The Beginning Of The Nightmare

146K 3.5K 1.1K
                                    

Bloody Crayons
The Beginning Of The Nightmare
---------------------------------------------------------------------------

 

Jerard

Madilim na yung kalangitan nang marating namin yung resthouse kaya di narin kami nakapaglibot libot pa sa paligid. Idagdag narin yung pagod na dulot ng byahe at paglakad namin papunta rito, malamang masyado na kaming lobatt para magikot ikot pa.

Sa bungad palang, halata mo ng pagmamayari ng isang mayaman na tao yung bahay. Malawak yung sala tsaka di basta basta yung mga muwebles na nilagay nila. Kahit sa mata ng hindi eksperto na katulad ko, itsura talagang gumastos ng malaki yung nagdisenyo nito. At sala palang ‘to. Pano pa kaya kung napuntahan na namin yung iba’t ibang sulok ng bahay na ‘to?

“Di ko na kaya guys. Babagsak na ako.” humihingal na sabi ni Kyamii. “How about we rest our tired bodies in those plush looking divans?”

Napapikit ako ng maramdaman ko yung lambot nang sofa sa likuran ko. Kung ganto lang palagi kalambot ang pagpapahingahan pagkatapos ng medyo mahahaba habang lakad, kahit death march di ko aatrasan.

“Fourteen lang ba tayo rito” narinig kong tanong ni Mai. Tapos sinegundahan pa ng tanong ni Kyle pero di ko nalang sila pinansin. Mas masarap isipin yung lambot ng sofa kaysa yung sa boring na topic nila.

Inabot ata sila ng kalahating oras sa pagkukwentuhan at nung malapit na akong makatulog, biglang naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko.

Dinilat ko yung isang mata ko at nakita si Kyamii na nakatingin sakin. Ang ganda niya talaga. “Bakit?” pupungas pungas kong tanong.

Niyugyog niya uli yung balikat ko nung nakita niyang pinikit ko uli yung mga mata ko. “Tara na raw. Lilibutin pa natin yung bahay eh.”

Sinadya kong hindi siya pansinin kaya niyugyog niya nanaman uli yung balikat ko. Tapos nung sisigawan niya sana yung tenga ko, lumingon ako at ninakawan ko siya ng halik. Natawa ako nang nakita ko yung pamumula ng mga pisngi at tenga niya.

“B-bastos!” namumula niyang sabi bago ako iwan. Napapailing na sinundan ko nalang siya. Boyfriend niya ako pero sinabihan niya ako ng bastos nung ninakawan ko siya ng halik. Ano tingin niya samin? Nasa ligawan stage parin?

Nung nakahabol ako sa kanila, tinabihan ko si Kyamii at tinanong kung ano na yung napagusapan nila. Mukhang di naman siya nagalit sakin kasi di niya ako nilayuan. Kapag kasi nagtatampo siya, kahit anong lapit ko siya namang layo niya. Para kaming magnet na parehas ang dulo. Di nagdidikit kahit anong pilit.

“Di ka ba nakikinig kanina? Ano ginawa mo? Umidlip?” nanenermon na sabi niya. “Apat yung kwarto dito sa bahay. Dun kayo nila John, Justin at Jake sa third room.”

“Sorry. Nalobatt talaga ako eh. Buti nalang dahil sa kiss mo bumalik yung lakas ko.” sagot ko sa kanya nang nakangiti.

“E-ewan ko sayo!” mas lalong lumawak yung ngiti ko nung nakita kong namula nanaman yung mga pisngi niya. Ang ganda ganda niya talaga.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon