United We Fall, Divided We Still Fall

74.2K 2.2K 581
                                    

Bloody Crayons
United We Fall, Divided We Still Fall
---------------------------------------------------------

Kyle

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa plano ni Eunice.

Kung tutuusin dapat nagalit ako. Kapahamakan lang ang idudulot nun kay April. Siguro kasi napagod narin ako. Yung narating ko na yung puntong gusto ko nalang matapos lahat. Yung wala na akong pake kung ano yung gagawin o kung ano yung paraan.

Kahit na ganito kadelikado.

Pero tama nga ba na sundin namin siya? Ewan. Bahala na.

* * *

Eunice

Simple lang naman ang plano. We catch the killer red handed.

Nandirito kami ngayon sa dining room, busy kumakain. Nagpapanggap na normal lang 'tong araw na 'to kahit alam naming hindi. Alam naming lahat na ngayon na mangyayari ang dapat mangyari. Kung mabubuhay nga ba kami o hindi.

"Waa, busog. Lalabas muna ako guys." Sabi ni April sabay dampot sa kutsilyo sa tabi niya. Naging normal na para samin ang paghawak at pagdala ng kutsilyo sa kung saan ka man pupunta. Nakakatawa kasi ang laki na ng pinagbago namin kahit wala pang thirty hours ang inilagi namin sa isla. Habang kumakain nakalatag sa tabi mo. Kapag natulog ka, nakalagay sa ilalim ng unan. Mahirap na kasing magpapatay patay at baka mamatay talaga kami. I find it ironic na ang kinakapitan namin para mabuhay ay isang bagay na gamit pang patay.

Nang nakaalis na si April, biglang naging tensiyonado ang paligid namin. Lahat nakikiramdam. Sinisigurado kung may tao pa maliban saming tatlo.

Nang nakasigurado na ako, tinitigan ko si Kyle at Kenly. Naintindihan naman nila kaya itinabi nila yung mga plato nila. Ito na ang huling tsansa namin.

"Sigurado ka na ba talaga na siya ang killer Eunice?" pagbubukas ni Kenly sa usapan.

"Oo, one hundred percent. Diba napagusapan na natin to kahapon?" asar kong sagot.

"Siguro naman naiintindihan mo yung nararamdaman ko. Ako ang pinakaapektado rito Eunice. Siguro naman pwedeng magsiguro kami." Mainit na sabat ni Kyle. "Pag pumalpak 'tong plano mo at hindi siya ang killer. Mananagot ka sakin."

"Alam ko Kyle. Sigurado na ako. Sa dinamirami ng mga pangyayari sa mga nakaraang araw at sa dami rin ng suspects ko, isa lang nakakasigurado ako." Itinigil ko yung pagsasalita ko sandali para uminom ng tubig. Medyo nakakatuyo ng lalamunan 'tong atmosphere na nakapaligid samin. "You have to trust me here."

"Alam ko. Alam ko naman yun eh. Pero may parte parin talaga ng katawan ko na ayaw pumayag dun sa sinasabi mo."

"Bakit? Kasi mahal mo siya?" medyo naaasar na tanong ko.

"Oo." Mahina niyang sabi. "Siguro naman maiintindihan mo na mahirap saking tanggapin na si April ang killer."

"Kyle!" nahihintakutang pigil ko. "Diba sinabi kong bawal nating banggitin ang pangalan niya?"

"Pre, kumalma ka lang muna." Pilit na pinapaupo ni Kenly si Kyle pero mukhang walang silbi.

Ewan ko kung maaasar ako o maaawa sa kanya. "Hoy lalake. Pumayag ka na kahapon sa plano ko. Tapos ngayon magbaback out ka? Sinabi ko na sayo diba? Ikaw ang pinakaimportanteng parte ng planong 'to." Tumaas na pala yung boses ko ng hindi ko namamalayan. Huminga ako ng malalim para kumalma tapos hinawakan ko yung mga balikat niya. "Kyle, please. Wag ka namang maging makasarili o. Gusto ko pang mabuhay. At ikaw ang tanging paraan para mangyari yun."

Mukhang umepekto naman yung sinabi ko kasi nanghihinang umupo si Kyle sa upuan. "Alam ko yun Eunice. Alam ko. Mahirap kapag nakasalalay sayo ang buhay ng ibang tao. Sana intindihin mo rin ako. Isang tanong nalang pwede?"

