"Goodmorning! Gising kana diyan 'nak, tulungan mo na kami dito ng Papa mo." Hawak-hawak ni Reichel ang isang malaking box. Maaga itong nagising dahil marami pa siyang kailangan ligpitin at ayusin para sa pagl
Nate: Ma, kailangan ba talaga na'ting lumipat?
Oscar: Nate, na explain na namin sa'yo 'to ng Mama mo 'diba?
Nate: Paano na 'yung mga kalaro ko at mga kaibigan ko dito? Hindi ko sila pwedeng iwan. Mamimiss ko sila at mamimiss rin nila ako.
Oscar: Magkakaroon ka pa naman ng ibang kaibigan. Sigurado akong mabilis ka ring makakahanap ng new friends kasi friendly ka 'diba? Mana ka sa amin ng Mama mo.
Nate: Eh ayaw ko nga pong umalis dito. Ansaya saya naman po na'tin dito 'diba? Tapos malapit din po tayo sa play ground at may swimming pool pa dito sa Villa.
Oscar: Nate, kailangan na na'ting magtipid-tipid para makapag-ipon pa kami ng Mama mo at para na din future mo, future na'ting tatlo. Dito kasi 'nak doble doble ang gastos mauubos lahat ng nasa savings na'tin.
Reichel: Makinig ka na lang muna sa amin ha. Hayaan mo kapag nakaluwag-luwag na ulit tayo malay mo makabalik agad tayo dito.
Nate: Talaga ma?! Babalik din tayo dito??
Reichel: O-oo naman, go pack up your things na.
Bumalik si Nate sa kanyang kwarto para ilagay sa lalagyan ang mga gamit niya.
Oscar: Pasensya kana hon ha.
Reichel: Kagabi ka pa diyan sa mga salita mong yan, hon. Sabi ko naman sa'yo okay lang kahit saan man tayo tumira basta magkakasama tayong tatlo. Atsaka tama ka rin naman malaki talaga nagagastos na'tin dito. Atleast kung babalik tayo dun sa apartment ko dati makakapag-ipon na tayo.
Oscar: Hindi naman dapat ganito 'yung nangyayare sa'tin. Pinangako ko sa'yo na ako ang magproprovide ng lahat para sa pamilya na'tin. Gagawin ko ang lahat para 'di niyo maranasan mga naranasan ko noon pero...
Reichel: Kahit hindi pa tayo mag-asawa at kahit kung magiging mag-asawa na tayo hindi rin naman ako papayag na ikaw lang ang gagastos 'diba? Hati tayo, suportahan ganun.
Oscar: Halos malapit na mag-two years nung niyaya kitang pakasalan pero hanggang ngayon kahit simpleng wedding man lang hindi ko maplano.
Reichel: Mahal, sa ngayon mas ipriority muna na'tin kung paano at saan tayo mabubuhay. Hindi naman din ako nagmamadaling ikasal sa'yo ah. Kaya ko rin namang maghintay alam mo yan at masaya na akong magkakasama tayong tatlo.
Oscar: Hindi ka ba natatakot na baka maisip ko na hindi naman tayo kasal kaya pwedeng one day basta basta na lang kita iwan.
Reichel: At bakit naman ako matatakot? Bakit mo naman iisipin yan aber?? Inisip mo ba yan kasi may plano ka pang iwan kami ng anak mo ha??
Oscar: Hindi ganun Reich, ako 'yung natatakot. Paano kung ikaw isipin mo na hindi naman tayo kasal at maari ka pang humanap diyan ng lalaking kaya kang pakasalan at panindigan kayo ni Nate? Paano kung-
Reichel: Paano kung hindi ganun 'yung nasa isip ko ha? Hon, napatunayan ko naman na sa'yo kung gaano kita ka mahal 'diba?
Oscar: Hindi ka naman maghihintay, mag-stay sa akin at araw-araw akong piliin kung hindi mo ko mahal.
Reichel: Mismo kaya ikaw 'wag kana mag-isip ng kung ano-ano. Kung ako iiwan mo, okay lang. Kawalan mo na 'yun.
Oscar: Hinding hindi ko gagawin 'yun.
Reichel: Talaga lang ha? Naku siguraduhin mo lang Atty. A!
Oscar: HAHAHAHA oh siya ako na magdadala niyan baka manakit pa katawan mo dahil sa bigat.
BINABASA MO ANG
THE UNBEATABLE LAWYERS [COMPLETED]
FanfictionPROLOGUE Every great dream begins with a great dreamer. Dalawang matapang na kababaihan ang nakikipaglaban para sa katarungan ng karamihan. Tapang, talino at determinasyon sa buhay ang kanilang puhunan. Parehas nilang matatagpuan ang sandigan sa la...