Bloody Crayons
Like Leaves Falling Off A Tree
-------------------------------------------
MarieAng tensed naman ng atmosphere rito. Hindi ako sanay na ganito sila. Mababait naman lahat ng mga kaibigan ko eh, medyo loko loko kung minsan pero mababait sila. Kaya nga masaya kami pag kasama ang isa’t isa.
“Teka, bakit hindi mo nilangoy yung speedboat nung nakita mo? Malapit lapit pa naman siguro yun diba?” pangbabasag ni Eunice sa katahimikan.
“Eunice, baby, wag ka ngang ganyan. Wag mo namang tanungin ng mga ganyang tanong si Kenly. Hindi maganda yan.” Napangiti ako nung narinig ko yung sinabi ni John. Tama yan John, awatin mo si Eunice. Hindi magandang nagaaway ang magkakaibigan, mas mabuting pagsama samahin natin ang mga utak natin para makaisip ng solusyon. Para walang away. Para walang gulo. Para masaya tayong lahat.
Kaso mukhang walang silbi yung effort ni John kasi sumunod na nagsalita yung mga kaibigan ko. Pati yung mga inaasahan kong tatahimik nalang nagsalita rin. Bakit ganun sila? Bakit parang ginagatungan nila yung sitwasyon? Why are they being mean to Kenly?
Ano ba ang maidudulot na mabuti ng pagaaway? Diba wala? Nagkakandagulo lang kami. Mas magandang pagisipan nalang namin kung sino yung killer.
Pinuntahan ko si Kenly para hilain pabalik ng resthouse. Alam kong frustrated ang mga kaibigan ko. Kaya mas magandang magrelax muna sila. Kasi kapag relaxed ang pakiramdam, mas madaling magisip diba? Yung wala ng galit.
I despise anger. It’s the most destructive force in this world. Kahit sa isang minutong galit mo lang masisira na ang isang importanteng bagay na ilang taon mo ring pinaghirapan buoin. Mawawatak ang pagkakaibigan. Masisira ang tiwala sa isa’t isa. Worst may buhay na mawawala. Hindi ba nila yun naiintindihan?
Pero as usual, bago ako makakilos, naunahan nanaman ako. Sinagot na ni Kenly yung mga tanong. Alam kong pagduduhan nila yung sagot ni Kenly. Kilala ko si Eunice, ayaw agad niyang magpaniwala sa mga coincidence.
“Di kasi ako marunong lumangoy.” Kenly said the truth out loud. Ang tagal niya yang sinikreto. Ayaw niyang may makaalam kasi ayaw niyang may makakita at makaalam ng kahinaan niya. Alam kong nakipagtalo pa siya sa sarili niya para lang masabi niya yun. It’s so said that my friends received it with skepticism.
Parang childhood friends na kami ni Kenly. Magkaklase kami nung nasa elementary pa kami, hindi close pero kilala namin yung isa’t isa. At totoong hindi siya marunong lumangoy, he almost drowned when he was a kid.
Naaalala ko pa nga yun eh. May fieldtrip kami when we were on out sixth grade. ‘Di nga lang ako entirely sure kung fieldtrip nga ba yun. Kasi parang bakasyon naman. Pumunta kami sa beach nun para raw “pag aralan ang mga lamang dagat” pero ang hula ko ay gusto lang magbeach ng mga teachers namin. We were divided into 6 groups at ang nakagrupo pa ni Kenly ay yung mga meanies.
Siguro hinamon siya kaya lumangoy siya palayo mula sa mababaw na parte nung dagat. Di niya na rin daw kasi matandaan ang dahilan. Pero ang point, may something na nangyari na naging dahilan para lumangoy siya papunta sa malalim na parte. At first okay naman, kahit papano alam niyang lumangoy. Kahit langoy aso. Kaso pagdating sa malalim na parte, nag cramps yung mga muscle niya kaya di niya na nakayang palutangin ang sarili niya. Tapos ang akala naman ng mga meanies ay umaakting lang siya kaya iniwan na siya. Buti nalang at nakita ko kaya sinabi ko sa mga teachers. Nasa kritikal na siya nung naligtas siya. From then on hindi hindi na siya sumasama sa mga ‘fieldtrips’ na malapit sa mga bodies of water. Kaya nga napakalaking surpresa na sumama siya ngayun, I know it took a lot of will power on his part. And I appreciated him more for that.
BINABASA MO ANG
Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)
Mystery / ThrillerThe real you is the monster inside you.