Huminga ako ng malalim bago tumango. "Sige. Naiintindihan naman kita Kyle, I really do. Alam kong masyadong mabigat at malaki yung mga pangyayari pero sana magisip ka."

"Bakit mo nasabing si April ang killer?" nagulat ako sa tanong niya. Bakit nga ba?

"Basta." Sagot ko. "At sa susunod, wag mong sabihin ang pangalan niya nang malakas pwede? Baka mabuko tayo."

"Basta? Ganun na yun? Basta?" napatayo nanaman si Kyle sa kinauupuan niya.

"Please Kyle, let me explain. Alam kong sa lagay ng mga pangyayari, hindi sapat na ebidensiya para maituro siya. Kaya nga nandirito yung plano eh. Diba napagusapan na nating huhuliin natin siya sa akto?"

"Alam ko yun. Pero para talagang mali 'tong gagawin natin. Alam mo kung ano ang naiisip kong gawin?" Nanggigigil na sabi ni Kyle. "Pupuntahan ko siya at tatanungin ko mismo."

Wala na kaming nagawa ni Kenly nang nakita namin siyang lumabas sa dining room.

* * *

April

Nandirito ako ngayon sa labas nagpapahangin. Medyo naririnig ko silang nagsasagutan sa loob pero hindi ko na inabalang pakinggan pa. Alam kong wala rin lang namang kwenta ang pinagtatalunan nila.

Pinikit ko yung mga mata ko tapos sumandal sa pader. Wala kasing kwentang magpakastressed ka sa mga bagay na hindi mo naman na kayang ayusin pa. Para mo narin lang pinapahirapan ang sarili mo.

"April..." nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Kyle na nanggaling malapit sa pader na sinasandalan ko.

"O? Anong nangyari? Okay na ba?"

"Hindi. May itatanong ako sayo." Umupo siya sa harapan ko tapos tinignan niya ako sa mga mata. Kung ano man ang sasabihin niya, alam kong importante ito. "Ikaw ba ang pumapatay?"

Hindi na ako nagulat sa itinanong niya. I was expecting it anyway. "Hindi."

* * *

Kyle

"Hindi" Nung narinig ko yung sagot niya, parang nabunutan ako ng tinik. Tinitigan kong mabuti ang mga mata niya at alam kong hindi siya nagsisinungaling.

"Hindi ka magtatanong?"

"Hindi na. Kung ano man ang dahilan para pagdudahan mo ako, kasalanan ko rin naman yun eh. Masyado kasi akong nagpakabaliw nitong mga nakaraang araw. Tinakot ko pa nga si Kenly kanina. Ang gaga ko ano?" Ngumiti siya ng parang malungkot tapos bigla niyang kinuha yung bag niya.

"Yan ba yung bag na binalikan mo?"

"Ah eto? Oo eh. May laman kasing importante." Sabi niya tapos nilabas niya yung bagay na tinutukoy niya. Plastic bottle yun na isang litro ang laki. May lamang kulay itim na likido sa loob at halos nakalahati na yung laman.

"Coke?" natatawang tanong ko. "Coke yung importanteng laman niyang bag?"

"Alam mo namang addict ako sa coke eh. Bigla ko nalang kasing naalala na may dinala pala akong coke sa laman ng bag kaya binalikan ko." Binuksan niya yung coke tapos iniabot sakin.

Tumatawa nalang akong kinuha yung coke. Kung tutuusin nakakamiss din tong mga ganito. Pagbalik namin ni April magsosoftdrinks party kami. Celebration narin. Tsaka para makalimot narin kami sa mga nangyari.

"Ang lakas mong uminom. Nakalahati mo na o." tumatawa kong sabi bago ako tuloy tuloy na lumagok. Balak kong kalahatiin yung natitira eh.

"Magtira ka." Nakangiting sabi niya.

Dumighay ako ng malakas nung natapos yung paginom ko. Iba pala yung pakiramdam ng nakainom ng one fourth liter ng coke nang wala man lang tigil. Biglang nanlabo yung paningin ko eh.

Tatanungin ko sana si April kung nahilo rin ba siya ng uminom siya ng ganun karami pero napahinto ako.

Bigla akong nagpawis ng malamig tapos nagumpisang manginig yung mga kalamnan ko. Gusto kong magmura pero di ako makapagsalita.

At ang pinakahuling bagay na nakita ko bago tuluyang magdilim yung mga paningin ko ay yung ngiting yun.

Yung nakakalokong ngiting nakapagkit sa mga labi ni April.

[Chapter End]

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon