CHAPTER 28

523 37 30
                                    

A/N: Muling panawagan, lahat ng inyong mababasa ay walang pawang na katotohanan. Hindi binase sa kahit na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglalaman. Sorry for the grammatical errors and typo. Mwaa! Gbu ~

Lei's Pov

Hinahangaan mo ko? Kikilig naman ako sa'yo D.

Kaso 'di pa tayo bati kasi panay sermon abot ko sa'yo.

Reichel: I'm sorry.

Lei: Ba-bakit ka naman nag-so-sorry?

Reichel: Hindi kita dapat sinigawan kanina. Kung tutuusin kasalanan ko kung bakit hindi ka nakatulog ng maayos.

Lei: Ni-lock mo kasi yung kwarto, nag-alala tuloy ako tapos puro "Os" lang yung naririnig ko with matching mahinang iyak pa.

Reichel: HAHA sorry na. Inaantok kapa ba? Kung gusto mo umuwi na tayo ngayon--

Lei: Ugh! Mabuti pa nga--

Papara na sana ako ng taxi ng biglang huminto sa harapan namin ang kotse ni Atty. A.

W O R L D W A R I I I

Reichel: Tangina.

Lei: Ka-ka-kalma Reich.

Reichel: Bakit nandito yan ha! Diba sabi ko sa'yo ayaw kong makita yan.

Lei: Hi-hindi ko din alam Reich--please calm down. 'Wag kang mag-wawala nasa loob pa yung mga reporter.

Bulong ko kay Reichel.

Oscar: Hatid ko na kayo?

Lei: Atty. A---

Reichel: May lakad pa kami--hindi ba pwedeng pumirme kana lang sa kung nasaan ka man ha??

Oscar: Galit kaba sakin?

Reichel: Tama naman na magalit ako diba? Kasi gago ka--kasi yun ka!

Tumawid siya sa kabilang kalsada.

At sinundan ito ni Atty. A.

Wala rin naman akong ibang choice kundi sundan silang dalawa.

Oscar: Te-ka-teka? Ano bang pinagsasabi mo ha?

Reichel: Ang linaw na pagkakasabi ko diba? Gago ka! Gago ka--gago ka.

Oscar: Ano bang nangyayare sa'yo ha! Dahil ba sa nangyare kagabi?

Hindi sinagot ni Reichel si Atty. A

Oscar: Reichel--Hi-hindi kita maintindihan.

Reichel: Hindi mo ko maintindihan punyeta ka! Mas hindi kita maintindihan.

Oscar: Reichel--Ano ba! Mag-usap naman tayo ng matino.

Reichel: Oscar, gusto ko na ng katahimikan. Kung mahal mo talaga si Cassandra, tatantanan mo na ako. At sasakay kana diyan sa bulok mong kotse!

Wala pang ilang minutong nakakalipas ay sumakay din ito agad sa kotse niya.

A-ano bang nangyayare sa mundo? Bakit parang gusto ko na lang maging hopia--ang komplikado niyo.

Hinila ko si Reichel--

Lei: Reichel, tama na. Uwi na tayo.

Reichel: Nakita mo yun! Nakita mo kung gaano ka gago yun ha! Buwisit. Lintek, piste!

Lei: Reichel tama na--iiyak ka na naman. Akala ko ba uuwi na tayo?

Reichel: Ayaw ko pang umuwi, kung gusto mong umuwi na. Umuwi kana--may pupuntahan pa ako.

THE UNBEATABLE LAWYERS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon