CHAPTER 42

385 31 16
                                    

A/N: Muling panawagan, lahat ng inyong mababasa ay walang pawang na katotohanan. Hindi binase sa kahit na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglalaman. Sorry for the grammatical errors and typo. Mwaa! Gbu ~

—————

Napatulala si Reichel sa nangyare, inabot ng ilang minuto bago nag-sink in sa kaniya ang lahat ng sinabi ni Lei.

Hindi ito makapaniwala na ang batang lumuhod sa kaniya sa harap ng hukoman ay ang batang Lei.

Ilang beses nagpaliwanag si Lei kay Reichel na self-defense lang ang nangyare ngunit hindi siya pinaniwalaan nito.

"Huwag mong ipakulong ang magulang ko, p-parang awa mo na. W-wala silang kasalanan, h-hindi sinasadya ni Papa 'yun." Paulit-ulit na sambit ng batang si Lei sa harapan ni Reich.

"Pinatay ng Papa mo ang Papa ko, kaya pagbabayaran niyo kung anong ginawa niyang masama." Bulalas ng batang si Reichel.

"N-nagmamakaawa ako s-sa'yo. P-please, please walang kasalanan si Papa. Wala!" Pautal-utal na nagpaliwanag si Lei. "H-h-hindi ko kayang mawala sila Mama at Papa—gagawin ko lahat kahit anong gusto mo p-p-para pakiusapan mo na yung Mama mo. P-p-please, 'wag mong ipakulong sila Papa."

"Lei? Lei--kailangan mo ng sumama sa'min ngayon." Sumingit sa usapan ang isang babaeng taga-orphanage.

"H-hindi ako sasama sa inyo! Ayaw ko!"

Lumabas galing sa korte ang mga magulang ni Lei.

Malayo man si Lei ay natatanaw niya ang mga magulang niyang pinupusasan.

"Mama! Papa! W-wala silang k-kasalanan, p-p-pakawalan niyo sila. H-hindi nila magagawa lahat ng binibintang niyo. Mama ko, Papa ko. B-bitawan niyo sila, please." Nagpupumiglas si Lei.

"Lei 'wag ng matigas ang ulo ha, kailangan mo ng sumama sa'min." Binuhat nila si Lei at isinakay sa sasakyan.

"W-wala silang kasalanan a-at sisiguraduhin ko yan sa'yo!" Malakas niyang hiyaw sa harapan ni Reichel.

Oscar: Reichel!

Mabilis na hinatak ni Oscar si Reichel papatabi ng Kalye.

Oscar: Muntik ka nang mabangga! Ano kaba?! Bakit kaba nandito??

Hindi sumasagot si Reichel at nakatulala lang sa malayo.

Oscar: Reichel?? Reich!

Mahigpit na niyakap ni Reichel si Oscar.

Reichel: Kung nakinig lang sana ako sa kaniya—siguro hindi niya ako kamumuhian ng ganito.

Oscar: Tahan na, uwi na tayo.

Reichel: K-kasalanan ko. K-kasalanan ko.

Oscar: Reich, tama na. Hinihintay ka na ni Nate. Uwi na tayo—

Sa murang edad parehong napagdaanan nila Reichel at Lei ang mawalan ng magulang.

Namatay ang Tatay ni Reichel dahil sa Papa ni Lei.

Nakulong at nagpakamatay sa loob ng kulungan ang mga magulang Lei.

Pareho silang pinatibay ng masamang karanasan.

At parehas din silang patuloy na pinapahina ng nakaraan.

Oscar: Reich—nakwento sakin ni Aga kung anong nangyare. Wala kang kasalanan, bata ka palang noon nung nangyare 'yun. Wala kang k-

THE UNBEATABLE LAWYERS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon