. Yung katangahan ko. Yung mga bagay na pumapasok sa utak ko.
Ano ba naisip ko at napagtripan kong ganunin si Kenly? Para akong baliw. Mas lalo tuloy nila akong paghihinalaan.
Why am I fucking with my friends? They accepted me for what I am. Di sila katulad ng ibang tao na kapag pinakita mo ang tunay mong kulay, pilit at pilit ka nilang babaguhin. They want to repaint you.
Changing people to fit your own personal view of normality is like changing the color of a blackberry from purple to black just to fit the name. It's just so selfish and self-centered. I don't want to be surrounded with people like that.
That's why I'm thankful that I have friends like them. So why? Why did I have to do that?
Nasa gilid ako ngayon ng cliff malapit sa resthouse. Sa ibang tao siguro nakakalula na ito pero hindi naman ako takot sa heights. At mas lalong hindi ako takot na mahulog. Di naman ako tanga. Alam ko kung saan ang mahinang parte. Syempre I still value my life.
Kahit na wala naman talaga akong kwenta.
Lumingon ako sa likuran at nakita ko sila Kyle at Kenly sa labas naguusap. O nagkekwentuhan. Hindi ako sigurado. Medyo malayo sila sa kinakaupuan ko at mahina pa ang mga boses nila para marinig ko nang maayos kung ano man ang pinaguusapan nila. At kahit na ako pa ang pinaguusapan nila, wala akong pakialam.
Lumingon ulit ako at tinignan ang kalawakan ng dagat. Yung mga panahong nagaagaw na ang liwanag at dilim ang pinamagandang time para sakin. Tapos nataon pa na may view ng dagat kaya mas lalong gumanda yung tanawin. Kahit medyo patapos na ang sunset pero maganda parin. Nakakalma sa pakiramdam.
It's amazing how accurate a sunrise or a sunset describes human beings. Katulad ng mga tao, panahon ito ng pagaagaw ng liwanag at diliw. Humans contain both darkness and light inside them which is constantly at war with each other. At katulad ng sunrise, may mga taong nagtatagumpay ang liwanag sa pagkatao nila. At katulad rin ng sunset, may mga taong pinipiling yakapin ang kadiliman.
Kahit malamig ang simoy ng hangin at hindi kakapalan ang suot ko di naman ako masyadong apektado sa lamig. Hiyang na ako. Palaging naka max ang aircon sa bahay namin. Kahit pa October ngayon wala akong pake.
Sa lahat naman kasi ata ng bagay wala akong pakialam.
Pinikit ko yung mga mata ko at nahiga dun sa damuhan. Ang kalmado ng paligid. Naririnig mo yung huni ng mga kulisap tsaka ng mga kuliglig. Ingay na mahirap marinig sa mga siyudad. Tinuloy ko lang yung pagrerelax ko ng biglang nabulabog yung katahimikan.
Narinig kong sumigaw si Eunice. At kasabay ng pagsigaw niyang yun ay ang pagtahimik ng mga kulisap. Istorbo. Bakit niya kailangang sumigaw kung hindi rin lang naman namin siya tutulungan? What's the sense? Ang kapal ng mukha niyang magisa tapos sisigaw sigaw. Sarap upakan.
Lumipat ako sa pagkakaupo para tignan yung resthouse, dun ko napansin na wala na sila Kyle at Kenly sa harapan. Ang mga gunggong pumunta para tulungan si Eunice.
Ewan ko sa kanila. Basta ako magrerelax nalang sa lamig ng paligid. Unti unti kong pinikit ang mga mata ko habang unti unting bumabalik ang mga tunog ng mga insekto ng gabi.
* * *
Mga ilang sandali lang nabulabog nanaman yung pagrerelax ko nang marinig ko silang tumatakbo paakyat ng hagdan. Yun kasi ang problema sa hagdanan ng bahay nila Marie, gawa sa kahoy. Kapag talaga mabigat ang gagawin mong hakbang, magiingay.
BINABASA MO ANG
Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)
Mystery / ThrillerThe real you is the monster inside you.