Jack Elizabeth's P.O.V.
Pabalik na ako ngayon sa classroom. Kahit naman tinatamad akong mag aral wala akong magagawa. Ang boring pa ng school na to.
Pagkapasok palang ay napakaingay ng mga classmates ko, ang lalandi pa. Joke lang inggit lang ako hahaha
Umupo na ako sa upuan ko nakapa lonely kong tignan, wala akong kausap pisti na yan. Nilibot ko yung paningin ko sa classroom wala si James at yung mga barkada niya. Magpapamusic nalang ako. Hinanap ko yung headset ko sa bag at oo headset lang dahil hindi ko afford yung mahal.
Kinalikot ko ng kinalikot yung bag ko dahil ang daming pagkain hindi ko pa pala nakakain sayang naman
“Hoy pahingi!” nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harap ko kaya niyakap ko ng mahigpit yung bag ko
“Bakit close ba tayo?” Sabi ko sakanya at inirapan
“Pahingi lang ang damot mo naman parang di tayo magclassmate” hindi ko na siya pinansin at naghalungkat nalang gamit ang isa kong kamay baka kasi biglang hablutin
“Hoy ano yan pahingi din ako!” nagulat na naman ako ng may sumulpot na namang isang bakulaw
“Mga gago ang yayaman niyo tas pagkain lang di kayo makabili, mga patay gutom!” sigaw ko sa kanila. Paano sila nakakapag aral sa private school ng hindi man lang nakakabili ng tig kinseng piattos?
Sasagot pa sana pero biglang bumukas yung pinto. Nandyan na si sir, nandyan na din yung pangit na magbabarkada.
“Open your book in page 17 and answer the questions in page 22” yung lang ang sinabi na sir at lumabas na
“Hoy James inamo saan ka nagpunta?” nilapit ko pa yung upuan ko sa kanya para makipagdaldalan
“Diyan sa tabi tabi ikaw nga biglang nawala tatanga tanga ang tanda mo na nawawala ka pa” naglabas naman siya ng libro. Sana all masipag mag aral
“Hoy ikaw babae na tagilid ayusin mo nga yung upuan mo feeling close ka naman” sabat ni Zach at dinuro duro pa ako. Bastos
“Hoy kadin papansin ka ikaw ba kinakausap ko?” Sabi ko at dinuro duro ko din.
“Wag mo nga akong hinuhoy may pangalan ako no!” tumayo naman siya sa upuan niya at humarap sakin
“Ayoko kasing banggitin ang pangalan mo amoy mabaho” tumayo na din ako at humarap sa kanya, aba hindi ako magpapatalo
“Maangas ka talaga no?” Sabi niya at tinignan ako ng matalim. Hindi uubra sakin yan boi
“Pake mo? Ikaw nga maangas na pinakialaman ba kita?”
“Okay 10 minutes left!” bigla akong napaupo at naglabas ng papel ng biglang pumasok si sir. Bigla akong kinabahan tang*na Wala pa akong sagot
Tumingin ako sa harap para sana mangopya pero napansin yata kaya tinago yung papel. Patay ako neto wala akong sagot.
“Sa wakas natapos din” bigla akong nabuhayan ng loob ng marinig ko yung boses ni James. Shet hulog ka ng langit!
“pssttt!” sitsit ko sa kanya pero ayaw yata akong pansinin
“pstttt!” sitsit ko ulit kaya tumingin na siya sakin
“Oh?”
“pakopya hehe” tumalikod naman siya agad sakin. Taena naman ang damot parang pakopya lang. Nagdadasal pa ako na sana wag magmadali ang oras Kasi wala pa talaga akong naisulat
“James dali na gago ka parang di tropa” pakiusap ko sa kanya
“5 minutes!” gulat Naman akong humarap kay sir. Wala pa akong sagot kahit isa!
YOU ARE READING
The Tomboy And The Playboy
Teen FictionAnong gusto mo sa babae? Yung babae na tomboy ang datingan pero seryoso sayo o yung babae na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo? Anong gusto mo sa lalaki? Yung lalaking cold sa iba, clingy at maalaga sayo pero dimo maintindihan o yung lalaking ma...